Part 16

1.8K 71 12
                                    

Jema's POV

Kinabukasan, maaga akong nagising.

Sabay sabay kaming nag almusal nila Jho, Ced, at Mafe.. tulog pa kasi sila mama kaya kaming magkakapatid yung nandito.

Paminsan minsan napapatingin ako kay Ced, napansin naman ni Jho iyon..

"Jema, bat parang makatingin ka dyan kay Ced akala mo may nagawa syang masama sayo?" tanong ni Jho sakin,

Napatingin sakin si Ced

"Bakit?" tanong nya, "anong meron at narinig ko pangalan ko?" tanong nya uli, at palipat lipat yung tingin nya samin ni Jho habang kumakaen

"yan si Jema, kanina ko pa nakikitang tumitingin sayo.." sumbong ni Jho

Tumingin sakin si Ced habang ngumunguya ng pagkaen..

"oh bakit? anong problema?" tanong nya sakin..

Nakatingin lang samin si Mafe at si Jho..

"Ikaw Ced...." sesermonan ko na sana sya, kaso baka asarin ako nito kapag sinabi kong nakita ko sila ni Dean kagabi..

Baka sabihin nya nag seselos ako kahit hindi naman.. 

"Ano ako??" tanond ni Ced

"Wala... ang ganda mo.." sabi ko, pagkatapos inirapan ko sya.. natawa naman silang tatlo..

"Thank you!!" sabi nya habang nakangiti..

Thank you mo mukha mo.. 🙄

Maya maya, nakita ko yung tatlong magpipinsan, papunta na sa labas..

Napansin kong sobrang seryoso ni Tots.. madalas kasi si Tots ang nakikita kong palaging nakangiti..

Napatingin ako kay Dean, nakangiti sya ngayon..

Tumingin sya kay Ced.

"Hi Ced... ok kana?" nakangiting tanong ni Dean, kinawayan naman sya ni Ced.. 

Hi Ced... Hi Ced mo mukha mo..🙄

"Yes.. ok na ko Dean.." sabi ni Ced..

Napairap lang ako..

Bigla akong tumayo kaya napatingin sakin yung mga kapatid ko.

"Aalis na kami.." seryosong sabi ko,

"Ok ingat.. ang weird mo ngayon Jema ha.." sabi ni Jho, hindi ko na sya pinansin at naglakad nalang ako papunta sa sasakyan ko..

Nang makarating ako sa sasakyan ko, hindi ko na hinintay na pagbuksan ako ng pinto ni Dean, agad akong pumasok at naupo..

Maya maya sumakay na din si Dean sa driver's seat, tumingin sya sakin..

"Aalis na po ba tayo Mam?" seryosong tanong nya, tiningnan ko sya ng masama

"Hindi... dito lang tayo... mas gusto ko dito..." inis na sabi ko

Magtatanong pa eh... malamang aalis na..!

Nakatingin lang sakin si Dean..

"Ok.." sabi nya at naupo lang sya

Aba! talagang nag aasar ka ngayon ha..!

"Nang aasar ka ba??" tanong ko sa kanya, tumingin uli sya sakin

"Hindi po.." sagot nya

"Aalis na tayo!" inis na sabi ko

Bigla namang inistart ni Dean yung sasakyan..

"Gulo kausap..." bulong nya

"Ano?!" inis na tanong ko

"Wala... sabi ko nga aalis na tayo..." sabi nya, pagkatapos nag start na syang mag drive..

In My DreamsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon