CHAPTER 21: JEALOUS

31 1 0
                                    

Yuan Kyle Rodriguez POV

Papunta na kami ni Tita sa simbahan. Nandoon nadin daw si Kier at mukhang excited si tukmol.

"After the mass saan ang punta natin?." Tanong niya habang naka tungo padin sa aming dinadaanan.

"Kakain nalang siguro tita." Sambit ko.

"Maganda 'yun. Buti at napapayag mo pala si Cairo na sumama sa atin."

"Kaya nga po, tamad din yun minsan tita ehh, mabuti nga." Ani ko.

"Nasaan na pala siya?."

"Nasa simbahan na daw po."

Maka lipas ng ilang minuto ay nasa harap na kami ngayon ng simbahan at kasama na namin si Kier.

Na unang pumasok si Tita sa loob dahil sasamahan ko pa si Kier na pumunta sa restroom

Hanggang ngayon hindi pa alam ni Tita kung anong meron sa amin ni tukmol. Natatakot ako baka mamaya sabihin niya about sa panliligaw nito sa'kin. Hindi pa ako ready huhu.

"Tara na." Sambit ko at saka sabay na kaming pumasok.

Dito na kami sa likod umupo dahil puno na sa harapan at hindi ko nadin makita si Tita kung saan siya pumuwesto. Kaya agad ko siyang minessage na dito na kami sa likod maupo at pumayag naman ito.

"Lord, sana po sagutin na ako ng isa diyan. Kasi po habang tumatagal nawawalan na po ako ng pag-asa. Kung hindi man po kami para sa isa't-isa lord, ipilit po natin hehe. Amen." Napatingin ako sa katabi kong naka dapa at naka pikit pa ito saka ngumisi sa'kin.

"Luhhh." Tanging sambit ko.

Mahigit isang oras din ang tinagal ng misa at hinihintay na namin si Tita dito sa labas ng simbahan.

"Okay ba yung wish ko kanina?" Pang-aasar nito.

"Hindi, ano-anong pinagsasabi mong tukmol ka." Palo ko sa balikat nito at mukhang nalakasan ko dahil sa kakaibang expression ng mukha niya.

"Ouch, for what?." Saad nito.

"Wala, manahimik ka. Imposible naman kasi yang hiling mong yan."

"Anong imposible ka diyan. Posible kaya yun."

"What ever." Irap ko at tumawa lang ito.

Papunta na si Tita sa direksyon namin ni Kier.

"Buti naman at naka punta ka Mr. Monteverde, kung hindi ako nag kakamali ikaw ang anak ng may-ari ng MSU, right?" Bungad na tanong ni Tita.

"Yes po."

"Tara na tita, gutom na ako." Singit ko sa usapan nila.

Nasa loob na kami ngayon sa isang mamahaling restaurant dito sa Maynila. Katabi ko si Kier at kaharap namin si Tita.

Kanina pa ako nakakaramdam ng kakaiba kay Tita. Mukhang may alam siya sa relasyon namin ni Kier. Hindi na ako mag tataka kung may alam man siya about sa amin dahil nadin sa influence ng social media. Pero agad-agad naman din yung nababalita na kaibigan lang talaga kami upang hindi pag-usapan ng maraming tao. Ganun kalakas ang mga Monteverde, kaya nilang pag takpan ang isa't-isa.

"Hindi naman ito ang una nating pag kikita pero ang gwapo mo palang bata ka, lalo na sa malapitan." Sambit ni Tita at ang laki naman ng ngiti ni tukmol.

"Hindi naman po, diba Yuan." Tumingin siya sa'kin. Yung nang-aasar ulit na tingin.

"Sakto lang." Tipid kong sagot.

"Sabi sa inyo Tita sakto lang ehh." Aniya sabay tumingin sa'kin at inirapan ko lang ito.

"Curious lang ako ahh pero paano kayo nag kakilala ni Yuan?" Tanong ni Tita kay tukmol.

Mean GuysWhere stories live. Discover now