Mabilis na lumipas ang mga araw. Isang buwan na 'kong nagtatrabaho sa flower shop ni Tita Mayumi. Ibig sabihin, isang buwan na rin akong nakatira sa apartment nang mag-isa.
At isang buwan nang walang pahinga ang kaiinggitan ko.
Lord, bakit kailangang ang mga bumibili sa oras ng shift ko ay mga taong in love at ang mga bulaklak na binibili nila ay ibinibigay nila sa partner nila?!
Hindi ako galit ha. Ang sweet nga no'n e. Pero ipahinga niyo naman 'yung inggit ko. Nakakapagod din kayang mainggit.
"Eula, ano na naman bang nahithit mo ngayong araw?" tanong ni Kaji habang naglalakad kami papunta sa Laboratory. Naiwan ko kasi roon ang chemistry notebook ko.
"Tumahimik ka nga, Kaji," sagot ko. "Maganda ang mood ko. Huwag mong sirain."
"Ang sungit mo! Nagtatanong lang naman ako!"
Nang makuha ko na ang notebook ay bumalik na rin kami kaagad sa room dahil malapit nang magsimula ang klase.
"Naiintindihan niyo ba?" tanong ng prof namin. Lahat kami ay sumagot ng 'oo'. "Okay, good. So hanggang doon na lang muna ang ituturo ko sa inyo ngayong araw. Next week ay may long test tayo kaya mag-aral kayo."
Aguy.
"Class dismissed."
Yown.
"Eula, may gagawin ka ba mamaya?" tanong ni Zara habang naglalakad kami papuntang storage room. Inutusan kasi kami ng prof namin sa History na ilagay ang mga documents na 'to roon.
At dahil uwing-uwi na si Kaji, hindi niya kami sinamahan. Gusto niya na raw mag-beauty rest. Sana all.
"Bakit?"
"Tapusin na natin 'yung research natin," aniya. "Para next week ay final exams na lang ang iintindihin natin."
Magandang idea 'yon. Pero may trabaho pa 'ko. Kailangan kong kumita ng pera para may ipakain ako sa mga anak ko.
"P'wede bang i-send mo na lang 'yung part na gagawin ko? May trabaho ako mamaya."
"May trabaho ka na?!" Zara shouted.
"Sige, ipagsigawan mo pa."
"May trabaho ka na?" she whispered. Tumango ako. "Pinayagan ka ng Papa mo?" Napatigil ako sa paglalakad kaya napatigil din siya. Nagtataka. "Pinaalis ka na ng Papa mo sa bahay niya 'no?"
"Paano mo nasabi?"
"Feel ko lang."
Nagpatuloy kami sa paglalakad. "Sorry." I sighed. Pakiramdam ko kailangan ko mag-sorry sa kaniya.
Ano ba naman 'to, napapaamin ako nang wala sa oras!
Pero sabagay, nabanggit niya na rin naman 'yung tungkol sa ginawa ni Papa, siguro dapat ko na ring sabihin 'yung sitwasyon ko.
"Gaga ka. Dapat nga kami ni Kaji ang nagso-sorry sa'yo dahil hindi ka namin nasamahan noong pinalayas ka ng Papa mo." Mahina siyang tumawa. "Ang totoo niyan, hinihintay ka lang talaga namin ni Kaji na magsabi sa 'min dahil ayaw ka naming piliting mag-kuwento. Baka kasi nahihirapan ka pa."
Ngumiti ako at tumigil sa tapat ng storage room. Habang binubuksan ko ang pinto ay patuloy pa rin si Zara sa pagsasalita.
Dahil sa mga sinabi niya, mas na-realize ko kung gaano ako ka-swerte sa kanila.
Pero bakit mas lamang pa rin 'yung kamalasan ko kapag kasama ko sila?
"Kaya kapag may problema ka, magsabi ka kaagad ha? Alam mo namang nandito lang kami."
![](https://img.wattpad.com/cover/306500766-288-k342205.jpg)
BINABASA MO ANG
In a Heartbeat (Complete)
RomanceEula Chelle Payton came home one day, with her belongings packed in her bag and luggage, on the pavement in front of her father's house. Her father threw her out for disobeying him and texted her saying, "Good luck on your journey without me." With...