CHAPTER 37: THIRD ANNIVERSARY

9 1 0
                                    


Yuan Kyle Rodriguez POV

MAKALIPAS ANG DALAWANG TAON. Marami na ang nagbago. Marami naring problema ang dumating sa buhay ko at buhay namin ni Kier. Pero hindi 'yon naging hadlang upang kami ay bumitaw bagkus ginamit namin 'yon upang tumibay pa lalo ang relasyong mayroon kami.

Third anniversary namin ngayong at super excited na akong i-celebrate iyon ng kasama siya. Nagpapasalamat rin ako sa Diyos dahil hindi niya kami pinababayaan at mas lalo pa kaming pinagtibay. Hindi ko lubos akalain na aabot kami ng ganito katagal. Sana nga ay sa huli naming hininga ay kami parin ang magkasama.

Sa sobrang busy namin ni Kier sa acads lalo pa't second year na kami ay pareho naming desisyon na dito nalang sa bago naming apartment i-celebrate. In-invite nalang din namin sila Gideon at ibang friends ko lalo pa't ngayon nalang din kami mabuo.

Sila Camille at Yvonne ang nag-ayos ng backdrop for picture taking mamaya. Habang kami naman ni Kier ay nag abala nalang sa pag order ng food dahil wala na kaming time para mag luto pa.

"Heyyy! Love birds. Happy 3rd Anniversary." Gulat kaming napatingin sa biglang pagbukas ng pinto at niluwa nun si Nathalie habang may hawak siyang cake at abot sa tenga ang ngiti nito.

"Akala ko ba hindi ka pupunta?" Nagtungo kami pareho ni Kier sa kanya upang alokin siyang pumasok at tulungan nadin sa dala-dala niya.

"Suprise!" Sabay taas sa dalawa niyang kamay at nagtungo agad sa ginawa nila Cam at Yvonne para mag picture. Hindi na ako magtataka dahil mas bihis pa siya kaysa sa amin.

Kung nagtataka kayo kung bakit nandito si Nathalie at part na siya ng circle namin ay mahabang kwento. Dalawang taon narin ang nakalipas at napagtanto ko na wala na talaga silang nararamdaman para sa isa't-isa. They are both moved on kaya wala na dapat akong ikabahala. Lalo pa't may boyfriend nadin si Nathalie.

While waiting sa iba naming kaibigan ay i-kwento ko muna ang mga ilang nangyari 2 years ago. We are all in our second year college and I am taking a Bachelor of Science in Tourism Management while, Kier taking a Bachelor of Science in Marine Transportation. Nagulat ba kayo kung bakit tourism ang kinuha ko pero wala naman 'yon sa gusto ko noon? Ako rin. I was thinking kasi if teaching ba talaga ang gusto ko lalo pa't medyo nakakapagod din kasi. I am aware na lahat naman ng course mahirap, pero sa teaching kailangan mong hindi mawalan ng energy lalo pa't ikaw ang haharap sa maraming tao, and they are trained you to be energetic and creative. Nauubos din naman social battery ko kaya nag shift ako 2nd sem palang noong first year. Tinake ko rin naman lahat ng major sa Tourism para hindi ako maging irregular, nag summer talaga ako para matapos lang.

Si Kier naman ay wala na akong pake sa course niya. Basta ang buong akala ko ay babaero siya kaya bagay sa kanya yan. Wala na si Nathalie sa list ng pinagseselosan ko pero may pinalit naman siyang kinaiinisan ko. 'Yong classmate niyang babae, na friend daw niya. Tanginang friend 'yon.

Sinet-aside muna ang mga 'yon at gusto kong i enjoy itong moment na ito. Narito narin silang lahat at mukhang kompleto na kami kaya sinimulan nadin naming kumain. Kasi after dinner alam niyo na ang susunod... iinom. Baka iba ang nasa isip ninyo.

Nasa sala kaming lahat kumakain habang kwentuhan sa mga academic experience at syempre mga crush nila. Kahit hindi na ako mag share ng akin ay mismong lumalabas lahat ng katarantaduhan ko dahil kila Camille. Tangina nila.

"Alam niyo sa ating lahat... Si Gideon lang ang naiiba. Ang linis ng mukha." Lahat kami napatingin sa katabi kong si Gideon. Naka taas ang kilay niya at mukhang walang alam sa nangyayari. Focus sa pagkain eh.

"Ang pogi niya sa clean cut hair niya, diba?" Matamis ang ngiti ko at napatingin pa siya sa'kin, nakangiti.

"Narinig mo 'yon Cairo?" Halakhak ni Josh kaya sumabay nadin ang lahat.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 01 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Mean GuysWhere stories live. Discover now