Jema's POV
Pangalawang araw namin dito ni Dean sa Pangasinan. Nandito ako sa isang restaurant kung saan kami mag mi-meeting ng client namin.
Napatingin ako sa orasan ko.
Parang late naman ata yung client kong yun...
Habang hinihintay ko yung client ko naalala ko si Dean, napangiti ako ng maalala ko yung kagabi..
Nanliligaw na nga pala sya sakin, tingnan natin kung paano manligaw ang isang Dean Wong...
Maya maya may lumapit saking isang babae.
"Hi, Ms. Jessica Margarett Galanza?" tanong sakin ng babae, maganda sya, bigla akong napatayo
"Hi, yes, Ms. Carmela Cal?" tanong ko sa kanya
"Yes, Carmela Cal" sagot nya, nakipag kamay sya sakin, "so sorry if I'm late.. may kinausap pa kasi ako" sabi nya habang naka ngiti
"no... it's ok.." sabi ko sa kanya
Umupo na kaming dalawa,
"pwedeng hintayin natin yung asawa ko? parehas kasi kaming mag dedecide nito.." sabi nya,
"Sure!" sabi ko habang nakangiti
So may asawa na pala sya... ang bata nya kasing tingnan..
Habang hinihintay namin yung asawa nya, nagkwentuhan muna kami.
"So, ilang years kana bilang interior designer?" tanong nya sakin.
Oo nga pala, isa akong interior designer at ayon yung business na pinahawak sa akin ni dad, kaya kadalasan talaga kapag ganitong malalaking client, ako yung naghahawak, mas gusto kasi ni daddy yon, hindi naman sa wala syang tiwala sa mga employee namin at kapwa Interior designer ko, pero mas matutuwa sya kung ang anak nya mismo ang maghahawak ng mga bigating client.
"Actuall 4 years na" sagot ko habang nakangiti
"Wow! ang tagal na pala, so marami kanang naging client?" tanong nya sakin
"Yes, actually ako yung pinapa-handle ni dad karamihan sa mga naging project namin" sagot ko
"Owww... ang sweet naman, ang laki ng tiwala ng daddy mo sayo" sabi nya habang nakangiti
"Halos saming lahat namang magkakapatid malaki yung tiwala nya" sabi ko sa kanya, ngumiti naman sya.
Maya maya may lumapit saming isang lalaki, gwapo, maputi at matangkad.
"Hi hon..." bati nya kay Ms. Cal.
"Jema, ito nga pala yung asawa ko, Kaye Cal" pakilala nya, tiningnan ko yung mukha ng lalaki dahil medyo pamilyar.
"wait... ikaw ba yung singer?" tanong ko sa kanya, napangiti naman sya
"Yes, Kaye Cal hehehe" sabi nya habang nakangiti
Wow...! astig! celebrity pala itong client namin! OMG, ang gaganda din ng kanta nito eh..
"OMG! sabi ko na eh! ang gaganda ng mga kanta mo!" na-aamaze na sabi ko sa kanya, tumingin ako kay Ms. Cal na proud na proud sa asawa nya, "grabe Ms. Cal ha! swerte mo!" sabi ko sa kanya, natawa naman sya
"No.. ako yung swerte sa kanya.." sabi ni Kaye, nagtawanan naman kami.
Umupo si Kaye sa tabi ni Ms. Cal, binigay ko naman sa kanila yung iba't ibang design at mga details.
"Actually need ko kasing makita yung bahay, saan ba yung location? dito ba sa Pangasinan?" tanong ko sa kanila, nagkatinginan naman silang dalawa at natawa