Chapter 13

59 8 4
                                    

"Katulong ba kita?" tanong ko nang makitang hinuhugasan niya ang tasang ininuman ko ng gatas.

Hindi siya sumagot at tinapos lang ang ginagawa niya. Pagkatapos ay nagpunas siya ng kamay sa towel at humarap sa 'kin.

Walang imik niya 'kong hinawakan sa magkabila kong balikat at bahagyang tinulak papunta sa kwarto ko.

"Dream of me," ani Kyvo nang makahiga na 'ko sa kama.

"I don't want to have nightmares."

Tumawa siya at pinatay na ang ilaw. "Babalik ako bukas."

"Kahit 'wag na." Inayos ko ang kumot ko. "Pinalitan ko ang passcode ng unit ko. Baka kasi mamaya ipagkalat mo 'yon tapos nakawan nila ako. Traydor ka pa naman."

Hindi na siya sumagot at tumawa na lang. Isinara niya ang pinto sa kwarto ko at nang marinig kong magsara ang pinto ng apartment ko ay bumangon ako sa pagkakahiga.

Hinawakan ko ang dibdib ko nang maalala ang pagngiti niya sa 'kin kanina habang iniinom ko ang gatas na tinimpla niya para sa 'kin.

Hindi ko nga maintindihan kung bakit hinayaan ko siyang ipagtimpla ako e' kaya ko namang gawin 'yon! Hindi naman ako baldado!

Bumuntong-hininga ako at tumitig sa kisame kung nasaan ang mga glow in dark na stickers.

I don't like this feeling... of butterflies in my stomach, of letting someone take over my emotions.

Love is exhausting. Thinking so much about someone, caring for someone, opening up to them, being vulnerable with them, making all the efforts to get their attention... I don't want to do all of that.

And I already told myself that I wouldn't let anyone become important to me.

So why... why the hell am I still thinking of him?

Ginayuma niya ba 'ko?

The next morning, I woke up early because I heard a loud banging on the door. Napabangon kaagad ako at binuksan ang pinto. Kumalma naman ako nang makitang si Margo ang nasa labas.

"Geez, Margo, I thought I was getting robbed! Ano bang ginagawa mo rito nang ganito kaaga, ha?!"

"Grabe, good morning naman muna ano!" aniya at nilagpasan ako. Sinara ko ang pinto at sinundan siya sa kusina. "Seven na hindi ka pa gising. Porque wala kang pasok hanggang bukas ha. Sige lang, sulitin mo 'yan."

"Ano bang ginagawa mo rito? May kailangan ka ba?"

"Sabi ng Tita Mayumi mo puntahan daw kita rito at tanungin kung ayos ka lang." Tumalikod siya sa 'kin at may tiningnan sa refrigerator. "Pero bago 'yon, maghilamos ka muna, ipaghahanda kita ng almusal mo."

Tumango lang ako at pumasok na ulit sa kwarto ko para maghilamos at mag-toothbrush. Nang matapos ako ay nagpalit muna ako ng jean shorts at yellow na t-shirt bago lumabas.

Naamoy ko kaagad ang niluluto ni Margo kaya napangiti ako. Material girl 'yarn.

Hinintay ko siyang matapos magluto at tinulungan siyang ihanda ang hapagkainan. Nang okay na lahat, naupo na kami sa harap ng hapag at sinimulan na ang pagkain.

"Sabi ng Tita mo tuwing Saturday at Sunday ka na lang daw pumasok sa shop niya," panimula niya. "Siya raw kasi ang nahihirapan para sa'yo. Hindi na raw maganda sa health mo ang pagpasok mo mula gabi hanggang umaga. Wala ka na raw maayos na tulog. Baka kung mapa'no ka raw."

"Kaya ko naman," sagot ko at nag-isip.

Ngayon ko na lang ulit na-realize na simula nang magsimula ang pasukan ay wala na 'kong naging maayos na tulog. Madalas na rin akong mahilo at nawawalan na 'ko ng gana kumain.

In a Heartbeat (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon