CHAPTER 10: GUILTINESS

33 3 0
                                    

Yuan Kyle Rodriguez POV

Wednesday ngayon at next week na ang outing namin sa La Union. Susubukan kong magpaalam kay Dean kahit isang oras lang. Sana payagan ako.

Miss na miss kuna sila Mama at Papa pati mga kapatid ko. Gusto ko na silang mayakap isa-isa🥲.

By the way wala pa pala kayong alam about sa Family ko dahil sa first chapter only my Tita yung pinakilala ko sa inyo.

Apat kaming mag kakapatid. Ako yung bunso. Tatlo kaming mga lalake at isang babae, si Ate Arlene ang panganay sa amin. May isa pala siyang anak at 25 year old na siya.

Yung sumunod kay Ate si Kuya Clark. Masungit, strikto pero pagdating sa akin mabait siya. Ako yung favorite niyang kapatid. Kaya takot ako mag ka jowa dahil siya daw muna ang mag i-interview sa iuuwi kong lalake HAHA. Graduating din siya this year.

Pangatlo naman si Kuya Jake. Pareho sila ni Kuya Clark ng ugali. Pogi din silang pareho (wews compliment huh) pero siya yung lagi kong takbuhan sa tuwing may bagong labas na album ng mga K-pop idol ko HAHAHA. Siya kasi nag bibigay ng pambili sa akin o di kaya gift niya tuwing birthday ko. Kaya love na love ko siya. 2nd year college na pala siya ngayon.

Yesssss tama kayo lahat kaming tatlo ay 2years gap kaya 'di kami masyadong nag kakalayo at sobrang close namin sa isa't-isa. Although close din namin si Ate but she have a huge responsibility. Kaya minsan nalang din kami nag bobonding.

Si Mama naman ay nasa bahay lang samantalang si Papa nasa work. Once a month lang din siya umuuwi sa bahay. Kaya ramdam ko yung hirap ni Mama ngayon dahil wala na siyang kasama sa pagluluto at paglilinis ng bahay. Mabait kasi akong anak HAHAHA.

Wala din si Ate minsan dahil nasa bahay siya ng asawa niya. Yung dalawa ko namang Kuya ang alam lang ay mag Volleyball na tulad ko at gumala.

Hindi man kami mayaman pero puno kami ng pagmamahalan. Hindi man masyadong malaki at magarbo ang bahay namin basta sama-sama kaming lahat, okay na ako.

Ganyan ko ilarawan ang pamilya ko. Simple pero masaya.

Nandito na ako sa loob ng kotse ni Kier. Doon padin ako sa back seat umupo. May pupuntahan pala kami mamaya nila Camille. Diko din alam kung saan.

Kailangan kong magpaalam sa tukmol na 'to baka hintayin akong makauwi. Naghihintay lang siya sa wala.

"Kier." Mahinang sabi ko pero alam kong rinig na niya yun.

"Hmm." Tugon lang niya.

"Mamayang uwian pala wag mo na akong hintayin. May pupuntahan lang kami saglit ng mga kaibigan ko."

"Ano oras kayo uuwi?"

"Di ko alam pero baka gabi na."

"How about my dinner? Sinong mag luluto? Wag mong sabihin ako." Seryoso nitong saad.

"S-sige uuwi nalang ako ng maaga. 5:30 okay naman na siguro yun." Utal kong sagot.

Gusto ko siyang sumbatan pero ayaw ko lang ng away. Kaya dadaanin ko nalang sa mabuting usapan. Baka kung saan pa ito mapunta.

"Good."

Pababa na ako sa kotse niya at marami pading estudyante ang nakatingin sa akin. Diko nalang pinapansin baka pag-initan na naman ako mahirap na.

"Ano naka pag paalam kana?." Bungad ni Camille.

"Oo, pero bawal ako sa gabi. Wala daw magluluto ng dinner niya." Sagot ko.

"Putangina ang laki na niya hindi ba siya marunong magluto? O di kaya mag order nalang total mayaman naman siya." Medyo may pagkalakas na boses ni Camille.

Mean GuysWhere stories live. Discover now