Chapter 41: Weakness of Loey's beloved woman

10 5 0
                                    

Napangiti naman si loey at saka tumabi na nga siya kay camille, malaki at medyo malawak naman ang bed nito kaya magkakasya silang dalawa.

At dahil silang dalawa lang ang nasa room ni camille ay tumabi at niyakap ni loey si camille,
at natulog sila na parang nasa bahay lang.

Kinabukasan:

Naunang nagising si loey kay camille at paggising niya ay dahan dahan siya tumayo at umalis muna para umuwi sandali upang ipagluto ng breakfast ang kasintahan niya.

Loey's Condo:

Pag uwi niya ay nagpunta agad siya sa kitchen para magluto.

"Hmm🤔 ano kaya pwede kong lutuin para kay camille? ahh alam ko na, saad ni Loey sa sarili niya.

Saka nagluto na nga siya.

Lumipas ang ilang oras ay natapos na siyang magluto pagkatapos ay nag asikaso na siya at saka siya bumalik sa hospital.

Samantala sa Hospital:

Nang magising si camille ay wala na sa tabi niya si loey hanggang sa dumating na ang kuya niya at iba pa nitong mga kaibigan. Pagpasok nila ay binati siya nito kaya binati niya rin ito pabalik.

"Btw nasaan pala si loey? Umuwi ba siya kagabi?, tanung ni Dr. Ysabell.

Hanggang sa maya maya ay nakabalik na si loey.

"Hello buti nandito na kayo, saad ni Dr. Loey.

"Saan ka galing babe? Tsaka ano yang dala mo?, sunod sunod na tanung ni Dr. Camille.

"Bakit namiss mo ba ako agad? Btw umuwi ako sa condo sandali para ipagluto ka ng breakfast, saad ni Dr. Loey.

Sabay napangiti naman si camille.

"Naks naman ang sweet naman niyan sana all pinagluluto heheh, pabirong sambit ng mga kaibigan nila.

Saka natawa naman sila camille dito pagkatapos ay kumain na sila.

After few hours ay natapos na silang kumain kaya nagsipag trabaho na ang mga kaibigan nila camille at loey. Samantala naman sila camille at loey ay naiwan sa vip room.

Habang abala silang lahat ay nasa nurse station naman si catherine at saka nilapitan siya nila Trisha.

"Hoy! Galit na sambit ni Dr. Trisha.

"Pwede ba wala ako sa mood makipag away sa inyo, saad ni Dr. Catherine.

"Oh really? So pano ba yan kahapon pa nangangati ang mga palad ko na sampalin ka, saad ni Dr. Trisha.

"Ano bang problema mo saken ha pwede ba tantanan mo na ako, saad ni Dr. Catherine.

Saka aalis na sana siya ng bigla siyang pinigilan nila trisha.

"Hoy pag kinakausap kita wag mo kong tinatalikuran bruha ka, saad ni Dr. Trisha.

Sabay sinampal niya si Catherine.

"Pak!!(malakas na sampal).

Gaganti sana si catherine ng biglang hawakan ni trisha ang kamay niya.

"Pwede ba bitiwan mo ko, saad ni Dr. Catherine.

"Sa tingin mo bibitawan kita ng di ako papayag na masampal mo, saad ni Dr. Trisha.

Saka kinuha niya ang gunting na nasa ibabaw ng table sa nurse station at sinugatan nito ang pulso ni catherine. Ngunit sa kasamaang palad ay hindi lang ito maliit na sugat dahil halos nanghina ito kasabay ng unti unti niyang pagkawala ng malay at mabuti na lamang ay nakita ito ni mark kaya nagdali dali siyang tumakbo papunta kay catherine.

Tinakpan nito ang sugat ni catherine gamit ang kamay niya at inutasan niya ang nurse na kumuha ng gauze.

"Catherine lumaban ka please stay with me, pagaalala ni Dr. Mark.

"Trisha!! Pag may nangyaring masama kay catherine malalagot ka sakin naiintidihan mo!!😡😡, galit na galit na sambit ni Dr. Mark.

Saka dinala na nga ni mark si catherine sa ER at doon niya ito ginamot. Pina X ray niya muna ito pagtapos ay saka niya dinala sa OR dahil  na injury ang wrist nito at kailangan operahan.

After a few hours ay natapos ng maoperahan si catherine kaya dinala ito sa Room 204 na katabi lamang ng VIP room kung nasaan si camille.

Samantala sa VIP Room:

"Anong nangyari kay catherine kamusta na siya?, pag aalalang tanung ni Dr. Camille.

"Don't worry she's fine sabi ni mark nagkaroon lang daw ng injury ang wrist ni catherine bali 2 or 5 weeks or more weeks pa bago maka fully recover ang injury niya. Saad ni Dr. Loey.

Sa ganun palagay ay gumaan gaan ang pakiramdam ni camille dahil alam niyang ligtas na ang kaibigan niya.

Lumipas ang ilang araw, ilang linggo at ilang buwan ay unti unti ng nakaramdam ng panghihina si camille.

"Camille! Camille anong nangyayari sayo anong nararamdaman mo, pag aalala ni Dr. Loey.

Hanggang sa pinatawag nila si Dr. DO.

Maya maya ay dumating na si Dr. DO.

"Excuse loey mabuti pa doon ka muna sa labas, saad ni Dr. DO.

Ganun na nga ang ginawa nito samantala ay inasikaso na ni Dr. DO si camille.

Habang sila loey at mga kaibigan nila lalo na ang kuya ni camille ay di mapakali sa labas ng room.

Maya maya pa ay lumabas na ng room si Dr. DO.

"Dr. DO kamusta na ang kapatid ko?, pagaalalang tanung ni Dr. Charlie.

"Nagkaroon ng inflammation ang kidney ni camille at patuloy itong nag iincrease, saad ni Dr. DO.

Nagulat ang lahat sa sinabi ni Dr. DO.

"What do you mean? Takang tanung ni Dr. Charlie.

"Charlie hindi na enough ang dialysis hindi na kinakaya ng katawan ni camille, saad ni Dr. DO.

"I know na alam niyo na kahit ano pang klaseng kidney failure yan hindi nagiging sapat ang dialysis, dahil ang dialysis ay nagsisilbi lang itong panglinis ng katawan ng taong nasira na ang kidney, paliwanag ni Dr. DO.

"Kung ganun isa na lang ang way para gumaling at mabuhay ng mas matagal si camille, saad ni Dr. Loey.

"Oo loey sa condition ni camille kakailanganin niya ng kidney trasplant, saad ni Dr. DO.

"Kidney Transplant? Kung ganun kunin mo na kidney ko, saad ni Dr. Charlie.

"Teka lang charlie hindi ganun kadali ang mag donate ng kidney, saad ni Dr. DO.

"Alam ko pero buhay ng kapatid ko ang pinag uusapan dito, saad ni Dr. Charlie.

"Sige kung yan ang gusto mo i bobody check muna kita, saad ni Dr. DO.

At ganun na nga ang ginawa nila. Lumipas ang ilang oras ay nakabalik na sila charlie kala loey.

"Ano charlie kamusta? pwede ka daw bang mag donate ng kidney?, sunod sunod na tanung ni Dr. Loey.

~Emergency L❤ve~👨‍❤👩‍(Bk1) (Completed✔)Where stories live. Discover now