NAGISING si Ella na namimigat ang buong ulo. Hang-over iyon, alam niya. Nang idilat niya ang mga mata ay nakita niyang bahagya pa lang tumataas ang araw. At malamig na malamig sa buong paligid sapagkat umaandar pa rin ang aircon.
Ipinikit niyang muli ang mga mata. Sa kabila ng sakit ng ulo na nararamdaman niya, she still felt pleasure in the tenderness of her body. At gusto niyang mapangiti. She had a very nice initiation, she thought. Ang alam niya, at base na rin sa mga naririnig niyang kuwentuhan, first experience was usually more of pains and anxieties. But not hers. Pakiramdam niya ay pinilas sa isang pahinga ng romance novel ang naging karanasan niya.
They made love again during the night. At sa pagkakatanda niya, pleasure never left them sa halip, tila nadoble pa nga ang nadama niya.
It was incredible, indeed.
Kumapa ang kamay niya sa katabi. Nang matantong bakante iyon ay iminulat niya uli ang mga mata.
Nasaan si Jaypee? tanong niya sa sarili.
Mabilis lang na nasagot ang tanong na iyon. Narinig niya ang lagaslas ng tubig buhat sa banyo. Doon niya itinuon ang kanyang mga mata.
At ganoon na lamang ang shock na gumapang sa buong katawan niya nang makitang isang estrangherong lalaki ang iluwa ng pinto ng banyo. His whole body was dripping with water. And he was standing in front of her in naked splendor.
May ilang sandali na tila nanigas ang buong katawan niya. Nakabuka ang kanyang mga labi subalit kataga man ay walang umalpas doon. Her knuckles almost turned white habang mahigpit iyong nakadakot sa kumot na tumatabing sa katawan niya.
"Ella..."
Unang nagsalita ang lalaki. At sa wari ay gulat na gulat din ito nang makita siya. At dahil doon, pakiramdam ni Ella ay gusto niyang magwala. Ano ang gustong palabasin ng lalaki para ito pa ang tila magulat sa sitwasyong iyon?
"You know me!" bulalas niya nang makaapuhap ng salita. "Anong ginagawa mo sa kuwarto namin? Where's Jaypee? Anong ginawa mo sa kanya?" tila rapidong sunud-sunod na tanong niya dito. "Lumabas ka dito! Labas!"
"Sandali!" Itinaas nito ang dalawang kamay na tila sumusuko.
"And my goodness! Bakit ka nakahubad?" histerya pa rin niya. Hindi naman niya magawang umibis sa kama dahil alam niyang wala siya ni katiting na saplot sa ilalim ng kumot.
"Wait a minute!" Tumaas na rin ang tinig nito. At matapos ang mabilis na pagtatagpo ng kanilang mga mata ay banayad itong nagsalita. "This is my room."
"What do you mean, your room?" Mahina na rin ang tinig niya. Ang totoo ay parang bulong na lang iyon na umalpas sa lalamunan niya. Mayroong isang ideya na unti-unting rumerehistro sa utak niya. At sa umpisa pa lang ay parang hindi na niya iyon matatanggap.
"My room, as simple as that. Now, paano ka..."
Halos malaglag ang panga niya sa kumpirmasyong iyon. Sa mabilis na pagtingin niya sa paligid ay natitiyak niyang hindi nga ito ang kuwarto niya---nila ni Jaypee. Wala kahit isang pamilyar na gamit ng sinuman sa kanila. Maliban na lamang sa summer dress na dala niya kagabing pumasok siya dito.
At parang awtomatiko na bumalik ang alaala niya buhat kagabing humakbang siya sa silid na ito. Ito ang lalaking kapiling niya sa buong magdamag. Ang pinagkalooban niya ng kanyang sarili. Isang estranghero!
"Oh, my God!" usal niya. At parang hindi pa niya gustong maniwala kaya isinatinig niya ang nasa isip. "Ikaw ang lalaking... Pinagsamantalahan mo ako!"
"No. Ikaw ang pumasok dito."
Napapikit siya nang mariin.
"I thought you were someone else," mahinang sabi nito bago tumalikod upang maghanap ng isusuot na damit.
BINABASA MO ANG
Places & Souvenirs - BORACAY 4 - Passion And Destiny
RomanceHindi niya alam kung gaano siya katagal na nakamasid sa babae. The sight of her had taken his breath away. It was difficult for him to say what it was about her that dazzled him. Why he could have stared at her all night. He was Jay. The woman was b...