JAMES' POINT OF VIEWBEFORE PA man makapag-start ang flag ceremony, nakasali na ako sa pila. Katulad ng ibang estudyanteng nasa kani-kanila nang puwesto, inilagay ko ang aking palad sa dibdib ko. Nagmadaling tumakbo ang mga na-late nang dating para makasabay.
"Ang mamatay nang dahil sa 'yo.~~~"
Kanina ko pa nararamdamang may nakatingin sa 'kin, kaya't matapos ang pagkanta ng Philippine national anthem, agad kong hinanap ang mga matang ayaw akong tigilan.
I knew! Si Stephanie nga!
Nakaiwas man siya ng tingin - it was too late. Siguradong siya 'yon. My eyes slightly narrowed into slits when despite the distance between us, I noticed how a flush of shyness rose to her cheeks. Ngayon pa siya nahiya, huh? Kung titigan ako kanina, para siyang may masamang balak.
Nawala sa kanya ang aking atensiyon sa pagsisimula ng Panatang Makabayan. I lifted my right hand but shut my mouth. Ganito talaga ako - sasabay lang kapag na-trip-an. Bukod doon, my mind was elsewhere.
For unknown reason, I started to think about everything that had happened since the day Stephanie confessed to me.
"I like you!"
"James, I like you."
"You heard it right, James. I like you, and I mean it."
I'd realized na sa halos lahat ng pag-uusap namin, pareho ang palagi niyang sinasabi - that she liked me. Now I couldn't help but wonder what I should feel. Kilig? Saya? O takot dahil magmula nang araw na 'yon ay mayroon nang nagmamasid sa 'kin?
Pinakarimdaman ko ang sarili at tinanong sa isip, Ano ba'ng nararamdaman ko?
Wala. I felt nothing at all.
Muli kong inalala ang mga pangyayari. It played in my head like episodes of a drama. Simula sa mga pagkakataong dinadaan-daanan ko lang siya at parang hangin lang sa 'kin hanggang sa mga sandaling ito. Back then, there was nobody in my life. Now . . . it was different.
She was starting to have a role in my life, in my story.
Nakatuon man ang atensiyon sa aming teacher, nagawa ko pa ring marinig ang usapan sa likuran. And, oh. It was about Stephanie again. My eyebrow rose.
"Ang ganda niya palagi," dining kong sabi ni Joseph.
"I agree, pare," Kyle replied. "I may not have a crush on her, but it's hard to deny it. Ang lakas ng dating niya. I guess the song Nasa 'Yo Na Ang Lahat was made for her. Parang wala siyang flaws, ebarg!"
Napangiwi ako.
Hindi yata mawawala sa schedule ng magkaibigang 'to ang pag-usapan si Stephanie. Kung kikita sila sa pag-compliment sa kanya, they would've become billionaires by now. Tsk. Joseph had a on Stephanie, right? Plus, Kyle was his friend. Siguro'y clouded lang ang judgment ng una at napipilitan um-agree ang huli.
"Crush na crush ko talaga siya," parang babaeng sabi ni Joseph. Kalalaking tao pa naman, tsk. "If I have no fears, I wouldn't think twice at aamin ako nang agaran. Pero naduduwag ako, Kyle. I'm afraid of what could happen if ever ilabas ko ang nararamdaman ko. I don't wanna get rejected."
Eh, talo pala siya ni Stephanie! Kahit i-push away ko ang babaeng 'yon, hindi sumusuko. Hindi takot sa rejection. Kung makangiti nga sa 'kin, daig pa ang cr-in-ush back. Kaunti na lang, iisipin kong hindi siya nasasaktan.
"I feel you, pero let me ask you, Joseph. Hanggang kailan ka magpapadala sa takot? Sa kaduwagan? Baka kapag ready ka na, nasa iba na pala ang atensiyon niya."
BINABASA MO ANG
Forever With You
Storie d'amoreForever With You Written By: TiffGRa (Tiffany) In the complex dance of emotions, James Cortez found himself torn between two contrasting worlds. On one side stood Stephanie Reyes, a girl who had traversed the labyrinth of his imperfections, embraci...