Part 10

714 47 3
                                    

MALALIM ang paghingang ginawa ni Ella nang mapatapat sa silid nila ni Jaypee. Tiniyak pa niya ang numerong nakasabit sa pinto. 314. She would be doomed kung magkakataong mali na naman ang pintong papasukin niya.

Nakiramdam muna siya sa loob. Tahimik. Sinubukan niyang pihitin ang door knob ngunit naka-lock iyon. She made another deep breath bago bahagyang nangangatal ang daliri na pinindot ang door bell.

It seemed forever bago siya nakaulinig ng kaluskos sa loob at pagbuksan siya ng pinto.

"Ella." Pupungas-pungas si Jaypee nang pagbuksan siya.

"Tulog ka lang?" Gulat, pagtataka at relief ang nasa dibdib niya nang magsalita. It was obvious na walang kamalay-malay si Jaypee sa mga nangyari. And she was too confused para isipin kung dapat niyang ikatuwa iyon.

Tila nahihiyang ngumiti si Jaypee. Hinila siya nito at niyakap.

"Sorry, Ella. Naparami yata ang inom ko kagabi. Anong oras ka na ba pumasok dito? What a night, paghiga ko ay saka ko naramdaman ang pagod natin maghapon." Bumuntunghininga ito. "It's a pity. Hindi na kita naasikaso kagabi ay naunahan mo pa ako ng gising. Didn't I tell to myself na magkasama nating papanoorin ang sunrise dito sa isla?" Tila may panghihinayang sa tinig nito.

Napapikit naman siya nang mariin. His words were killing her. Inosenteng-inosente si Jaypee sa mga naganap.

"W-we're going to stay here for a few days. Bumawi na lang tayo sa susunod," sabi niya at marahang kumalas ng yakap dito. She couldn't stand his embrace habang naaalala naman niya ang mga bisig na nakayakap sa kanya buong magdamag. "I-inaantok pa ako uli kaya bumalik ako dito. Sorry kung naabala ko ang tulog mo. I forgot to bring the key kaya napilitan akong mag-doorbell." God only knows kung paanong basta na lamang lumabas sa bibig niya ang kasinungalingang iyon.

"It's all right. Anong oras na ba? Matulog ka muna at paggising mo ay saka tayo mag-aalmusal," he said kindly. "Timing lang ang paggising mo sa akin. Oversleeping na nga ako nang lagay na ito." Inayos pa nito ang kama bago tinungo ang bathroom. "Sleep now, my dear. I'll walk around. Paggising, babawi na talaga ako sa iyo nang husto. Promise, hindi kita aalaskahin buong maghapon."

Nagkunwa siyang naghihikab upang hindi na maobliga pang sagutin ang tinurang iyon ni Jaypee. Sumampa na siya sa kama. Nakita niya itong isinara ang pinto ng bathroom. Noon lamang kumawala ang hanging tila naipon sa kanyang dibdib.

Bumiling siya ng higa patalikod sa pinto ng banyo. She felt miserable. Sa isang pagkurap niya ay nalaglag na ang kanyang mga luha.

She was unfaithful. Intensyunal man ang nangyari o hindi ay kinakain ng guilt ang konsensya niya. At parang mas mabigat sa dibdib sapagkat parang hindi niya makakalimutan ang mga nangyari.

Hindi lamang dahil sa isang estranghero ang pinagbigyan niya ng sarili kung hindi may iba pang tila mas malalim na dahilan. The kisses and embrace she shared with Jaypee seemed to fail in comparison with what she had with that stranger. Hindi niya gustong pagkumparahin subalit iyon ang nararamdaman niya ngayon.

It was unfair to Jaypee, alam niya ngunit wala siyang magawa. Parang ngayon lamang nabuksan ang mga pandama niya sa ibang bagay. At dahil doon ay parang nagkakaroon ng digmaan ang puso at isip niya.

She had to be sensible. The man was still a stranger in so many ways. And a man's prowess in bed had nothing to do with love. Higit na importante ay ang uri ng pagkatao at ang mga araw at panahong pinagsamahan. Gaya na lamang ng tagal ng pagkakakilala nila ni Jaypee.

Ngunit hanggang kailan siya liligaligin ng naging karanasan niyang iyon?

She was not a virgin anymore, she thought dimly. Isa pa iyong bagay na hindi marahil magpapatahimik sa kanya at hindi niya alam kung paano ipapaliwanag kay Jaypee kapag nagtanong ito. though, Jaypee was not asking her directly tungkol doon pero alam niyang iniisip nito na basal pa rin siya sapagkat ito lang naman ang naging boyfriend niya. At marahil makakaligtas lang siya na magpaliwanag if Jaypee would not notice the difference kapag may nangyari na sa kanila---whether before or on the night of their wedding.

Lalo siyang naguluhan. Hindi kaya nagagalit na sa kanya ang tadhana dahil palagi na lamang niyang iniisip na may mangyari sa kanila ni Jaypee? But it was not a Victorian era anymore. Liberal na ang nakararami.

At kung liberal na rin ang paniniwala nila ni Jaypee, how liberal he was? Paano nito tatanggapin ang nangyari kapag sinabi niya? At ipapaalam nga ba niya rito, in the first place? What he didn't know won't hurt him. Pero makatwiran bang itago na lang niya iyon?

But why it had to happen? she asked herself.

Hindi rin niya alam ang sagot.


******

NAGMULAT siya ng mga mata at nakita niyang nakatunghay sa kanya si Jaypee. Hindi niya alam na naidlip na pala siya.

"You're upset," wika sa kanya nito.

"Of course not," tanggi niya at bumangon na. Mataas na ang araw at ngayon ay nararamdaman na rin niya ang kalam ng tiyan.

"Ella, nasa mukha mo pa ang bakas ng luha mo," seryosong sabi nito. "Sorry sa nangyari kagabi. I know there was a better way to spend the night. Kung maibabalik ko lang, I won't sleep..."

I wouldn't be sleeping with a stranger, sabi niya sa sarili. "Huwag na nating pag-usapan iyon," banayad na sabi niya. "Akala ko ba, babawi ka na lang ngayong maghapon? Simulan mo na." She smiled at him ngunit may palagay siyang matamlay ang ngiting gumuhit sa kanyang pisngi.

Hinanap niya ang mga gamit niya. Natagpuan niya iyon na maayos nang nakasalansan sa closet. Her toiletries were neatly placed in the bathroom. Katabi ng kay Jaypee. It implied some intimacy subalit sa halip na ligaya ang maramdaman niya ay lungkot ang pumuno sa kanyang dibdib.

Napasinghap siya nang mula sa likod ay yakapin siya ni Jaypee.

"Ella, puwede ba akong bumawi sa ibang paraan?" malambing na bulong nito sa mismong likod ng kanyang tenga then kissed the lobe of her ear.

Parang umakyat sa lalamunan ang puso niya. Hindi naman bago ang paraan ng paglalambing ni Jaypee sa kanya ngunit bakit sa pagkakataong iyon ay parang gusto niyang iwasan iyon?

"Jaypee..." She turned to him para sana magsalita subalit mas maagap ang mga labi nito. He claimed her lips in an instant. Sapat para sa mga sumunod na sandali ay hindi magkaroon ng puwang ang anumang salita sa pagitan nila.

She returned his kisses vehemently. Marahil, iyon na ang pinakamainit na halik na ginawa niya dito. But her heart seemed empty. Her head was spinning. Parang multo na nakikita niya sa balintataw ang anyo ng isang lalaki. Si Jay.

She stopped playing her lips with his. At sa disimuladong paraan ay kumalas siya ng yakap dito.

"Jaypee," she said testily. "Do you think we have to do it now?"

Tila naman napahiyang tumingin ito sa kanya. "I'm sorry, Ella. I don't want to be selfish. I know your upset pero nagkamali ako ng ideya para maging maganda ang mood mo. Hindi ako sanay na makitang upset ka. I know, mula kahapon, iritable ka na. Lalabas na muna ako. I'll wait at the lobby." He kissed her lightly on the cheek bago ganap na tumalikod.

"Damn!" Napaungol siya nang malakas nang ilapat nito ang pinto. She was irritated, right. Ngunit hindi dahil kay Jaypee kundi dahil sa bumabagabag sa kanya. At lalo siyang naiinis kapag gayong si Jaypee pa ang nanghihingi ng paumanhin gayong siya ang higit na may kasalanan dito.

--- itutuloy ---

Maraming salamat sa pagbabasa.

Facebook Page : JasmineEsperanzaAuthor

Booklat | Dreame : Jasmine Esperanza

Instagram | Twitter | Tumblr : jasmineeauthor

My Shopee Shop : MicaMixOnlineDeals

Places & Souvenirs - BORACAY 4 - Passion And DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon