Chapter 10

94 8 1
                                    

Trigger Warning:

This chapter contains sexual harassment that might be upsetting for some readers.

Reader discretion is advised.

*****

"If anyone else can't drink, please let me know! We're not forcing you to drink. No pressure," ani ng president ng Student Council.

Lumipas pa ang ilang oras bago natapos ang party. Ngayon ay 10 p.m na at nagsisiuwian na ang mga tao sa paligid.

"Eula, sure ka bang kaya mo na si Aly?" tanong ni Summer habang inaayos nila ang gamit nila.

Tumango ako. "Oo, nasa labas naman na ang susundo rito."

"E' ikaw? Kaya mo bang umuwi mag-isa?"

"Oo naman. Hindi ako uminom, Summer. Nakalimutan mo na ba?" I laughed.

Ngumiti siya sa 'kin bago sila tuluyang umalis. Humarap ako kay Alysha at tinulungan siyang makatayo. Tahimik lang kami hanggang sa makarating kami sa gate at doon kami sinalubong ng driver niya.

Hinintay ko lang silang makaalis bago ako naglakad papunta sa waiting shed para mag-abang ng masasakyan. Hindi ko nga lang alam kung may naraan pa ritong taxi tuwing ganitong oras.

Ayoko rin namang i-text si Kyvo 'no. Nakakahiya. At isa pa, baka tulog na siya at makaabala pa 'ko. Late na kaya.

Naupo ako sa waiting shed at inilabas ang phone ko para malibang habang naghihintay.

"Wala nang daraan pang masasakyan dito. Ihahatid na kita. Saan ba ang bahay niyo?"

Dahil sa gulat ay nabitawan ko ang cellphone ko. Kukuhanin ko na sana 'yon nang may mauna sa 'kin. Nag-angat ako ng tingin at kinabahan nang makita si Byron.

Kinuha ko sa kaniya ang phone ko at bahagyang lumayo. "H'wag na po, parating na ang sundo ko rito."

Sinungaling! Wala namang susundo sa 'kin dito! Kung alam ko lang na magkikita kami nito, sana pala ay tinext ko na si Kyvo!

"H'wag ka nang mag-po sa 'kin, Eula. Dalawang taon lang naman ang tanda ko sa 'yo." Tumawa siya kaya awkward din akong ngumiti.

Kanina pa siya tawa nang tawa, wala namang nakakatawa.

"Sige, mukhang hindi kita mapipilit na ako na ang maghatid sa 'yo. Sasamahan na lang kitang maghintay rito."

Huminga ako nang malalim, kinakabahan na. Muli akong naupo malayo sa kaniya at binuksan ang phone ko para i-text sana si Kyvo. Pero dahil hindi ko maipaliwanag ang sitwasyon ko, hindi ko siya magawang i-text.

Ano nang gagawin ko?!

Sunod-sunod akong lumunok nang bigla itong tumabi sa 'kin. At sa tuwing lumalayo ako ay lumalapit siya. Hanggang sa wala na 'kong mauupuan kapag umisod ako.

Tatayo na sana ako pero nagulat ako nang hawakan niya ang kamay ko at ang hita ko. Doon ko na siya tinulak nang malakas at tumakbo na 'ko.

Habang natakbo ay tinawagan ko si Kyvo. Wala pang ilang ring ay sumagot kaagad siya.

"Kyvo! Tulungan mo 'ko!" sigaw ko.

"What happened? Where are you?" Naguguluhan niyang tanong.

"Hindi ko alam kung saan to!" Lumingon ako sa likod at mas lalo akong nataranta nang makitang maabutan na niya 'ko. "Ang dilim ng paligid! Wala akong makitang street sign—"

Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil naabutan na 'ko ni Byron. Ang hayop na 'to. Bakit naabutan niya na agad ako?! Ang bilis niya namang tumakbo!

"Sinong kausap mo?" tanong niya habang pilit na nakangiti. Kinuha niya ang phone ko at pinatay ang tawag. "Bakit ka ba biglang tumakbo ha? Wala naman akong gagawing masama sa'yo."

In a Heartbeat (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon