Chapter 30

48 8 7
                                    

"Bakit hindi mo sinabi sa 'kin ang totoong dahilan ng pag-alis mo? At bakit hindi mo 'ko kinausap nu'ng umuwi ka rito? Bakit ngayon ka lang—"

Napatigil ako sa pagsasalita nang bigla akong yakapin ni Kyvo. "Ang ingay mo."

Hindi ko na napigilan ang pag-iyak dahil sa ginawa niya.

Isang yakap lang naman 'to, na mahigpit at puno ng pagmamahal... pero parang buo na 'ko.

"Bakit hindi mo 'ko kinausap nu'ng umuwi ka rito?" bulong ko. "Galit ka ba sa 'kin?"

"Eula alam mo... naisip kong huwag nang bumalik dito. Huwag nang bumalik sa 'yo."

Natigilan ako. Naisip niya 'yon?

"Hindi kita kinausap at hindi ako nagpakita sa 'yo no'n dahil hindi ko alam ang sasabihin ko." Hinaplos niya ang buhok ko. "Ano ba ang dapat sabihin nang isang taong umalis nang hindi nagsasabi ng totoong dahilan? Hindi ko alam. At saka, sabihin na nating gumaling ako ulit... pero malay mo bumalik na naman 'yung sakit ko. Paano ka na n'yan? Ayokong mas masaktan ka kaya pinili kong huwag na lang bumalik."

Mas lalo akong naiyak. Kahit na nahihirapan na siya, ako pa rin talaga ang iniisip niya.

"Mukha rin namang komportable ka na. Kita ko kung gaano ka kasaya sa Daddy mo, at baka kapag nagpakita ako, mawala 'yung saya mo. Ayokong mangyari 'yon. Kung saan ka masaya, roon na rin ako."

"Sa 'yo," bulong ko.

"Ano?"

"Sa 'yo ako masaya."

Humiwalay siya sa yakap at pinahid ang luha ko. "Grabe, ngayon na lang ako ulit kinilig." Tumawa siya.

"Kyvo, seryoso ako!"

"Seryoso rin ako, Eula." He pinched my cheeks. "Ang cute mo."

Matagal ko siyang tinitigan bago ako lumayo sa kaniya, at dahil sa ginawa ko ay nagtaka siya. "Kung naisip mong huwag nang bumalik dito, at huwag sabihin sa 'kin ang totoo, ibig sabihin ba no'n, kung hindi ako pumunta nu'ng isang gabi sa hideout at makita ang letter mo... hindi ko talaga malalaman?"

"T-Teka, anong sinabi mo?"

I scoffed. "Gusto mong ulitin ko 'yung tanong? Ang haba no'n! Tinatamad ako!"

"No, I understand your question. But, did you really find the letter?"

"Oo, kaya ko nga nalaman 'di ba?"

"Akala ko kaya mo nalaman dahil sinabi nina Bridgette." Nasapo niya ang noo niya.

"Hindi sa 'kin sinabi ni Bridgette dahil nagalit siya sa 'kin."

"Hindi na 'ko nagulat diyan. May galit 'yang babaeng 'yan sa mundo." He shook his head. "Eula, kahit hindi mo naman nakita 'yung letter, balak ko naman talagang sabihin sa 'yo ang totoo sa pag-uwi ko. Sa lumipas na mga araw, linggo, buwan at taon, nakumbinsi ako ni Mama na umuwi na lang dito. Mabuhay nang masaya habang malakas pa 'ko, dahil hindi namin alam kung babalik pa ba o hindi na ang sakit ko."

Dahan-dahan akong tumango. Naiintindihan ko na.

"Naisip kong huwag nang bumalik, pero naisip ko rin kung gaano ka masasaktan at magagalit kapag hindi ko 'yon ginawa. Nag-sikreto ako sa 'yo, kaya gusto kong humingi ng tawad para ro'n. At... ayokong mawala nang hindi ako ang mismong nagsabi sa 'yo ng totoo."

Matagal na katahimikan ang namayani sa pagitan naming dalawa.

"Okay na. Naiintindihan ko na," bulong ko. "'Yun lang naman ang gusto kong malaman at marinig mula sa 'yo."

Sinungaling. Gusto kong marinig niyang sabihing mahal niya rin 'ko.

"Kararating mo lang 'di ba? Magpahinga ka na, magkita na lang tayo bukas." I smiled and turned my back. Papasok na sana ako sa kotse nang bigla niya 'kong yakapin mula sa likod.

In a Heartbeat (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon