HINDI pa masyadong halata ang umbok ng tiyan ni Ella ngunit dama na niya ang pagbabago ng kanyang katawan. Masikip na ang kanyang mga damit. At parang namimigat na rin ang kanyang mga dibdib.
It was Sunday at naghahanda siya ng espesyal na tanghalian. Darating si Jay. At dahil ilang linggo na rin na regular na dumarating si Jay sa apartment, nasanay na siya sa presensya nito. Everything was going smooth between them kahit na hindi naman ito masyadong nagbabanggit nang malalim na paksa tungkol sa kanilang dalawa. At para kay Ella ay mas mabuti iyon. walang pressure sa pagitan nilang dalawa.
Tinikman niya ang sinampalukang manok. Parang gusto niyang manginig sa asim ng sabaw na iyon subalit alam niyang eksakto lang iyon sa panlasa ni Jay. Sa dalas ng pagsasalo nila sa pagkain, natutuhan na rin niya ang timplada nito.
Nang marinig niya ang paghinto ng isang sasakyan sa tapat ng gate nila, alam niyang si Jay na iyon. Pinatay na niya ang kalan at tinungo ang pinto.
"Hi!" maluwang ang ngiting bati sa kanya ni Jay.
"Ano iyang mga dala mo?" ganti niya dito na kunot ang noo sa pagtataka. Hindi halos magkandadala ang binata sa mga maliliit na lobo at sangkaterbang bulaklak.
"Happy Mother's Day!"
Napaawang ang kanyang mga labi.
"You're going to be a mother, Ella. I don't have to wait for another year para batiin ka," nakangiting sabi nito, "Besides, didn't I tell you I'm romantic? So here's one chance to prove that."
Inabot nito sa kanya ang mga lobo. Apat iyon na iba't iba ang kulay. Ang isa ay may nakasulat na It's A Boy! habang ang isa ay It's A Girl! Ang kulay pink ay may nakasulat na Mommy. Congratulations! naman ang nakasulat sa isa pa.
Napangiti siya. Hindi niya maikakailang napaligaya siya ni Jay sa gesture na iyon.
"Heto pa," wika ni Jay habang iniabot sa kanya ang pumpon ng mga long-stemmed roses.
"Thanks. Bakit napakarami naman yata nito," pansin niya.
"Two dozens," sabi nito. "Isang dosena sa iyo, isang dosena sa bata. Or twenty-three for you and one for the baby. I don't know about the right proportions pero para sa inyong mag-ina iyan." Hindi naaalis sa mga labi nito ang ngiti. "Nasaan nga pala si Jessilyn?"
"Nag-out of town sila ng mga ka-opisina niya." Sinamyo niya ang mga bulaklak bago iyon dinala sa kusina. Binawasan niya ang mga dahon upang mapagkasya sa vase niya.
"You're voluptuous today," wika ni Jay. Sumunod ito sa kanya at hinila ang isang silya sa dining table upang maupo.
"Voluptuous? Mga ilang linggo pa siguro, dabyana na ako. Parang mabigat na nga ang katawan ko."
"Sinabi mo na ba kay Maia?"
Umiling siya. "Tumitiyempo pa ako. Kapag kasi maraming trabaho, pressured din siya. Gusto ko maganda ang mood niya kapag sinabi ko."
"I could help you."
"No," mabilis na sabi niya dito. "Kaya ko naman. Isa pa hindi naman moralista si Ma'am Maia. I know she will understand me. Ni hindi ko nga inilalagay sa isip ko na patatalsikin niya ako sa trabaho dahil lang sa buntis ako out of wedlock."
"We could easily rectify that."
Nilingon niya ito. "I have my savings. If worse come to worst, makaka-survive naman kaming mag-ina habang naghahanap ako ng panibagong trabaho."
Tumayo si Jay at hinawakan siya sa magkabilang balikat. "You don't need to have such worries kung tatanggapin mo ang alok kong kasal."
"I won't marry you dahil lang sa magkakaanak tayo."
BINABASA MO ANG
Places & Souvenirs - BORACAY 4 - Passion And Destiny
RomanceHindi niya alam kung gaano siya katagal na nakamasid sa babae. The sight of her had taken his breath away. It was difficult for him to say what it was about her that dazzled him. Why he could have stared at her all night. He was Jay. The woman was b...