•••Previous Chapter•••
Familiar ito sakin, sobrang familiar...... Imposibleng kay Tita 'to eh nandito mismo naka parada tong kotse niya...
Wag mong sabihin na nandito si .........
••••••
Yuan Kyle Rodriguez POV
"Kier!?!?!?!" Pagka bukas ko palang sa pinto ay siya na ang tumambad sa akin.
Ang mga mukha nito ay parang nong una ko siyang nakita at nakilala. Walang emosyong makikita. Kakaiba ang mga titig nito sa akin. Kinakabahan at diko alam kung paano ako mag sisimula.
Kanina'y inaantok lamang ako, pero ngayon kusa nalang ito nawala at napalitan ng pangamba at kaba.
"K-kanina k-ka pa 'ba d-dito?" Utal kong sambit dahil mukhang papatayin na ako ng mga titig niya.
Wala siyang tugon, doon na ulit ako kinabahan. Deretcho parin ang mga titig nito sa akin.
Lakas loob akong lumapit. At nung isang ruler nalang ang pagitan namin ay may naamoy akong kakaiba....... Amoy alak siya....... At ngayon ko lang din napansin ang mga mata nito na namumula at parang katatapos lang umiyak.
Biglang kumirot ang aking dibdib noong may luhang tumulo sa kanyang mga mata. Hindi ko narin namalayang may mga butil nadin ng luha ang rumurolyo sa aking pisngi.
Lumapit ako upang yakapin siya, at ganun nalang ang biglang pagsakit ng puso ko ng umiwas ito at humakbang patalikod upang, hindi matuloy ang pag yakap ko sa kanya.
"Are you happy?............ Ofcourse haha." Sarkastiko nitong tawa. "Nag enjoy kaba sa party ng Kit na 'yun?...... Syempre, ang saya niyo nga kanina habang sumasayaw. Naka hawak kapa sa balikat niya am I right?. Sana lahat no, Yuan. Sana all masaya......... Alam mo ba yung feeling na habang yung taong mahal mo nag papakasaya sa iba, tapos ikaw nag-aalala. Ganun ang nararamdaman ko kanina habang inaantay ka. Nag-aalala ako baka kasi kung ano na ang nangyari sayo............ Ganun kana ba ka busy para hindi mo man lang ma check yang phone mo? Halos mamatay na ako sa katatawag. Pero parang wala yun sayo. Kasi nag e-enjoy ka sa lalakeng yun..... Tama ba ako?....... Hindi rin ba malinaw sayo yung sinabi ko na bawal ka uminom? Na bawal kang makipag-usap lalong-lalo na sa mga lalake.......... Ay wait, nakalimutan ko atang wala pala akong karapatan para mag selos..... Ano nga ba ako sayo??......... To be honest, ngayon lang ako nakaramdam ng ganito kasakit. Hindi pa ba enough itong pagbabago ko? Halos nga binago ko na buong pagkatao ko para sayo, para lang mahalin mo 'ko.... Pero parang hindi pa enough...... Parang lahat ng effort ko, wala lang. Am I not enough?......... Di bale, konting araw nalang. Malaya kana mag mahal, yung mamahalin ka ng hindi na kailangan mag bago, 'di tulad ko. Ikaw nadin ang nagsabi na red flag ako. Tama ka nga naman. Sorry ha. Mahal lang talaga kita, kasi natatakot akong makuha ka ng iba......... Mauna na ako sayo, goodnight. Sana masarap tulog mo." Bago pa siya maka alis ay yumakap ako ng mahigpit. Habang patuloy padin ang pag ragasa ng mga luha ko.
"Noooooo!! K-kier wag mo a-akong iwan please......." Hagulgol ko. "Iloveyou. Di mo l-lang alam kung g-gaano rin kita ka m-mahal. W-wag mong s-sasabihin na hindi ko nakikita lahat ng e-effort mo kasi hindi yun t-totoo. L-lahat nang yun nakita ko. S-so p-please don't leave me. Mahal na m-mahal kita. Kier please. I'm so s-sorry, alam ko at aaminin ko na m-mali lahat ang g-ginawa ko kanina. Sorry dahil n-nilabag ko lahat ng b-bilin mo. Sorry kung h-hinayaan kong isayaw ako ni Kuya Kit. S-sorry kung hinayaan kong ihatid n-niya ako at hindi ka s-sinabihan. Sorry sorry sorry. M-mahal na kita. Kaya w-wag ka sanang umalis p-please." Walang tigil ang patak ng mga luha ko. Halos sinisinok na ako sa sakit ng nararamdaman ko ngayon.
Naguguluhan na rin ako. Basta ang sinusunod ko nalang ngayon ay tibok ng puso ko. Wala na akong pake kung nalaman na niya ang totoo, basta ang sa akin lang ay wag siyang umalis. Wag niya akong iwan dito na puno ng pagsisisi at sakit na ako din ang may gawa.
YOU ARE READING
Mean Guys
RomanceMeet Yuan Kyle Rodriguez. Mabait, friendly, independent at isang palaban na tao. He is 17 y/o and a grade 12 student. He loves k-pop like Twice, Blackpink, Bts etc. Mag-isa akong nag byahe papunta dito sa Manila gusto kasi ni Tita na dito ako mag-ar...