Part 7

698 40 0
                                    

"I DON'T like this place, Jaypee. Sa ibang lugar na lang tayo," wika ni Ella dito. Parang mababasag na ang eardrum niya sa malakas na volume ng disco music na pumupuno sa paligid. Halos pasigaw na nga silang mag-usap ni Jaypee. Nauna na siyang tumayo.

"As you wish," pagbibigay naman nito sa kanya. "It's past nine. Kumain na muna tayo uli, then balik na tayo sa hotel. Matatapos na siguro ang repair sa banyo by that time."

"Okay."

Hinayaan niyang si Jaypee ang pumili ng kakainan nila. Isang restaurant na Indian cuisine ang specialty ang namataan nito. Doon na sila nag-order para sa late na hapunan nila.

"Alam mo, Drizella, mauuna pang tumanda ang itsura mo kaysa sa akin. Baka after ten years of our marriage, isipin ng makakakita sa atin na tita ko ang kasama ko. Look at you, mula kanina hindi ka na ngumingiti. At huwag ka nang umirap. Baka tumalbog na ang eye balls mo sa kaiirap sa akin."

Hindi nga siya umirap subalit hindi na nahadlangan ni Jaypee ang pagbuntunghininga niya.

"Nabo-bored ako," amin niya. Bukod sa iritasyon at dismaya niya mula kaninang umaga, iyon ang isa pang nararamdaman niya. Kaya nga may mga pagkakataon na parang bigla na lang siyang natutulala. Hindi na niya nagugustuhan ang nangyayari sa kanya. Jaypee was right, they were suppose to enjoy this vacation subalit unang araw pa lang nila ay parang mamamatay na siya sa inip.

"We'll eat first, okay? Tapos, mag-iisip ako ng mabisang gamot diyan sa boredom mo. It's not healthy, you know. Nabo-bored ka samantalang hindi naman kumbento itong pinuntahan natin. Hija, iniinsulto mo ang Boracay kapag ganyan. Baka lunurin ka ng mga taga-rito."

Nanulis lang ang nguso niya. Nang isilbi sa kanila ang pagkain ay tahimik nilang pinagsaluhan iyon. wala siyang ideya kung anong klaseng putahe iyon. Mukha namang masarap dahil sa attractive garnishing kaya isinubo na niya agad ang pagkain.

"Maanghang!" halos mapasigaw na sabi niya. "Tubig! Pahinging tubig," wika niya kay Jaypee.

Sa halip ay inilayo nito sa kanya nag baso. "Sumubo ka ng plain rice para mawala," utos nito. "Siyempre maanghang iyan. Ako ang nag-order kaya iyong paborito ko ang inorder ko. Masarap naman, ah?"

"Malapit na kitang mapatay!" gigil na sabi niya dito nang mabawasan ang init sa bibig niya. "Alam mo, Jaypee, parang gusto kong magsisi na ikaw pa ang naisip kong isama dito. Ano kaya kung si Jessilyn na lang? Siguro, mas matino ang naging lakad na ito."

"Hep! Baka gusto mong magkaroon ng panibagong rally sa EDSA? Hindi yata ako makakapayag na iba ang isama mo dito bukod sa akin."

"Paano naman, kung hindi tadhana ang nagbibigay sa akin ng aberya ay ikaw! Alam mo kung paano ako matutuwa sa iyo ngayon, iorder mo ako ng pagkaing makakain ko. Ang tagal na nating magkakilala---magkarelasyon pero lhanggang ngayon hindi mo alam na hindi kaya ng panlasa ko ang maanghang!" Hindi niya napapansing tumataas na ang boses niya.

"Ayan ka na naman," naiiling na lang na saway sa kanya nito. "Ina-under mo na naman ako." Tinawag nito ang waiter at ikinuha siya ng ibang pagkain.

Pabalik sa kanila ang waiter upang isilbi ang pagkain niya nang magkabisala ang hakbang nito. Tumapon ang baso ng juice sa isang diner. Dahilan para maghisterya ang diner na nabuhusan ng juice.

"Uh-huh!" Naibulalas na lang ni Ella nang masaksihan iyon.

"Uh-huh!" gagad naman sa kanya ni Jaypee. "Baka naman this time, isipin mong malas ka pa rin. Hindi naman ikaw ang nabuhusan ng juice."

"But it's my juice!"

"And so? Sigurado naman akong papalitan nila iyon."

At pansamantalang nabuhos ang atensyon nila sa diner at waiter. Tila hindi makukuha ang diner sa paumanhin. Pilit pa nitong hinahanap ang manager ng restaurant. Lumilikha na nga ito ng atensyon sa mga naroron.

Places & Souvenirs - BORACAY 4 - Passion And DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon