Epilogue

98 15 0
                                    


James' Point of View

Eight (8) Years Later...

MARAMING TAON na ang lumipas at patuloy pa rin ako sa paghihintay sa kanya. Sa loob ng walong taong wala si Stephanie, ang dami kong hinarap na pagsubok ng mag-isa. And it was so hard to be alone, and I always felt so lonely. I missed her so much.

Sa loob din ng walong taong 'yon, marami akong iba't ibang babaing nakilala. Yeah, they had pretty faces and sexy bodies. They were all attractive and tempting, but they all got nothing on her. Kahit gaano pa sila kaganda, hinding-hindi nila matatapatan o malalamangan si Stephanie. At kahit hindi siya ang pinakamagandang babae sa planetang ito, siya lang ang nagmamay-ari ng puso ko. Siya lang ang babaing mahal at mamahalin ko.

"Hanggang ngayon, hindi ka pa rin napapagod maghintay sa kanya?"

Nakatitig ako sa singsing na noong nakaraang taon ko pa binili nang biglang dumating si Brix at nagtanong.

I glanced at him and looked at the ring. "Bakit naman ako mapapagod maghintay sa taong mahal ko?"

Noong tiningnan ko siya ulit, nakatingin na siya sa malayo. "Tingin mo ba babalik talaga siya?" muling tanong niya.

I also looked away and answered, "Naniniwala akong babalik siya. She promised me that she'd come back and that's what keeps me on waiting. Kahit nagdududa ako at hindi sigurado, hindi pa rin namamatay ang pag-asa ko."

"Paano kung bumalik nga siya, pero hindi na siya malaya?" He looked at me. "What would you do if the girl you wanted to marry already married another man?" He glanced at the ring I was holding.

Muli akong tumingin sa singsing. Noong mas napatunayan kong mahal na mahal ko si Stephanie, naisipan kong bumili ng singsing. Sinabi ko sa sarili ko na sa oras na bumalik siya, hindi ako magsasayang ng oras at gagawin ko na siyang akin. Dati, palaging sinasabi ni Brix na hindi ko pa kayang bumili ng briefs ko kaya't wala pa akong karapatang makipagrelasyon. But now, he couldn't and wouldn't say that to me anymore. Hindi na niya ako pipigilang makipagrelasyon o bumuo ng sarili kong pamilya.

Isa na akong civil engineer kaya't may trabaho na ako at kaya ko nang bilhin ang nais kong bilhin. Si Brix nama'y hindi pa tapos sa pagkamit ng pinapangarap niya, ngunit kaunting panahon na lang ang kailangan niyang gugulin at magiging isa na siyang ganap na lawyer. Naging mas busy siya at halos hindi na nga siya umuuwi sa bahay. Mamaya nga, aalis na naman siya at babalik sa Manila. Nasanay na ako kaya't kapag nagpapaalam siya, parang wala na lang 'yon sa akin. Bukod doon, malalaki na kami at malalaki na rin ang mga responsibilidad namin kaya't dapat ko itong maunawaan. I should be mature enough to accept that that's how life really works. But sometimes, I couldn't help but wish I'd never grow up.

Hindi pa ganoon kalaki ang naiipon ko kaya't patuloy akong nagiging masipag. Ginagawa ko ang lahat upang maging handa sa pagdating ni Stephanie. Ang kulang na lang talaga ay siya. Kung isang mathematical equation ang future plans ko, hindi ito mabubuo at hindi ko makukuha ang inaasahan kong magiging resulta kung wala siya. Kailangan ko siya.

"I don't know, Brix," I answered. "Minsan, naitatanong ko 'yan sa sarili ko, pero iniiwasan ko namang sagutin. Nami-miss ko na siya at gustong-gusto ko na siyang makita, pero natatakot akong baka sa pagbalik niya, wala na siyang nararamdaman para sa akin. All I can do is hope that she still loves me."

"Why don't you search and find her? That's better than waiting here and just hoping you're still the one she loves."

"No, I will wait for her until she comes back. And do you think I never planned on doing that? Matapos kong malamang wala na siya, gusto ko na siyang hanapin agad. But I never did because I know she needs time. Kailangan niya ng sapat na panahon para mag-heal ang mga sugat na ako ang may gawa at upang mawala na ang sakit na ibinigay ko sa kanya."

Forever With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon