"Eula, sigurado ka bang diyan ka na papasok?"
"Opo, Tita. Dream school ko po 'yan."
Tumango si Tita Mayumi at ibinalik sa maliit na white envelope ang sulat na nakapasa ako sa entrance exam ng university na gusto kong pasukan.
Malapit na talaga akong maging college student. Kasisimula lang ng summer vacation at katatapos lang ng graduation namin kanina.
Ngayon ay nasa bahay kami ni Tita Mayumi para i-celebrate ang graduation ko. Narito ang mga katrabaho ko sa flower shop at mga katrabaho ni Tita Mayumi at Tita Valley.
Mamaya pa makakapunta rito sina Zara at ang iba ko pang mga kaklase dahil syempre, busy rin sila sa sarili nilang mga celebration.
"Congratulations, aking minamahal!"
Napalingon ako kay Margo na kapapasok lang ng bahay. Napangiti ako nang makita ang suot niyang white dress.
Binigay ko 'yon sa kaniya. Ang sabi ko suotin niya sa graduation ceremony namin, kaya lang hindi naman siya pumunta! Na-late raw siya ng gising!
"Thank you." I smiled. "Pero galit pa rin ako kasi hindi ka pumunta sa school," sambit ko nang makalapit siya sa 'kin.
"Oh regalo ko." Inabot niya sa 'kin ang isang paper bag. "Pampalubag loob kasi hindi ako pumunta sa graduation ceremony niyo." Umirap siya.
"Salamat ha, kahit mukhang labag sa loob ang pagbibigay mo nito."
Pumunta kami sa kusina para roon kumain dahil medyo marami na ang tao sa sala. Ewan ko ba kina Tita, kung sino-sinong inimbita.
Sabi nila last week simpleng handaan lang daw kasi kami-kami lang naman. Pero tingnan mo naman! Ganito ba ang simpleng handaan?! Parang may fiesta rito sa loob ng bahay!
"'Yan lang kakainin mo?" tanong ni Margo nang makita ang pagkain ko. Tumango lang ako.
Pagkatapos naming kumain ay umuwi rin siya agad dahil hinahanap na raw siya ng Lola niya. At ilang minuto lang pagkatapos umalis ni Margo, dumating naman sina Zara.
Sayang. Balak ko pa naman sana silang ipakilala sa isa't isa. Pero next time na lang.
"Bakit nakatulala ka r'yan?" tanong ko kay Kaji.
Nandito kami ngayon sa garden. Nagpapahangin dahil mainit sa loob. Katatapos lang din namin kumain.
"Huwag mong pansinin 'yang bruhang 'yan, Eula," ani Zara sa tabi ko. "Kanina pa 'yan tahimik habang papunta kami rito."
"Napagalitan ba siya ng Papa niya?" Nagkakagan'yan lang naman si Kaji kapag napapagalitan siya ng Papa niya.
"Aba, anong malay ko! Tanungin mo siya!"
"Sabi mo huwag ko siyang pansinin tapos ngayon sasabihin mo tanungin ko siya? Baliw ka ba, Zara?"
"Ano ba 'yan, ang ingay niyo! Hindi niyo ba nakikitang nagmo-moment ako rito?!" sigaw ni Kaji.
"Moment?" sabay naming tanong ni Zara.
"Oo! Nagmo-moment ako! Iniisip ko kung ano nang magiging buhay natin pagkatapos nating mag-college, gano'n!"
"Ang advance mo naman mag-isip." Tumawa ako. "Wala ka pa ngang natatanggap na reply sa mga university na in-apply-an mo kung nakapasa ka ba sa entrance exam nila or what."
"Alam mo, Eula, ang bastos ng bibig mo." Umirap siya.
"Tara na sa loob, nagugutom ako," yaya ni Zara bago tumalikod sa 'min at naglakad papasok ng bahay.
"Huh? Nagugutom ka na kaagad?! Kakakain lang natin!" sigaw ko at sumunod sa kaniya.
"Hoy, 'wag niyo 'kong iwan dito!" sigaw ni Kaji at sumunod na rin sa 'min.

BINABASA MO ANG
In a Heartbeat (Complete)
RomansEula Chelle Payton came home one day, with her belongings packed in her bag and luggage, on the pavement in front of her father's house. Her father threw her out for disobeying him and texted her saying, "Good luck on your journey without me." With...