NAGISING si Jay nang alas singko ng hapon. Mahaba rin ang naging tulog niya buhat nang mag-check in sa hotel. Alas onse pa lang ng umaga ay nasa Boracay na siya. Ora mismong nakumpirma ni Sally ang availability ng kuwarto niya---and that was exactly 6:05 am ay naghanda na siya sa pagpunta sa isla.
He had a light lunch at pagkuwa ay nahiga. Pinili niyang buksan ang mga bintana kaysa mag-aircon. Marahil, ang preskong hangin ang nagpaantok sa kanya at nahimbing pa siya. He made some stretching bago kumilos upang maligo.
He was naked nang lumabas ng banyo. At ilang sandali pa niyang tiningnan ang mga dalang damit bago nakapili ng isusuot. Shorts at t-shirt in all-white. Matapos matiyak na nasa bulsa niya ang wallet ay lumabas na siya.
Iniwan niya ang susi ng hotel room at tuluy-tuloy nang lumabas. Ngunit napatda siya nang tumawag sa pansin niya ang babaeng nag-iisa na nakaupo sa isa sa mga table na nasa garden restaurant.
Alam niya may kasama ito. Base na rin sa hindi pa naliligpit na pinagkainan ng mga ito. Subalit hindi iyon ang talagang tumawag ng pansin niya. Kung hindi ang mismong anyo nito.
The woman was beautiful. The sight of her had figuratively taken his breath away.
Parang may puwersang humatak kay Jay upang doon bumaling ang direksyon ng kanyang mga hakbang. Naupo siya sa isang garden set. Hindi iyon masyadong malayo sa babae subalit hindi naman siya nito napapansin sa pagmamasid niya dito.
Besides, tila wala naman sa paligid ang atensyon ng babae. Nakatingin ito sa kawalan na tila kaylalim ng iniisip.
Tumutok ang mga mata niya sa mukha nito. Hindi na masyadong mainit sa paligid. Bukod sa mga payong na nakatulos sa bawat mesa ay may mga puno pa na nasa paligid. Nagre-reflect sa mukha nito ang bahagya na lang na sinag ng araw at nagbabantang dilim. Her face was somewhat illuminated by the dim lights that suddenly switched on. Tila isang aparisyon ang babae sa dapithapon.
Hindi niya alam kung gaano siya katagal na nakamasid sa babae. Hanggang sa kumalat na ang dilim at tuluyan nang lumiwanag ang paligid sa pamamagitan ng iba't ibang bombilya.
Mayamaya pa ay tumindig na ang babae. Buhat sa garden restaurant ay mayroong entrance patungo sa hotel. Doon ito nagpunta. At papunta roon ay napadaan muna ito sa kanya.
Isang paghinga ang ginawa niya. It was difficult for him to say what it was about her that dazzled him.
The woman was alluring in the way she stood and the way she held herself. She was elegant. And sexy.
At tila tumimo sa bawat pandama niya ang bangong nalanghap niya sa sandaling pagdaan nito. The perfume hinted of herbal was sharp yet sweet. It was intoxicating. Humagod pa ang tingin niya sa kabuuan nito. She was slim and shapely. Tila kaysarap damhin ang buong katawan nito. Ang pares ng mga binting nakikita niya ay hindi maaaring ignorahin. It seemed perfectly shaped. And if happened that the woman was wearing a flimsy gown instead of that summer dress, iisipin niyang isang engkantada ang nakita niya.
Why he could have stared at her all night.
And would have, kaya lamang ay nakita niyang may isang lalaki na sumalubong dito at magkahawak-kamay na tumunog sa information counter. At nang tumalikod doon ay magkayakap pa sa bewang na humakbang ang mga ito.
Nang alisin ni Jay ang mga mata sa pares na iyon, hindi niya maipaliwanag kung bakit labis na kahungkagan ang naramdaman niya.
Tila kaybigat ng mga hakbang niya nang lisanin ang garden.
Naisip niyang mas mabuti marahil na hindi na niya nakita ang babae---maliban na nga lamang sa isang ideyang tumimo sa isip niya. His heart was craving more than just sex. And he realized now that he wanted to find love. At nawa ay matagpuan niya ang pag-ibig na iyon sa isang babaeng makapupuno sa kakulangan niya sa kanyang sarili.
And suddenly, nabuo na naman sa isip niya ang anyo ng babae. It must be foolish to romanticize that woman. Ni hindi niya ito kilala. At hindi ba't luma na ang kasabihang looks can be deceiving?
Still, seeing her gave him a renewed appreciation to feel passion and romance.
Binaybay niya ang beach path. At pinilit na matuon doon ang atensyon.
"MALAPIT na akong maniwala sa guhit ng tadhana," wika ni Ella sa kasintahan habang magkahawak-kamay silang naglalakad sa beach path. Busog na busog pa sila at wala pang balak na kumain uli. Kahit na nga ba nakakatakam ang mga putaheng nasa buffet table ng bawat restaurant na madaanan nila.
"Kailan ka pa naging interesado sa mga ganyang bagay?" pabirong tugon sa kanya ni Jaypee.
"Walang kinalaman dito ang astrology, kung iyon ang tinutukoy mo. I just feel that something tells me our troubles are only just the beginning."
It was already eight-thirty at hindi pa rin naibibigay sa kanila ang kuwartong ipinangako sa kanila. Panay na ang hingi ng paumanhin ni Miss Bennet sa kanila. May leak sa bathroom ng kuwarto at mabilis na ipinapaayos iyon. Ipinangako naman sa kanilang hindi aabutin ng alas dies at magiging areglado na iyon.
Subalit para kay Ella, panibagong problema na naman iyon sa lakad nila. Hindi na niya alam kung ano ang iisipin. It was the first time na lumakad sila ni Jaypee na kung anu-anong aberya ang nangyayari.
Umungol lang ito. "Ano ka ba naman? Ano pang trouble ang sinasabi mo diyan? Maliban sa wala pa tayong kuwarto hanggang ngayon, everything is fine."
"Fine? Maniniwala lang ako kapag hawak na natin ang susi ng kuwarto. Jaypee, ngawit na ang binti ko sa kalalakad. Hinahanap na ng katawan ko ang pahinga."
"Kaunting oras na lang ang ipaghihintay natin. Kung nakapaghintay tayo mula kanina, ano na ba naman iyong kaunting oras pa?" optimistic na sabi nito bago siya hinila sa namataan nitong bar. "Tara, dito tayo magpalipas ng oras."
"Ayokong uminom," tanggi agad niya.
"Hindi naman kita pipilitin."
"PEAK season dito sa isla ngayon. Peak season sa lahat ng bagay," makahulugang sabi kay Jay ng isang lalaki na tumabi sa kanya sa bar. "Baka gusto ninyong mag-aliw, sir? Magaganda ang contact ko. Sigurado akong magugustuhan ninyo."
Tipid siyang ngumiti dito. "Hayaan mo, kapag naisip ko, hahanapin kita," non-commital na sagot niya. Nakuha niya agad ang ibig sabihin nito.
"Okay, boss. Diyan lang ako sa tabi-tabi." At tumindig na ito.
Nagkibit lang siya ng balikat at sinaid ang cocktail drink. Tama na sa kanya ang ganoong klase ng inumin. Kapag nasa ibang lugar siya ay hindi niya ugaling lunurin sa alak ang sarili. Gusto niyang umuwi sa hotel na malinaw ang tingin at magaan ang pakiramdam kapag nagising.
Binayaran niya ang drinks at nilisan ang bar na iyon. Pabalik na sana siya sa hotel nang maisip na maaga pa. Kaya bumuwelta siya ng hakbang at pinasok ang isang bar na may live band. He felt he needed some noise. Sapagkat hanggang sa mga sandaling iyon, ginagambala siya ng imahe ng babaeng nakita niya sa garden restaurant ng hotel.
--- itutuloy ---
Maraming salamat sa pagbabasa.
Facebook Page : JasmineEsperanzaAuthor
Booklat | Dreame : Jasmine Esperanza
Instagram | Twitter | Tumblr : jasmineeauthor
My Shopee Shop : MicaMixOnlineDeals
BINABASA MO ANG
Places & Souvenirs - BORACAY 4 - Passion And Destiny
RomantikHindi niya alam kung gaano siya katagal na nakamasid sa babae. The sight of her had taken his breath away. It was difficult for him to say what it was about her that dazzled him. Why he could have stared at her all night. He was Jay. The woman was b...