CHAPTER 34: THE EXPLAIN

35 1 0
                                    


Yuan Kyle Rodriguez POV

Nang makita ko si Kier na nasa pintuan agad ko siyang hinatak papunta sa kwarto. Ni lock ko yun habang siya ay tulala at nakaupo sa kama. Ayaw kong malaman nila kuya na meron kaming hindi pagkakaintindihan. Alam kong sa huli si Kier din lahat ang aako nun.

"Bakit ka nandito?" Tanong ko habang nasa likuran padin ako ng pintuan.

"Alam mo kung bakit ako nandito, Yuan. Ayokong may galit ka sakin, kaya gusto kong ayusin agad." Aniya.

"Paano si Nathalie? Iniwan mo siya 'ron?"

"What the heck..... I don't care if iwan ko siya 'ron. Hindi siya importante para laanan ng pansin. And please don't ever telling her name kasi mas lalo akong naiinis. Siya ang dahilan kung bakit tayo nagkakaganito ngayon!!." May halong inis at galit ang tono niya.

"Okay." Tipid kong sagot.

Kung ako man ang tatanongin ayoko munang pag-usap 'yon. Mas lalo lang akong nasasaktan. Pinapamukha lang nila sa akin kung gaano ako ka tanga.

"Yuan, let me explain namam ohh. Paano tayo magiging okay kung ayaw mong pakinggan 'tong explanation ko. Please, baby." Hinila niya ako palapit sa kaniya. Nakaupo siya sa kama ko habang yakap niya ang bewang ko.

"Kier, mas lalo mo lang akong sinasaktan. Pwede bang sa ibang araw mo nalang sabihin yan. Hindi pa kayang i process ng utak ko sa ngayon. Iiyak na naman ako, pagod na ako." Sambit ko ng hindi siya tinitignan.

"Baby naman, mas lalo kang masasaktan kung ipapatagal pa natin 'to. I don't want you to overthink this. Kaya please hear my explanation. Ayokong nagkaka ganito tayo."

"Sige."

Umupo ako sa tabi niya. Hinawakan niya ang dalawa kong kamay at hinimas-himas 'yon. Kahit papaano nawala konti ang kaba at tampo ko sa kaniya.

"Lahat ng sinabi ni Nathalie.... that's true." Para akong sinaksak ng maraming beses sa sinabi niya. Parang maluluha na naman ako, pero pilit ko 'yon pinigilan. "However, i have a valid reason to that. That time wala pa tayo nun. Isang week ka palang din sa dorm. I was very confused towards my feelings to you. Hindi ko ma i-determine kung mahal ba kita o baka naman mahal ko pa si Nathalie. Naalala mo yung gabing nakita mo akong umiinom. Hindi ko alam bakit ako nagseselos kay Gideon sa tuwing kasama mo siya na dapat naman ay hindi, diba? That night i texted her na kung babalik siya, ako na ang bahalang gagawa ng paraan para iwan ka. Nasabi ko 'yon dahil akala ko mababawasan 'tong nararamdaman ko sayo. Pero nang hinalikan kita that night, that was our first kiss if I'm not mistaken. Doon ko napagtanto na mahal talaga kita. Lahat ng 'yon totoo, i confess to you. Kasi takot na ulit akong maiwan kaya I was desperate na ligawan ka at sagutin mo 'ko. Kinaumagahan nun dinelete ko 'yong text ko sa kaniya. Hindi ko naman aakalahing may screenshot siya. But at that time I was very sure na gusto talaga kita. Promise, I didn't cheated on you." Mahabang paliwanag niya.

Halata sa boses niya and kaba at takot na baka lalo akong magalit o magtampo. Aminin ko man o hindi, kahit papaano ay nabawasan ang pag-aalala ko. Ngayong narinig ko na ang paliwanag niya siguro kailangan ko naring tanggapin lalo pa't naging totoo siya sa akin. Kahit masakit man ay wala na akong magagawa. Hindi ko rin naman kasi kayang may tampuhan kami sa isa't-isa.

"Hindi naman ako galit sayo or kay Nathalie. Nagtatampo lang ako kasi hindi mo man lang sinabi sa akin 'yon. Tapos  kanina hinayaan mo lang talaga akong umuwi mag-isa kahit na alam mong walang nagsundo sa akin. Hindi naman nagpapapasok ng ibang tao ang village ninyo, unless doon talaga nakatira... Pero alam mo yung masakit? Baka magkatotoo lahat nang sinabi ni Nathalie na iwan mo 'ko lalo pa't nandito na siya. Hindi ko alam ang gagawin ko, Kier. Natatakot ako." Kahit anong pigil ko babagsak na babagsak ang luha ko. Niyakap niya ako habang hinihimas ang likod ko. Iniisip ko palang yun parang mamamatay na 'ko. Oa na kung oa, hindi niyo ako masisisi kung bakit ako nagkakaganito. First time kong magmahal at takot akong masaktan at maiwan.

Mean GuysWhere stories live. Discover now