Yuan Kyle Rodriguez POV
Nag halong kaba at excitement ang nararamdaman ko ngayon. Katatapos ko lang naligo at kasalukuyang kumakain kami ni Tita.
Ang MSU din ang mag sisilbing host ngayong year na 'to. Kaya lahat ng sport ay karamihan sa school magaganap at isa na doon ang Volleyball.
Expect ko nang maraming manonood at mag che-cheer sa amin.
Sinabi din pala ni Coach kahapon na never pang nanalo ang MSU sa volleyball. Kaya if ever man na mapanalo namin to, this is history. Kami ang batch na unang maka pag bibigay ng unang panalo sa volleyball, claim it!.
Nasa school na 'ko ngayon at hinahanap ko naman itong si Xyrus. Ang daming estudyante iba't-ibang school ang nandito.
"Tara na beh." -Xyrus
Nandito na kami sa locker at sinuot nadin namin yung jersey uniform. Medyo kinakabahan nadin ako dahil iba ito sa La Union.
8:30 mag sisimula ang opening program sa gym kung saan doon din kami mag lalaro. Napag desisyonan din namin na wag nalang pumunta dahil wala rin kaming ma-uupuan. Kaya ito kami ngayon nag wa-warm-up.
30 minutes din ang tinagal ng program kaya malaking bagay na yun para maka pag handa kami. Kami ang first game at kalaban naman namin itong 4th place last year.
8 school ang mag lalaban laban at isa na kami dun. Kung sino man ang manalo sa amin siya ang makaka advance sa semi final. Kaya isang talo hulog agad ang MSU.
"Manila State University vs. San Rafael Academy." Malakas na bulyaw ng commentator.
Nasa loob na kami ng court at halos mapuno ng sigawanan itong loob ng gym. Pumasok nadin yung mga napili ni Kier na first 6 at hindi ako kasali dun.
Sigawan dito, sigawan doon. Cheer dito, cheer doon. Halos yung iba mamaos na sa kakasigaw. Ang ganda ng laro first set palang dikit yung laban. 23/22.
Leading ng isang puntos ang kalaban pero kita sa mukha ng mga kasama ko na hindi sila mag papatalo. Aminado naman ako na si Kier ang umangat at nag buhat sa set na 'to. Syempre dapat lang siya yung captain ehh.
Spike dito, spike doon. Puntos dito, puntos doon. At hanggang nanalo kami sa first set.
Mas lalong umingay ang mga sigawan ng MSU fan dahil nakuha nga namin ang unang set. But sabi nga nila don't celebrate early.
Nag simula ang laro at mukhang natahimik ang MSU fan dahil nakuha na nang San Rafael Academy ang dalawang set.
1st set 23/25
2nd set 25/20
3rd set 25/18Pagod na pagod nadin itong mga kasama ko. Di pa ako nakapasok dahil malay ko Kay Kier niya ata akong paglaruin. Feeling Coach amp. Kaya Ito ako ngayon tamang cheer lang.
Nagsimula ang 4th set na medyo dikit na yung laban. Isa hanggang dalawang puntos lang ang pagitan namin sa kalaban. Sino ba naman kasi ang hindi matatambakan kung nasa harapan mo ay mga higante.
22/20
Leading padin ang SRA kaya todo na yung Kaba ko. Ako nalang ata ang hindi pa pinasok. Nakaka tangina lang. Nag tawag din si Coach ng time out dahil pagod na itong mga kasama ko.
"Coach mahina sila sa receive pero malakas sila sa blocking." Nahihingal na sambit ni Vince.
"I know kaya kailangan natin ng malakas na Palo." -Coach.
"Coach, I think Yuan can do that." Napa nganga naman ako sa sinabi ni Vince sabay tingin sa akin at ngumiti pa ito.
"Really Vince? Tayo na nga nahihirapan sa blockers siya pa kaya na 5'4 lang." Napa tingin naman ako kay Kier habang nagsisintas ng sapatos.
YOU ARE READING
Mean Guys
RomanceMeet Yuan Kyle Rodriguez. Mabait, friendly, independent at isang palaban na tao. He is 17 y/o and a grade 12 student. He loves k-pop like Twice, Blackpink, Bts etc. Mag-isa akong nag byahe papunta dito sa Manila gusto kasi ni Tita na dito ako mag-ar...