CHAPTER 33: SHE'S BACK!!

25 1 0
                                    


Yuan Kyle Rodriguez POV

Hanggang ngayon hindi parin ako maka paniwala na gra-graduate na ako ng senior high with high honors. I can finally say, welcome college life. I know na madadagdagan yung stress ko but it is part of my studying.

7:00 am ang call time namin sa venue, but guess what gising na ako ng 4:00 am. Hindi ako sa dorm ni Kier natulog dahil kararating lang nila Mama kahapon, kailangan ko silang asikasuhin. Maiintindihan naman niya 'yon.

"Oww gising ka na. Maaga pa, nak." Sambit ni Mama habang pababa ako sa hagdan at abala siya sa pagluluto.

"Excited lang siguro, Ma. Tulungan na po kita riyan." Sabay abot sa akin ng spatula.

Ito na ata ang isa sa mga pinakamasayang araw ko dahil kumpleto kaming lahat. Buti nalang at napilit nila si Papa na sumama dahil ayaw nun ang buma-byahe. Kasama rin ni Ate Arlene si Gillian, (yung anak ni Ate) Gusto ko na nga siyang gisingin para may kalaro ako pero ayaw ni Mama. Ang cute kasi.

Kumain at naligo na ako dahil pupunta pa ako sa dorm ni Kier para gisingin at bulyawan 'yong tukmol na 'yon. Kahit ngayong araw man lang ng graduation namin ay hindi kami ma late.

Nasa harap na ako ng dorm ni Kier and binigay ko narin yung payment ko sa taxi driver. As usual medyo makalat na naman sa kusina. Maraming pang hindi nahugasan na plato at iba pa.

After kong linisan ang kalat niya sinunod ko naman na inihanda ang kakainin niya. Akala mo naman ako talaga yung katulong eh..... Noon lang naman 'yon pero ngayon 'di na kasi boyfriend ko naman na siya eh yieee....

"Kier bumangon kana riyan kung ayaw mong walang dilig buong buwan." Bulyaw ko habang pinaghahampas siya ng unan.

"Too early, babe." Hirit pa niya sabay talukbong ng kumot sa mukha.

"Anong early ka diyan? Mag aalas sais na oh.... Ayaw mo talaga ha. Bahala ka." Sambit ko ng biglang siyang tumayo sabay yakap sa akin.

"I miss you." Aniya habang ang ulo nito ay nasa taas ng ulo ko habang naka pulupot naman ang kamay niya sa bewang ko.

"Sige na, maligo ka na at naka prepare na yung breakfast mo 'ron. Kumain ka, luto pa yun ni Mama." Humarap ako sa kanya sabay halik sa labi niya. Smack lang!

Nakaligo narin naman na ako at naka palit. Sa school ko nalang din isuot ang toga ko para naman di mag mukhang excited pagka-baba 'ron. Hindi na ako sasabay kila Mama kasi sasabay na sila kay Tita sa pagpunta. Si Kier ngayon ang kasabay kong pupunta sa school.

Habang naliligo siya inihanda ko narin 'yong susuotin niya. Black and white long sleeve lang naman ang nasa loob ng closet niya. I prepared black long sleeve with a blue neck tie para same kami ng outfit. Yung akin kasi blue long sleeve at black neck tie. Wag niyo na tanongin why it is blue. Yun yung color ng school kaya alam niyo na.

"Let's go?" He smiled. Sabay patakbo sa kotse nito.

He parked his car at marami ng students and parents ang narito. Nag chat nadin ako kila Mama na mag kita nalang kami sa labas ng gym for the entrance.

"Samahan mo 'ko sa office ni Mommy." Pumunta kami sa Dean's Office dahil nga na roon ang Mommy ni Kier. Hindi ko alam pero kinakabahan ako.

"Ma, nandito na sila."

"Congratulations to both of you. We are so proud that you both got a high honors." Malaki ang ngiti ang bumungad sa amin ni Mommy ni Kier. Pati narin ang Daddy nito at si Ate Glaiza.

"Nagbago na talaga ang bunso namin." Lambing pa ng Daddy ni Kier.

"Ma, kailangan kana sa baba. Mag start na raw ang program." Sabi ni Ate Glaiza at sumabay narin kami sa pagpunta sa venue.

Mean GuysWhere stories live. Discover now