"Ano nang balak mo? Limang taon na 'yon, Eula. Sa tingin mo ba nasa hospital pa rin si Kyvo at nagpapagaling? O baka naman wala na siya—"
"Hindi ko alam," pagpigil ko sa sinasabi ni Margo. Ayoko nang marinig ang sunod niyang sasabihin. "Tatanungin ko si Silas, may contact pa naman kami."
"Ibig mo bang sabihin, may alam siya?"
"Siguro."
"Kung mayroon nga, bakit hindi niya sinabi sa 'yo?"
Doon ako natahimik. Nagkibit-balikat na lang ako dahil hindi ko alam ang isasagot.
Pagkaalis ni Margo sa office ko ay umuwi muna siya sa bahay nila rito. Gabi na rin at kararating niya lang dito sa Manila. Nu'ng tumawag kasi ako kagabi, ang sabi niya uuwi siya rito para samahan ako kay Silas tungkol sa pag-alis ni Kyvo.
Syempre nu'ng una tumanggi ako dahil binabantayan niya ang lola niya. Pero sabi niya naman binabantayan na ito ng tita niya.
Pagkatapos kong magtrabaho, sinundo ako ni Papa para sabay kaming kumain ng dinner sa paborito nilang restaurant ni Mama. Umuwi na rin kami pagkatapos naming kumain dahil pareho kaming pagod.
Ngayon ay nakaupo na 'ko sa kama, hinihintay ang reply ni Silas. Na-email ko na siya kanina at sinabi niya sa 'kin ang number kung saan ko siya p'wedeng ma-text.
From: Silas
Usap tayo bukas, medyo late na rin. Ite-text ko na lang sayo ang loc. Ayos lang ba?
To: Silas
sige. bukas na lang. salamat.
Akala ko ay 'yun na pero nagulat ako nang mabasa ang sunod niyang text.
From: Silas
Gusto raw sumama ni Bridgette, kaibigan namin ni Kyvo. Ayos lang ba? May gusto rin daw siyang sabihin sayo.
To: Silas
ayos lang. may gusto rin akong sabihin sa kaniya.
Pinatay ko na ang phone ko at natulog na. Kinabukasan, maaga akong pumasok sa trabaho. At habang nagtatrabaho ako ay hindi ako mapakali.
Pakiramdam ko kasi hindi pa 'ko handa sa mga sasabihin sa 'kin ni Silas at Bridgette.
Paano kung umasa na naman ako na ayos lang si Kyvo? Sigurado akong hindi maayos ang kalagayan niya ngayon dahil sa sakit niya.
O baka naman magaling na ulit siya pero hindi na lang talaga siya bumalik dahil wala na naman siyang dapat balikan dito?
Hindi ko alam. Bahala na.
Mayamaya pa ay nakatanggap ako ng text galing kay Silas. Sinabi niya sa 'kin ang exact location kung saan kami magkikita para sa lunch. Sa isang bagong bukas na café kami magkikita-kita.
Kinakabahan ako.
Pagsapit ng lunch ay sinabi ko sa secretary ko na i-clear ang schedule ko for the rest of the day dahil may importante akong pupuntahan.
Nang makarating ako sa tapat ng café ay bumaba na 'ko sa kotse. Pero bago ako pumasok sa loob ay natanaw ko si Bridgette sa second floor, nagtama ang tingin namin at matagal bago siya nag-iwas ng tingin.
I sighed. Nagsisisi na 'ko dahil mas pinili kong kalimutan siya kaysa alamin ang totoo. Nagawa ko pang itapon ang lahat ng drawing ko sa kaniya.
"Silas' going to be late, na-stuck daw siya sa traffic," sambit ni Bridgette pagkaupo ko sa harap niya. Tumango lang ako. "Eula... sorry."
Nagtataka ko siyang tiningnan. "Para saan?"
"Dahil hindi ko sinabi sa 'yo ang totoong dahilan kung bakit umalis si Kyvo." She avoided my gaze. "Sinabi niya sa 'kin na sabihin ko raw sa 'yo once na matapos ang surgery at magsimula na ulit ang treatment niya. Pero nu'ng nakita ko kung gaano ka niya kamahal, nagalit ako sa 'yo kaya hindi ko sinabi ang totoo."
BINABASA MO ANG
In a Heartbeat (Complete)
RomansEula Chelle Payton came home one day, with her belongings packed in her bag and luggage, on the pavement in front of her father's house. Her father threw her out for disobeying him and texted her saying, "Good luck on your journey without me." With...