Yuan Kyle Rodriguez POV
6:30 AM
Nagabi na ako sa pag-uwi dahil sa gagong Kier na yun.
Siguro mag luluto nalang ako ng pancit canton dahil wala ako sa mood. Pagod na pagod nadin talaga ako.
Kanina nung kasama ko si Kier sa loob ng room mas bumibilis ang tibok ng puso ko.
Ang bango at ang smooth ng kamay niya kanina. Napansin ko din yung mata niyang inosenteng naka tingin sa akin.
Diko ba alam pero parang ang liit ng mundo naming dalawa. Lagi nalang kasi kaming nag kikita. Kahit ako na yung umiiwas. Mismong tadhana ang gumagawa ng paraan, paraan para asarin ako.
Nandito na ako ngayon sa kwarto naka ligo at naka lock nadin ako ng buong bahay. Di naman ako natatakot dahil sanay nadin akong mag-isa.
.
.
.
.
.
.
Medyo maaga pa kaya nag luto muna ako ng breakfast ko. Siguro yung mga frozen foods nalang para less stress mag luto.Hotdog and bacon with egg and fried rice. Sakto lang din yung niluto ko. Sayang naman kung may sobra. Wala din namang kakain.
Sinarado ko nadin yung buong bahay. Yung susi nilagay ko sa loob ng paso. Diko ba alam kay Tita kung 'bat doon niya binilin sa akin.
Sa taxi nalang ako sumakay dahil pag sa jeep punuhan. Ako pa naman din yung taong ayaw maki pagsiksikan.
Papunta ako ngayon sa may locker. Habang nag lalakad ako nang maalala ko na naman si gagong Kier.
Nakakainis talaga yung lalakeng yun. Bat pa ako yung napili niyang pagtripan. Di pa pala ako nakakaganti sa kanya.
Siya na nga naka bungo kahapon 'di man lang niya ako tinulungan. Tinawanan pa niya ako.
"May sinasabi ka?" Isasara ko na sana yung ng locker ko nang biglang may nag salita.
"Ikaw na naman? Sinusundan mo ba ako?." Deretcho kong tanong.
"Ako? Sinusundan ka? Hindi gawain ng isang gwapong katulad ko ang sundan ang isang maliit at pangit na kagaya mo." Seryoso nitong sabi na medyo nahiya ako sa sarili ko.
"Grabe ka. Di halos perfect ka masiyado ay may karapatan ka nang pag sabihan ako ng ganyan. Alam mo kahit anong sabihin mo sa akin, wala akong pakialam. Pero ang inaalala ko lang ay yung mga ibang estudyante na binubully mo. Kung sa akin okay lang, pano naman sa kanila na di nila tanggap at nasasaktan?." Mahabang sambit ko dahil napuno na talaga ako. Ang nakakainis pa ay wala man lang siyang reaction. Cold person na talaga
"So what? Wala na akong pakialam kung nasasaktan ka dahil yun naman ang totoo. Nagsasabi lang din ako ng totoo." Sabay alis sa kinatatayuan nito.
Pagkakuha ko sa mga gamit ko agad nadin akong pumunta sa classroom.
"Good morning beh." Bungad na bati sa akin ni Camille.
"Morning cutie Yuan." Ngiting bati sa akin ni Gideon.
Di 'ko ba alam pero kaninang pumasok ako maganda naman yung mood ko. Si gagong Kier lang naman ang sumira nun.
"Okay ka lang beh?" Tanong ni Camille.
"Oo."
"Hindi ka okay beh. May problema ba? Sabihin mo sa akin makikinig ako."-Cam
"Maya ko nalang sayo sabihin. Baka kasi marinig ni Gideon." Bulong ko kay Camille.
Pag sinabi ko kasi siguradong maririnig yun ni Gideon. Kahit mabait sa akin si Gideon 'di ko parin makakalimutan na kaibigan niya si Kier. Baka isumbong pa ako.
YOU ARE READING
Mean Guys
RomanceMeet Yuan Kyle Rodriguez. Mabait, friendly, independent at isang palaban na tao. He is 17 y/o and a grade 12 student. He loves k-pop like Twice, Blackpink, Bts etc. Mag-isa akong nag byahe papunta dito sa Manila gusto kasi ni Tita na dito ako mag-ar...