PARA siyang nakalutang sa hangin nang pumasok siya nang sumunod na araw. Halos hindi mapansin ni Ella ang mga pagbati sa kanya ng mga kaopisina. Deretso lamang siya sa mesa niya at hinarap na ang mga dapat asikasuhin doon.
Maging nang si Maia ang dumating halos hindi niya nagawang ngumiti nang mag-good morning dito.
"Wala yata sa mood ang right hand ko," pansin ni Maia sa kanya. Mabuti na lang at matamis ang ngiting nakapagkit sa mga labi nito. Buhat naman nang mag-asawa si Maia ay mas lalo nang naging masayahin ito. At least, hindi nito ikagagalit kung wala man siya sa mood magtrabaho sa araw na iyon.
Nasa loob na ito ng private office nang tumunog ang telepono. Dinampot niya iyon.
"Womanly, good morning!" Sinikap niyang lagyan ng sigla ang pagsagot niya.
"Good morning. May I have an appointment with Maia Monteclaro? This is from the PGC. Gusto kong makipag-usap sa kanya tungkol sa advertisements ng mga product namin sa magazine ninyo."
Saglit siyang natigilan. Pamilyar sa kanya ang tinig ng nasa kabilang linya. "May I know who's on the line, sir?"
"Jay Pijuan," pormal ang tinig na sagot nito.
Muntik na niyang mabitawan ang telepono. She composed herself at kinonsulta ang appointment book ni Maia. Isang tikhim ang ginawa niya bago muling nagsalita. "She has an hour to accommodate you today, sir. Three to four pm."
"Mabuti at may bakante pala siyang oras ngayon. I think I'm lucky. I'll be at your office at three sharp. By the way, whom am I speaking to?"
She gritted her teeth. "This is Ella, sir."
"Ella," ulit nito na tila ninanamnam sa mga labi ang pangalan niya. "I missed you, sweetheart," he added softly.
Daig pa niya ang nakuryente sa lamyos ng tinig nito. Nagbuka siya ng mga labi subalit walang salitang agad na lumabas doon. She paused at pagkuwa ay tila hindi humihingang tinangka niyang magsalita.
"Thank you for calling, sir. Goodbye." At mabilis na niyang ibinaba ang telepono.
KUNG SI ELLA lang ang masusunod ay magha-half day siya. Wala siyang balak na makaharap si Jay. Ni wala pa nga siyang konkretong plano para sa buhay niya ngayong nagdadalang-tao siya ay malamang na magulo na naman siya ng presensya nito. Ngunit sa dami ng trabahong nakatambak sa mesa niya, kakailanganin niya ng makatwirang dahilan para payagan siya ni Maia na umuwi nang maaga.
Kaya naman hanggang sa mag-a-alas tres na naroroon pa rin siya. She was wishing na bigla ay tumawag ang binata upang ipa-cancel ang appointment nito. Sa halip, namataan niya itong pumapasok sa kanilang opisina.
Tumawag ng pansin sa mga naroroon ang presensya nito. Hindi kalabisang sabihin na napasunod pa ng tingin dito ang mga kasamahan niya. She tried to greet him casually nang huminto ito sa tapat niya.
"Nasa loob po si Ma'am Maia. Hinihintay na niya kayo," pormal ang tinig na wika niya. Kung ibang tao iyon ay malamang na matamis pa ang ngiting ipinagkaloob niya subalit malabo yata niya iyong magagawa kay Jay.
"Thanks," narinig niyang sabi nito. He stared at her for a while bago tumalikod at tinungo ang private office ni Maia.
"Gorgeous hunk!" kinikilig na wika sa kanya ng isang officemate. Hindi ito marahil nakatiis at lumapit pa sa kanya. "Who's that?"
"Big boss ng Pijuan Group of Companies," tipid na sabi niya. Hindi niya alam kung bakit parang gusto niyang mainis na may iba pang babaeng naaakit dito.
"Wow!" the other woman exclaimed.
Napasimangot na si Ella. Naiirita sa tila wala namang importansyang paglapit nito. At lalo pang tumindi ang nararamdaman niya nang maamoy ang tila napasobrang lagay ng pabango nito.
BINABASA MO ANG
Places & Souvenirs - BORACAY 4 - Passion And Destiny
RomanceHindi niya alam kung gaano siya katagal na nakamasid sa babae. The sight of her had taken his breath away. It was difficult for him to say what it was about her that dazzled him. Why he could have stared at her all night. He was Jay. The woman was b...