CHAPTER 30: BOTH LEGAL

20 1 0
                                    


Yuan Kyle Rodriguez POV

May isang araw nadin nang makabalik kami rito sa Maynila. Nasa loob ako ng kwarto habang pinagmamasdan ang repleksyon ko sa salamin. Pinaghalong kaba at excitement ang nararamdaman ko dahil ma m-meet ko na ang buong pamilya ni Kier.

Wala narin akong problema kila Dean at Ate Glaiza dahil tanggap na nila kami, except to his Dad. Siguradong magigisa ako mamaya ron. Isama mo pa ang mga grandparents niya and also their cousins.

"Yuan, are you ready?" Kumatok na si Kier sa pinto. Napa buntong hininga muna ako, bago ako lumabas.

"Medyo." Binigyan ako ng isang ngiti na nag papahiwatid na kumalma ako at wag kabahan.

"The car is ready, tara na." Sumunod na lang ako pa punta sa parking lot.

Kasama ko si Kier sa back seat at driver na nila ang nag drive sa amin. Pinagpapawisan na ako sa sobrang kaba, hindi lang ordinaryong tao ang makakaharap ko kundi isang matataas at kilalang tao sa buong mundo dahil sa kilalang paaralan at kompanyang pinapatakbo nila.

Narito na kami sa labas ng mansion nila at ganun nalang ang pagkamangha ko nang makita ko rin ang nag mamahalang sasakyan ang naka parada sa parking area nila. Grabe talaga ang pamilya ng tukmol na 'to, jusko nakaka pressure maging mahirap.

Dahan-dahan akong bumaba sa kotse at hinintay ko talaga siyang samahan ako. Alam kong pati siya kinakabahan dahil kami ang star for tonight.

"Sir pasok na raw po kayo." Sambit ng isang naka all black na lalake, mukhang guard ata nila. Infairness pogi rin haha.

Hinawakan niya ang kamay ko at tinahak na nga namin papasok ang makintab at magandang mansion nila.

"They are here" sambit ng isang babae at halos mahimatay na ako dahil lahat sila sabay sabay na napatingin sa amin.

"Musta na insan?"

"Pogi natin ngayon ah." Agad pumunta ang dalawang lalake na naka formal attire at naki pag kamayan pa kay Kier.

"Kevin."

"James." Alok ng dalawang lalake sa kamay nila, agad ko naman itong tinanggap kahit sasabog na ang puso ko sa sobrang kaba. "Yuan." Pilit kong ngiti.

Kasalukuyang nasa likod ako ni Kier dahil hindi ko na kaya yung pressure at kaba na nararamdaman ko. Gusto ko nalang umuwi o kainin nang lupa ang katawan ko. Nagulat ako nang bigla niyang hinawakan ang kamay ko at pumunta siya sa likuran, kaya ako na ang nasa harapan nilang lahat.

"Can i get your attention please. I wanted to introduce my one and only future wife. Meet Yuan Kyle Rodriguez, my boyfriend." Pagpapakilala sa akin ni Kier. Wala akong choice kundi ngumiti sa kanilang lahat. Habang ang iba ay pumapalakpak at may kinikilig pa. Hindi naman nawala ang pinsan nitong naka ngisi. Gusto ko nalang matapos itong gabi na 'to, nakakahiya.

"Good evening po." Nag bow ako dahil wala na atang words ang magtatangkang lalabas sa bibig ko. Nagulat ako ng biglang nag lakad ang mga paa ko papunta sa dalawang matandang lalake at babae, Lola at Lolo ata nila Kier 'to. Kinuha ko ang mga kamay nila at nilagay ito sa noo, it's a sign of respect, ang pag mano.

"Magandang gabi po." Naka ngiti kong bati at laking pasasalamat ko at ngumiti rin sila pabalik sa akin. Parang nabawasan tuloy yung hiya ko.

Nagtungo rin ako sa mga Tita at Tito ni Kier para mag bigay galang sa kanila at ni isa wala akong naramdaman na mabigat o bad vibes dahil mukhang tanggap nila ako. Naka ngiti pa silang nakikipag-usap sa akin.

Matapos akong nakipagkamayan at nagmano ay nag tungo rin ako sa tabi ni Kier na kasalukuyang naka-upo na rito sa may sofa. Narito narin si Ate Glaiza at abot tenga pa ang ngiti nito nang makita ako.

Mean GuysWhere stories live. Discover now