CHAPTER 15: CONFESSION

36 3 0
                                    

Yuan Kyle Rodriguez POV

Tumingin ako sa orasan ng cellphone ko at napa bangon ako ng makita kong alas singko na pala ng umaga.

Dali-dali akong nag tungo sa kusina dahil hindi pa ako naka pagluto ng breakfast namin ni Kier.

Nag flashback na naman sa'kin yung nangyari sa'min kagabi. Hindi ko alam kung lasing 'ba siya kagabi kaya napag tripan niya lang ako.

Kung trip lang 'yun bakit niya ako hinalikan? Tapos kung naalala niya lang 'din si Nathalie bakit siya nag 'i like you Yuan' sa'kin?. Diko na alam kung anong nangyayari sa kanya.

Ang tanga tanga ko 'din dahil natukso ako sa halik niya. Alam ko naman na hindi 'yun tama pero sinabayan ko parin siya.

Wala pa ako mukhang ihaharap sa kanya. Baka sabihin niyang gusto ko siya.

Sana wala siyang maalala nung gabing naghalikan kami. Baka sabihing ginusto ko yung ginawa niya?

(A: Hindi 'ba?)

Wala na akong nagawa nung gabing 'yun kundi pagbigyan siya. Siguro naalala niya si Nathalie kaya naglasing. Tapos nung lasing na akala niya siguro ako yung ex niya. Kaya nagawa niya 'yun sa akin. Sana ganyan nalang.

"Good Morning, mukhang kagigising mo lang. Napagod ka ata kagabi." Si Kier habang nag-aayos ng food sa mesa.

Tinignan ko lang ito ng masama at ngumisi naman siya.

Bakit 'ba niya ginagawa sa akin 'to. Siguro may plano na naman siya kaya kumukuha siya ng pwede pang blackmail sa akin.

"Upo kana at kain na tayo." Napatingin na naman ako sa weird na inaasta niya.

"Are you okay?" Tanong ko habang nag sasandok ng kanin.

"Yeahhh. I'm okay. Whyyy?"

"Wala, ang weird mo lang ngayon... Siguro hindi lang ako sanay sa ganyang ugali mo."

"Lasing na lasing kana kagabi. Ano-ano pinaggagawa at pinagsasabi mo. Subukan mo pang uminom ng alak at isusumbong kita sa Mama mo." Sambit ko at si gago ngumisi pa.

"I admit na uminom ako ng beer pero hindi ako lasing... Alam ko ginagawa ko. Pati nung hinalikan kita at sinabihan kitang gusto kita..... Lahat 'yun totoo. Gusto mo bang i kwento ko pa isa-isa para maniwala ka?..... Pumunta ako sa-----"

Hindi ko na siya pinatuloy dahil sa kahihiyan ko kagabi. Kung sana umiwas o hindi ko nalang siya sinabayan edi sana okay ako ngayon.

Imposible 'din na magkagusto siya sa'kin ulol niya. May plano lang 'to at need ko ng maghanda. 

"Oo nalang, pero imposibleng mag ka gusto ka sakin dahil you're not a gay or bi. Sinasabi ko sayo tigilan mo 'yan, hindi 'yan magandang biro." Sambit ko at ngumisi lang ulit ito.

"Biro???? Oo straight ako..... Bawal 'ba akong mag kagusto sa tulad mo? Gay and bi lang 'ba ang pwede mag ka gusto sayo?"

"Hindi mo kasi gets yung point ko. Like imposibleng mag ka gusto ka sa'kin."

"Yuan walang imposible sa posible. Kung yung point mo lang is imposible akong mag kagusto sayo pwes para sa'kin posible 'yun. Bigla nalang na pumasok sa isip ko na importante kana sa buhay ko. Wala akong pake sa sasabihin ng iba. If you want I can prove it to you, I'll court you....."

Hindi ako makapaniwala at hindi na ako makahinga sa nangyayari ngayon. Kung panaginip lang 'to gusto ko nalang magising.

"Alam kong napakabilis ang pangyayari but papunta naman na tayo doon. At least i inform you na gusto kita. Alam kong malabo kang mag ka gusto sa'kin dahil nadin sa mga pinag gagawa ko sayo. No pressure, wag kang mailang, dahil kung hindi hahalikan ulit kita...just kidding." 

Mean GuysWhere stories live. Discover now