Chapter 12

76 8 1
                                    

"Blooming ka ah."

Napatingin ako kay Alysha habang nakain kami ng lunch.

"Araw-araw naman," sagot ko kaya natawa si Raven sa tabi ko.

Alysha rolled her eyes. Kanina pa siya pikon na pikon sa 'min ni Raven dahil inaasar namin siya. Pero syempre mas pikon siya kay Raven.

Pagkatapos naming kumain ay bumalik na rin kami sa school. Pagkapasok namin sa room ay naroon na ang prof namin pero hindi pa siya nagsisimulang magturo dahil wala pa raw ang iba naming kaklase.

Kauupo ko palang sa upuan ko ay lumapit na kaagad sa 'kin si Summer at tinanong ang opinyon ko tungkol sa painting na ipapasa niya mamaya.

"Ang ganda!" Compliment ni Alysha. "Pusta ko ito 'yung pinaglalamayan, walang shadow oh." Tinuro niya pa 'yung babaeng walang shadow.

"Aly, ikaw ba si Eula? Hindi ko tinatanong ang opinyon mo," pambabara sa kaniya ni Summer.

"Wow ha, ang harsh mo naman magsalita! Sana mababa ang grade mo r'yan!"

"Sumpa ba 'yan?"

"Oo!"

"Anong pinagkakaguluhan niyo r'yan, girls?" Natahimik ang dalawa dahil sa sinabi ni prof. "Maupo na kayo. Malapit na 'kong magsimula."

Bumalik na si Summer sa upuan niya at si Alysha naman ay naupo na rin sa tabi ko.

"Ang kulit mo kasi," bulong ko. Inismiran niya lang ako at biglang sinipa ang upuan ni Raven na nasa unahan niya kaya nagulat ang lalaki.

"Problema mo na naman?" bulong niya habang nakatingin sa katabi ko. "Napagalitan ka lang e."

"Makalbo ka sana."

Tinakpan ko ang bibig ko at pinigilan ang pagtawa. Parang ewan si Aly, bigla-bigla na lang hihiling ng gano'n.

Hanggang matapos ang huling class namin ay nakabusangot si Alysha kaya hindi ko na napigilang tanungin siya habang naglalakad kami palabas ng campus.

"Okay ka lang ba? Wala ka yata sa mood buong araw," panimula ko. "Period mo ba today o pagod ka lang talaga?"

Imbes na sagutin niya ang tanong ko ay tumigil siya sa paglalakad kaya tumigil din ako. Hinanap ko kung saan siya nakatingin at nagulat ako nang makitang kay Raven at Summer siya nakatingin.

Mayamaya pa ay walang imik siyang tumalikod at naglakad palayo. Hinabol ko tuloy siya dahil lakad-takbo na ang ginagawa niya. "May galit ka ba sa kanila?"

"Wala!" sigaw niya at mas binilisan ang paglalakad. Pucha. Hindi ba siya napapagod?! Kasi ako, pagod na 'ko kahahabol sa kaniya!

"Ba't ka sumisigaw?"

"Gusto ko lang!"

Dahil malapit na naman kami sa gate, hindi ko na siya sinundan at pinanood ko na lang siyang sumakay sa kotse nila.

Wala raw siyang galit sa dalawa, huh. Duda ako.

Pagkalabas ko sa campus, dumeretso ako sa waiting shed at saka naupo. Dito ko na lang hihintayin si Kyvo.

Pero ang weird ha, ngayon lang ako lumabas ng school na wala pa siya.

At para hindi ako ma-bored kahihintay ay nilabas ko ang phone ko. Sakto namang nakatanggap ako ng text galing kay Alysha kaya binuksan ko 'yon.

From: aly

Sorry sa inasta ko kanina. Si Raven kasi e

Tumawa ako bago nag-reply. Si Raven na naman. Ang dami niya talagang sama ng loob sa lalaking 'yon.

In a Heartbeat (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon