Part 22 - Ending

1.3K 78 9
                                    

Boracay Island, May 2002

Magaan ang katawan ni Ella nang bumangon kahit na dama niya ang puyat ng nagdaang gabi. Wala siyang reklamo. Her body felt tender by their lovemaking and remembering the pleasures she had, she knew it was worth it.

Mag-isa na lamang siya sa kuwarto. Pinatungan niya ng roba ang manipis na pantulog. She found Jay na nagkakape sa terrace ng two-bedroom vacation villa na inookupa nila sa Lorenzo Villas.

Tahimik itong nakamasid sa banayad na galaw ng dagat. Their villa had a nice ocean view. Totoong nakakagaan ng pakiramdam ang buong paligid. Napatitig siya kay Jay. It was almost a year buhat nang makasal sila. At sa mga lumipas na araw ay wala siyang nadamang pagsisisi na pumayag siyang pakasal dito. Sa halip, tila rosas ang paligid niya sa tuwina.

Jay constantly showed her his love. They quarreled ngunit bihirang-bihira iyon. at mangyari man iyon ay hindi naman lilipas ang buong maghapon na hindi sila nagkakabati. At pagkatapos ay higit pa silang nagiging malambing sa isa't isa.

And she was now convinced. They were meant for each other. And maybe, it was passion that ruled them together.

Marahil ay naramdaman ni Jay na may nakatingin dito. Lumingon ito. Awtomatikong ngumiti ang asawa nang makita siya. Tumayo ito upang lapitan siya. The next thing she knew, nakakulong na naman siya sa bisig nito.

"Good morning, sweetie," bati nito matapos siyang pupugin ng halik.

"Malapit nang good afternoon," tudyo niya dito. "Alas onse na!"

"So what?" he said uncaringly.

Bumitaw siya ng yakap dito at tinungo ang kabilang kuwarto. Bakante iyon.

"Nasaan si EJ?" May panic agad sa tinig niya nang bumaling sa asawa.

Ikinibit lang nito ang mga balikat. "Nasa La Azotea. Doon nag-brunch si mama. Alam mo naman ang biyenan mo, makakalimutan ang lahat basta kasama ang apo."

Napatango siya. Kasama nila ang mama ni Jay sa bakasyong iyon. ito pa nga ang nagdesisyong iwan ang yaya ni EJ para masolo nito ang pag-aalaga sa apo. Her son was only seven months old subalit spoiled na spoiled na sa abuela.

"Saan ka pupunta?" habol na tanong sa kanya ni Jay nang makitang pabalik siya sa silid nila.

"Magbibihis. Kukunin ko muna si EJ. Hindi pa dumedede iyon, eh." She was sure of that. Mabigat ba ang magkabilang dibdib niya.

Nakalapit na sa kanya si Jay at niyakap siya nito sa bewang. "Nakalimutan mo na ba, may substitute formula naman si EJ."

"Pero kailangan din niya ang gatas ko," katwiran niya.

"I also need you," he murmured against her ear.

Napasinghap siya nang maramdaman ang pag-akyat ng mga kamay nito sa kanyang dibdib. His fingers played teasingly at her large sensitive peaks. Her breasts suddenly became even heavier.

"Jay..."

"Why can't I get enough of you?" he asked at inakay siya nito papasok sa kuwarto. Sinipa lang nito pasara ang pinto.

Nang hatakin siya nito sa kama ay umiwas siya subalit kulang iyon sa puwersa. "Nakakahiya sa mama mo. Baka sabihin, wala na tayong ginawa kundi magkulong dito."

Isinubsob nito ang mukha sa pagitan ng kanyang dibdib. "Ella, I don't want our son to be spoil-rotten. It's about time magkaroon na siya ng kapatid. Kailangan niya ng kahati sa atensyon ng mama."

Napaungol siya. "Your mother had a big heart. Kahit sampung apo ay hindi niya marahil iindahin. She could spoil them all."

Tumawa lang ito. "Ella, saka na natin intidihin iyan. Meantime, intindihin mo naman ako," kunwa ay nagmamakaawang wika nito.

She rolled her eyes ceilingward. "As if, kulang na kulang ka sa atensyon."

Niyakap siya nito nang mahigpit. Then she felt him grounding his arousal against her tummy. "Kulang na kulang na kulang pa nga," tudyo nito and licked the soft flesh of her ear.

She closed her eyes. Napupukaw siya ng ginagawa nito sa kanya. Napayakap siya sa bewang nito. "Last na ito for today!" she exclaimed. "Kawawa naman ang anak natin. Ikaw na lang palagi ang inaasikaso ko."

He echoed a joyful laugh bago siya tuluyang binitawan. "Sige na nga. Sundan mo muna sila doon sa La Azotea."

Kulang na lang ay mapahalakhak siya sa anyo nito. Tila masama ang loob yet when she turned her eyes to the fly of his jeans, she found his arousal visibly there. She reached him and kissed his neck.

"Nakokonsensya ka pala ng lagay na iyan?" tukso niya.

Jay groaned. He kissed her fiercely at bumitaw uli. "Let's shower together. At pagkatapos ay sundan na natin sila sa restaurant."

"Talaga, ha? Shower lang," nanunukso pa ring sabi niya dito habang magkahawak-kamay nilang tinungo ang banyo.

--- W A K A S ---

Maraming salamat po sa pagtangkilik ninyo sa mga kasaysayang nakapaloob dito sa Boracay. I hope you enjoyed reading each one of them.

Let me tell you this thing, dear readers. My heart bleeds for Jaypee. Parang hindi ko siya kayang iwan na ganoon na lang. I'll take him to Cagayan Valley to mend his broken heart. Sana sa Cagayan  trilogy, he would find true love. I hope.

At sana ay patuloy po kayong tumangkilik.

Maraming salamat sa pagbabasa.

Facebook Page : JasmineEsperanzaAuthor

Booklat | Dreame : Jasmine Esperanza

Instagram | Twitter | Tumblr : jasmineeauthor

My Shopee Shop : MicaMixOnlineDeals

🎉 Tapos mo nang basahin ang Places & Souvenirs - BORACAY 4 - Passion And Destiny 🎉
Places & Souvenirs - BORACAY 4 - Passion And DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon