Bryce's POV
Habang nag dadrive ako papunta sa office ni Jho, iniisip ko si Dean, nag aalala parin ako sa kanya.
Hindi ko nagustuhan yung nalipasan sya ng gutom kagabi, bawal kasi sa kanya iyon. Mabuti nalang at naging ok sya kanina.
Natauhan ako ng biglang magsalita si Jho..
"Bryce, pwede daan tayo ng SB?" tanong ni Jho sakin
"Ok po Mam.." sagot ko, nag hanap ako ng Starbucks, nang makahanap ako, agad akong nag park sa tapat.
Bumaba ako ng sasakyan at pinagbuksan ng pinto si Jho.
"Thank you" sabi nya at nag lakad na sya papunta sa loob ng Starbucks, sumunod ako sa kanya.
Habang umoorder sya, hinihintay ko lang sya.
Maya maya napatingin ako sa pinto at nakita kong pumasok ang isang sobrang pamilyar na babae...
Si Caitlin...
Oh shet! why naman ganon?? bakit ngayon pa??
Agad akong tumalikod para hindi nya ako makita.
Pero namiss ko siya... mas lalo syang gumanda ngayon...
Nakaramdam ako ng lungkot..
Nang matapos ng mag order si Jho, tinawag nya ako.
"Bryce, let's go..." aya ni Jho, agad akong tumayo habang nakayuko. Mag lalakad na sana ako palabas pero....
"Bryce???" tawag ni Caitlin sa akin, bigla akong napapikit. Bago ako humarap sa kanya huminga muna ako ng malalim, pagkatapos humarap ako sa kanya at pilit na ngumiti.
"H-Hi, long time no see..." sabi ko habang pilit na nakangiti at pilit na pinapasigla yung boses.. napatingin saming dalawa si Jho. Tumingin din si Caitlin kay Jho.
"H-hello, uhm, s-sino sya?" tanong nya habang nakaturo kay Jho. Dali dali kong inakbayan si Jho..
"uhm.. m-meet Jho, my fiancée" sagot ko, gulat namang tumingin sakin si Jho,
Sorry Jho..
"R-Really? I-Im happy for you.. p-pero bakit naka barong ka?" tanong nya sakin
"Uhhh... k-kasi ikakasal na kami... ngayon din..." pagsisinungaling ko, tumingin ako kay Jho, "Let's go hon.. baka malate tayo sa simbahan.." aya ko sa kanya..
Nang makatalikod kami, siniko ako ni Jho.
"Anong kalokohan to Bryce? anong fiancée ka dyan??!" bulong nya sakin
"Makisakay ka nalang please...!" bulong ko sa kanya,
Nang makasakay kami sa sasakyan, agad akong nag drive palayo..
Habang nag dadrive ako, napahawak ako ng mahigpit sa manibela, naramdaman ko din na uminit yung gilid ng mata ko kaya agad kong sinuot yung shades ko para hindi mahalata ni Jho na naiiyak ako.
Masakit parin pala.. alam kong 6 months na yung nakakaraan simula nung mag hiwalay kami ni Caitlin..
Napatingin ako sa labas...
Tangina, don't cry self! nakakahiya sa amo mo..
Maya maya bigla akong kinalabit ni Jho, pero hindi ko sya pinansin..
"Huy! ok ka lang?" tanong nya sakin
"Y-yeah!" pag sisinungaling ko
Nagulat ako ng mag offer sya ng panyo sakin.