James' Point of ViewAFTER THAT night, I went to Stephanie's grandmother's house. Magpapaliwanag na ako sa kanya at aayusin ko ang lahat ng kailangan kong ayusin. I also planned on telling her how I felt about her. I wanted her to know that it was her I loved from the very start. Kahit ano pa ang maging tugon o reaksyon niya, tatanggapin ko 'yon. Kung magagalit siya, okay lang. Kung sabihin man niyang hindi na niya ako gusto, okay lang din. Ngunit mas okay sana kung mahal niya pa rin ako at tatanggapin niya ang pag-ibig ko para sa kanya.
If that happened, I would be the happiest guy on earth.
Hindi ko alam kung ano ang eksaktong rason kung bakit ngayon ko lang ito napagtanto, na matagal ko na siyang mahal. Sa tuwing tinatanong ko naman ang aking sarili kung bakit, maraming sagot ang naiisip ko. Pwedeng dahil ito sa kagustuhan kong manatili siya sa tabi ko panghabambuhay. Maaari rin namang dahil inisip kong hindi ko magagawang mahalin ang katulad niya, na isang babaing naiiba sa lahat. Pwede ring dahil sa simula'y binulag ko na ang aking paningin, sinara ang aking utak, at pinaniwalaang hindi siya ang babaing para sa akin.
Kahit na ano pa ang dahilan, hindi na 'yon mahalaga. What mattered was that she was the girl I loved. Mula pa sa simula, siya na ang pinili kong mahalin at kahit ano ang mangyari, siya at siya pa rin ang iibigin ko. Siya ang nag-iisang babaing papakasalan ko, magiging asawa ko, at magiging ina ng mga magiging anak ko. Siya ang makakasama ko habambuhay. Kahit mawala ang gandang tinataglay niya, mamahalin ko pa rin siya. Because what made me fall for her wasn't her beauty, it was her soul and heart. Her beauty was just a bonus. Basta, mahal ko siya.
Nakangiti ako nang pindutin ko ang kanilang doorbell. Honestly, I was nervous and I also had a bad feeling. Pakiramdam ko, may nangyari na o mangyayaring hindi maganda. Pero kahit na gano'n, hindi ko pa rin mapigilang maging masaya dahil ito na 'yon! Ito na ang pagkakataon ko. Ito na 'yong pinaka-exciting na part dahil nalaman ko nang mahal ko siya at handa na akong gawin ang lahat upang maging mas higit ang relasyon naming dalawa. Handa akong gawin ang lahat upang magsimula ang bago naming istorya at upang masigurong sa magkakaroon ito ng magandang ending.
Parang ang corny ko, 'no? Siguro gano'n talaga kapag in love ka. At bukod sa corny na nga ako, mukha pa akong batang umaasang mabilhan na ng laruang kotseng matagal ko nang gustong makuha.
I expected that she would be the one who would open the gate. But it wasn't her, it was her grandmother who looked so surprised to see me. "Oh, James, kumusta? Bakit hindi ka nagsabing bibisita ka?"
"Okay na okay po ako, lola. Eh, kayo po? Gusto ko po sanang makita at makausap si Stephanie, nandiyan po ba siya?"
Sumulyap si lola sa kanilang bahay at mukhang nalungkot. "Halika, pumasok ka."
"Salamat po," sabik na sagot ko.
Pagkarating namin sa loob, gusto ko na sanang puntahan si Stephanie sa kwarto niya, ngunit pinigilan ako ni lola. "Umupo ka muna diyan, apo. Sandali lang at kukuha ako ng meryenda."
Agad na itong umalis kaya't hindi ko nasabi ang nais kong sabihin. Hindi ko alam kung ano 'yon at kung bakit, pero may napansin akong kakaiba kay lola. Kahit nagtataka'y sinunod ko na lang ang sinabi nito, naupo ako sa couch nila, at hinintay itong makabalik.
"Oh, hayan, magmeryenda ka muna," sabi nito sabay lapag ng dala niyang juice at tinapay sa mesa.
"Salamat po, lola, pero hindi po kasi ito 'yong ipinunta ko rito. Stephanie's the reason why I am here. Pwede ko na po ba siyang puntahan?" sabi ko at saka tumayo.
"Wala na siya," sagot nito, na naging dahilan upang hindi ako makagalaw.
Kumunot ang aking noo. "Wala po? Nasaan po siya? Lumabas po ba siya? Saan po siya pumunta?"
BINABASA MO ANG
Forever With You
عاطفيةForever With You Written By: TiffGRa (Tiffany) In the complex dance of emotions, James Cortez found himself torn between two contrasting worlds. On one side stood Stephanie Reyes, a girl who had traversed the labyrinth of his imperfections, embraci...