CHAPTER 28: SEM BREAK

21 2 0
                                    


Yuan Kyle Rodriguez POV

Isang araw na ang nakalipas nang iwan ko ang Maynila. Mag-isa akong lumuwas dito at hindi ko na sinama si Kier dahil may out of town din sila ng pamilya niya sa Boracay.

Hindi ko alam kung nabalitaan naba nang pamilya ni Kier ang usap-usapan sa school. Hindi parin ako makatulog ng gabi dahil iniisip ko ang magiging reputation ng pamilya nila. Ayokong masira yun ng dahil sa akin. Pero ayaw ko ring iwan si Kier.

"Buti naman at gising kana, kumain kana." Bungad ni Mama.

Nagtungo ako sa hapag na kasalukuyang kumakain sila Kuya. Nag timpla ako ng kape at kinain ang inahin sa'kin ni Mama.

"Kumusta naman kayo ni Cairo?" Tanong ni Kuya Clark.

"Okay naman kuya." Tipid kong sagot.

"Baka kung ano nang ginawa sayo nun, basta pag yun sinaktan ka magsabi ka at pupuntahan ka namin." Napangiti ako kay kuya Jake at tumango sa kanya. To make them sure na okay lang ako.

"Iba na ang pinagbago mo, bunso. Ang dungis mo lang noon, ngayon ang linis at maayos ka nang tignan." Hindi ko ba alam kung compliment yun o ano.

"Physical appearance lang naman ang nag bago kuya, pero sa loob ko hinding-hindi yun magbabago." Matamis na ngiti ko.

"Si Tita pala kumusta na?"

"Busy siya sa work, minsan lang din siya umuuwi sa bahay. Kaya sa dorm ako ni Kier natutulog. Nakakatakot kaya matulog mag-isa." Sagot ko.

Napagdesisyonan naming maligo sa ilog dahil medyo maganda ang panahon ngayon at hindi masyadong mainit.

Papunta kami sa bahay nila Renz para ayain siyang maligo. Nasa harap na kami ng bahay nila at saktong palabas din ito.

"Yuan?!?!" Aniya at agad tumakbo sa akin at niyakap ako.

"Ka-uuwi mo lang?" He asked.

"Kahapon lang.... gusto mong sumama sa amin ligo tayo ilog."

"Sige ba, kunin ko lang cellphone ko." Agad siyang tumakbo papasok sa bahay nila para kunin ang cellphone nito.

"Tara na!!." Aniya na mas excited pa kesa sa akin.

Naglakad na ulit kami papunta sa ilog. Medyo may kalayuan lang ng konti pero, hindi mo ramdam dahil sa ganda nang tanawin at malamig na sariwa ng hangin.

"Hindi mo ba kasama bf mo ngayon?" Tanong niya at umiling ako.

"Hindi, gusto nga sumama pero may out of town din sila sa Boracay kasama pamilya niya, kaya mag-isa lang akong lumuwas dito." 

"Ah ganun ba. Buti at naka pasyal ka ulit. Miss na miss na kita eh." Aniya sabay pisil sa pisngi ko.

"Sem break kasi namin. Kaya sinamantala ko nang mag bakasyon dito. Baka sa susunod matagal na ulit diba."

Mahigit 20 minutes din kaming nag lakad at finally we're here.

Ang ganda nang tubig, kalmado at napaka fresh. At kaming apat lang ang nandito ngayon.

"Picture tayo." Sambit ko at kinuha ang cellphone ko sa bulsa. 0.5 ang ginamit namin para kita rin ang ganda ng ilog.

"Ligo na tayo?"

"Arat."

Naghubad na nang damit sila kuya at si Renz. Sumunod nadin ako dahil kanina pa ako hinihintay ng tubig na 'to.

Ang sarap sa pakiramdam dahil parang bumabalik ako sa dating ako. Yung dating ako na laging dito naliligo kasama si Renz at iba naming kalaro noon. Kung papapiliin ako ngayon kung anong mas maganda, hindi ako mag dadalawang isip na dito sa amin ang pipiliin ko.

Mean GuysWhere stories live. Discover now