Yuan Kyle Rodriguez POVToday is the beginning of our second semester. Bagong subject at bagong teacher na naman ang makakasalamuha ko. Nakaupo ako ngayon dito sa unang subject ko. Katabi ko si Gideon na abala sa cellphone niya. Hindi ko nalang pinansin dahil inaantok pa ako.
After the two subject ay nag break muna kami at kasabay ko rin silang nagtungo sa cafeteria. Narito narin sila Kier and sila Yvonne. Umupo ako sa tabi ni Kier sabay bigla niya akong hinalikan sa pisngi. All of them are shocked pero wala na kaming pake 'ron.
Kumain lang kami at nag kamustahan. Kwento sa mga kanya-kanyang masasayang bakasyon at syempre kulitan.
"By the way guys, mag b-bake ako mamaya ng cupcakes and cookies. If you want syempre bumili kayo sa akin hindi 'yon libre no." Sambit ni Yvonne. Akala namin libre, yun pala may bayad.
Katulad ko ay nag order din sila ng kanila at ang nakakatawa pa ay kami raw ang kukuha ng order namin sa bahay nila. Siya ang may business tapos expect namin na siya ang mag d-deliver pero kami rin pala kukuha sa order namin. Like what the f......
Yung iba ay okay lang naman dahil nga may kanya-kanya silang sasakyan pero paano naman ako diba? So unfair, but i have no choice. Mag c-commute nalang siguro ako, malapit lang naman yun sa dorm ni Kier.
Hindi na ako pumasok after lunch dahil wala pa namang schedule ang binigay sa amin. Also, the teacher are same too. I know na more in 'introduce yourself' lang din naman, nakaka umay na mag pakilala.
Nandito na kami ni Kier sa dorm at ako lang talaga mag-isa ang kukuha ng order namin sa magaling kong kaibigan. As usual tinatamad daw siya.
Naligo ako para naman hindi ako amoy usok papunta sa bahay nila. Di porket kaibigan ko ay okay lang sa akin ang mag mukhang dugyot sa paningin niya, very NOOO!
After ko maligo I was wearing a plain black shirt and nag shorts nalang ako. Above the knee shorts that exposed a little bit of my legs. Wala kasi akong short na mas malaki pa roon. Parehas lang din naman lahat ng mga damit ko.
"Punta na ako." Sambit ko, habang abala sa paghahanap ng phone kong nasa tote bag.
"NOOO!" Napatingin ako sa seryosong bulyaw niya sa akin.
"Bakit?"
"Hindi ka lalabas ng ganyan ang suot mo. Or else sasama nalang ako sayo..... I think it's better na samahan nalang talaga kita.. Wait for me." Tumayo siya sa pagkakaupo at dali-daling pumunta sa kwarto. Hinintay ko nalang siya sa sala. Pati ako naguguluhan sa mood ng tukmol na 'to, hindi ko ma predict.
"Let's go." Aniya. Dali-dali siyang lumabas habang inaayos pa ang buhok at damit nito. Dahil sa malapit lang ang bahay nila Yvonne ay ang motor niya ang gagamitin namin. Kinikilig padin ako pag siya mismo ang naglalagay ng helmet sa akin, dapat lang naman na kiligin ako.
Katulad nang dati ay normal lang ang patakbo niya. Ikaw ba naman kurot at suntok ang natatangap niya sa akin pag nag o-over take siya ng ilang mga sasakyan. Ayaw ko pa mamatay no. May pangarap pa ako.
Nasa harap na kami ng bahay nila Yvonne at naka ilang door bell nadin ako at wala paring bumubukas sa putanginang pinto.
"Wait....." Bukas ni Kuya Kit sa pinto "Oww, Yuan nabisita ka." Matamis ang ngiti nito sa akin. Nagbago lang 'yon nang napatingin siya kay Kier na seryosong naka tingin pabalik sa kanya. "Kumusta bro, long time no see." Alok niya kay Kier at itong si tukmol parang walang nakita.
"Kunin lang sana namin kuya yung inorder ko kay Yvonne." Sambit ko.
"Oww, I see. Kaya pala busy siya sa kitchen. Pumasok muna kayo."
YOU ARE READING
Mean Guys
RomanceMeet Yuan Kyle Rodriguez. Mabait, friendly, independent at isang palaban na tao. He is 17 y/o and a grade 12 student. He loves k-pop like Twice, Blackpink, Bts etc. Mag-isa akong nag byahe papunta dito sa Manila gusto kasi ni Tita na dito ako mag-ar...