"BRO, HOLD UP! HE DID WHAT?! HE COMPLIMENTED YOU AND GAVE YOU A HEARTWARMING SMILE?!"
"Oh, geez. I don't think the rest of the universe heard you. Why don't you scream a little louder?" Nasapo ko ang noo ko dahil kay Kaji.
Sana pala hindi ko na lang sinabi sa kanila. Lalo na sa bruhang 'to.
"Maupo ka nga, Kaji, tutuktukan na kita." Hinila siya paupo ni Zara. "Hindi ka ba aware na nasa public place ka?"
"Nagulat lang ako, okay?!" paliwanag niya.
"Grabe ka naman magulat kung gano'n!"
Nandito kami ngayon sa park malapit sa school namin. Kinuha kasi namin 'yung mga natira naming gamit sa locker at saka 'yung yearbook namin.
"Pinuri niya lang naman ako. Ma-issue ka lang talaga, Kaji," sambit ko at uminom sa milkshake ko.
"Hindi mo kasi naiintindihan ang mga lalaki, Eula. Gan'yan 'yang mga 'yan! Pupurihin ka tapos magpapa-cute sa'yo, sunod niyan yayayain ka na mag-date. Tapos isang araw magugulat ka na lang, gusto na manligaw! Tapos magiging kayo pero sasaktan ka rin naman sa huli!"
Nagkatinginan kami ni Zara dahil nagsisimula na naman si Kaji. Hindi ko alam kung bakit ginagawa niyang big deal ang lahat ng bagay.
"Nako, Eula ha! Lumayo ka sa lalaking 'yan! Sinasabi ko sa'yo."
"Kaji, isa pang sigaw mo, sasampalin na kita."
Ngumiti sa 'kin si Kaji at hindi na nagsalita. Tiklop ka pala kay Zara e'.
"Suminghot ka ba ng rugby bago ka umalis sa bahay niyo? Ang hyper mo," wika ko kaya sinamaan niya 'ko ng tingin.
Hindi na rin kami nagtagal doon dahil mainit na sa pwesto namin. Umuwi rin kami nang maubos namin ang mga milkshake namin.
Ngayon ay katatapos ko lang maligo. Naupo ako sa dulo ng kama at binuksan ang phone ko. Wala akong trabaho ngayon, ayaw akong papasukin ni Tita. Ewan ko kung bakit.
Nags-scroll lang ako sa Twitter nang biglang mag-chat si Zara sa GC naming tatlo.
Zara Revi: Kaji magcha-change ka ba ng pfp mo o ano
Eula Chelle Payton: anong pic ang ipapalit niya
Zara Revi: Ewan ko diyan
Kaji Mitsuha: Hindi na me magpapalit. Post ko na lang sa ig
Zara Revi: k
Eula Chelle Payton: k
Kaji Mitsuha: Wow. Salamat sa suporta mga plastic kong kaibigan (ಠಿ_ಠ)
Nag-react lang ako sa message ni Kaji at nagpunta sa Instagram para tingnan ang post niya.
@kaji_mtsh: Flex ko lang ganda ko.
Natawa ako nang mabasa ang caption niya. Grabe, abot hanggang sa social media ang kakapalan ng mukha niya.
Ngumisi ako bago nag-comment.
@eula.chelle: Dahil dyan sa post mo, meron kang Hanabishi appliances, at meron ka pang libreng semento mula sa Republic Cement (tibay mula sa loob), pwede ka pang magkaroon ng bahay mula sa Lumina Homes at meron ka pang bagong Suzuki Raider galing sa Motor Trade (motorsiklo, sigurado alaga ka dito), at may 10,000 ka pa mula sa Villarica Pawnshop at libreng byahe mula sa 2GO travels at di makukumpleto yan kapag hindi kasama ang malamig na malamig at masarap na Coca Cola!
Sunod namang nag-comment si Zara at ang iba pa naming mga kaklase.
@zara_revi: guys mag ingat po tayong lahat. kanina habang pauwi ako ng bahay may napansin akong lalaking sunod nang sunod sa akin kahit saan ako pumunta, at nung nakahanap na siya ng tiyempo ay napansin kong bigla siyang humugot ng gunting. buti na lang alert ako at mabilis ko itong napansin kaya bumunot agad ako ng bato. kung papel ang binunot ko, malamang ay talo ako. ingat, guys ibang-iba na talaga panahon ngayon. doble ingat po tayo.
BINABASA MO ANG
In a Heartbeat (Complete)
RomanceEula Chelle Payton came home one day, with her belongings packed in her bag and luggage, on the pavement in front of her father's house. Her father threw her out for disobeying him and texted her saying, "Good luck on your journey without me." With...