Part 12

1.8K 72 5
                                    

Dean's POV

"Mga pinsan, wag kayong magpakalasing ha.. tandaan nyo, may mga ihahatid pa tayo.. saka maaga pa tayo bukas para umuwi.." sabi ni Bryce samin

Bago kami pumasok dito, nagpalit muna kami ng damit, pangit naman kasi kung nakabarong pa kami.. 

Pumunta kami sa isang table na bakante at tumawag ng waiter.. Agad namang lumapit sa amin yung isang waiter. 

"Yes sir?" tanong ng waiter

"One bottle of Bourbon whiskey please... pahingi din kami ng 3 glasses with ice." order ni Bryce

Wow hindi daw maglalasing.. pero ang order Bourbon whiskey... sabagay, noong nakaraang araw kasi iyak to ng iyak sa kwarto namin dahil kay Caitlin.. 

"Mga bro,, mag dadrive pa tayo mamaya..." paalala ko, 

"Basta, control nalang tayo... kung medyo nalalasing na wag ng uminom.." sabi ni Tots

Maya maya dumating na yung order namin at nag simula na kaming uminom.. 

Maya maya may lumapit samin...

"Hey! nandito kayo!"masayang sabi ni Kuya Miguel

"Kuya Miguel, kamusta??" masayang bati namin, kinamayan namin sya..

Si Kuya Miguel kaibigan namin ito.. matagal na din simula nung huli kaming nagkita kita.. 

"Grabe.. ang tagal ko kayong hindi nakita ahh" masayang sabi nya

"Oo nga eh, ilang years na din.." sabi ni Bryce

"Next time naman chill tayo dito... sayang naman paalis na kasi ako eh, nagmamadali ako.." sabi nya

"Sige sige next time.." sabi naming tatlo, maya maya nagpaalam na sya. 

Nagkwentuhan lang kaming tatlong magpipinsan tungkol kay Caitlin habang umiinom..

Nagulat kami ng may biglang lumapit samin, si Ponggay, at may kasama syang dalawang babae.. 

"Hi Boys.. naks, mamahalin yung inumin nyo ahh.. sweldo na?" Tanong ni Ponggay, natawa naman kaming tatlo

"Hello!" bati naming tatlo

Pinakilala samin ni Ponggay yung mga kasama niya. 

Si Carly pala at si Sati yung kasama nya..

Sabi ni Bryce, kilala nya na daw yung dalawa dahil ka officemate ni Jho yung dalawa...

Nakipag kwentuhan lang samin yung tatlo, pero hindi ko sila masyadong pinapakinggan dahil napapatingin ako kay Jema.. 

Mukhang sanay na sanay sya sa inuman..

Maya maya napatingin sakin si Jema, pero bigla syang umiwas ng tingin sakin, napangisi naman ako.. 

Bakit ba hindi nito kasama yung boyfriend nya?

Maya maya nagpaalam na yung tatlong babae at bumalik na sila sa mga kasama nila. 

Siniko ako ni Bryce

"Huuy! kanina pa nag papa cute sayo si Carly dito pero hindi mo pinapansin" sabi ni Bryce

"Panong mapapansin sa iba nakatingin.." sabi ni Tots habang nakangisi, napailing nalang ako.. 

"Ewan ko sayo..." sabi ko habang nakangiti

"Inlove ka no??" tanong ni Bryce sakin

"Ha? h-hindi ahh.." sabi ko habang nakakunot noo

"Inlove ka.. hahahaha kaso malas mo, may boyfriend yung gusto mo haha" asar sakin ni Bryce, napatingin uli ako kay Jema. 

In My DreamsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon