May 2001
"HI! Nandiyan ba ang big boss?" bati ni Rachel sa kanya nang tumapat ito sa kanyang mesa.
"Kadarating lang. Pumasok ka na," sagot niya dito. Inihatid niya ng tanaw si Rachel at nang tuluyan itong makapasok sa private office ni Maia ay itinuon na muli niya ang atensyon sa appointment book na nasa harap niya. Ngunit hindi pa natatagalang nakatunghay siya doon ay may umabala na naman sa kanya.
"How about dinner tonight, Ella?" malambing na imbita ni Jaypee sa kanya.
Nag-angat siya ng mukha. "Sure!" mabilis niyang sagot na may kasama pang ngiti.
They had been going steady for more than a year. At bago iyon ay apat na taon na silang magkaibigan muna. Bago pa sila parehong napasok sa Womanly ay magkabarkada na sila noong college. Jaypee was one of the layout artists ng magazine. Siya naman ay sekretarya ni Maia.
Marahil dahil sa araw-araw na magkasama sila sa opisina ay na-develop na rin sila sa isa't isa. Sa biruan nila ni Jaypee, kadalasan ay ikinakatwiran nilang no choice na silang pareho. Nakatali sila sa trabaho sa opisina. Madalas ay inihahatid siya ni Jaypee sa pag-uwi. At bagama't wala pa naman silang relasyon noon maliban sa magkaibigan ay parang isa-isa nang nangawala ang nag-iinteres na manligaw sa kanya.
Jaypee was a constant sight sa tabi niya. Parang nangyari na lang na isang araw ay tinawid nila ang boundary ng friendship at pinasok nila ang relasyon nila ngayon. It had seemed a natural progression in their relationship.
Sa loob nang mahigit isang taon ay smooth naman ang samahan nila. Though there had been no fireworks na kagaya ng nababasa niya sa mga romance books, wala naman siyang reklamo sa relasyon nila ni Jaypee. Mahal nila ang isa't isa. At para sa kanya, ang mga taong pinagsamahan nila ay matibay na nilang pundasyon para sa mas malalim pa nilang magiging relasyon.
Kilala na nila ang isa't isa. Tanggap na nila ang kung anumang kapintasan mayroon ang bawat isa. At nito ngang mga huling araw ay pahapyaw-hapyaw nang nababanggit sa mga kuwentuhan nila ang tungkol sa kasal.
For Ella, tila natural na rin ang bagay na iyon sa kanila. Saan pa nga ba naman sila patutungo kung hindi sa pagpapakasal? Jaypee was twenty-seven at twenty-five naman siya. They had stable careers at makakaya na rin nila na sumuong sa pagpapamilya.
"Hindi ako mag-o-OT ngayon," untag sa kanya ni Jaypee na nasa harap pa rin ng kanyang mesa. "Magpapa-reserve ako ng table sa Café Almazan. Do you think you have prepared enough if I pick you up at seven?"
"Café Almazan?" she repeated and eyed him with wonderment. "Hindi pa naman tayo bagong suweldo, ah?"
It was a fine dining restaurant at dalawang beses pa lang silang nakakapag-dinner doon. The food was great subalit impractical na sa tuwing magde-date sila ay doon sila kakain. Abot-langit ang presyo ng pagkain kaya ang ganoong lugar ay pang-espesyal na okasyon lamang para sa kanila. Ang unang dalawang beses na pagkain nila doon ay noong birthday niya at nang mag-celebrate sila ng first year anniversary nila—na birthday naman nito. They made that an official date of being sweethearts. It was the first time that she allowed him to kiss her. Halik na hindi para sa isang magkaibigan lang.
It was her first kiss, for the record. At para sa kanya, the experience was nice though there had been no electrifying feeling kagaya ng eksaherasyon ng mga nababalitaan niya at nababasa. And besides, wala siyang pagkukumparahan kaya para sa kanya, there was no fault in their kissing.
And as of the moment, hindi na niya kayang bilangin kung gaano karami ang pagkakataon na pinagsaluhan nila ni Jaypee ang isang halik. The kisses and embraces they had shared were already countless. Sa paniniwala niya ay natural na iyon sa kanila. In fact, iniisip pa nga niya na masyado silang reserved ni Jaypee sa isa't isa kung ikukumpara sa iba nilang kakilala na higit pa sa halik at yakap ang pinagsasaluhan.
"Sobra ka naman," natatawang wika ni Jaypee na nagpabalik ng isip niya sa kasalukuyan. "Paminsan-minsan, hindi naman natin kailangang hintayin ang araw ng suweldo para makapag-dinner tayo doon. Basta, may surprise ako sa iyo mamaya. Kapag nag-request ng OT si Ma'am Maia, sabihin mo may date tayo. Ngayon ka pa lang naman tatanggi na mag-OT kung sakali."
"Be sure I'll get surprised," nakangiting sabi niya dito. "Kung hindi ikaw ang masosorpresa sa akin. Sige na, balik ka na sa puwesto mo. Nag-iingay na itong mga telepono," malambing na taboy niya sa kasintahan at inabot ang telepono. "Womanly, good morning."
"HINDI ba kayo nagbibiro. Ma'am?" shocked na wika niya nang iabot sa kanya ni Maia ang GC. "Saka baka po nakakahiya kay Rachel. Para sa inyo po ang imbitasyon nila."
"Wala kang dapat ipag-alala, Ella. Napag-usapan na namin iyan ni Rachel. Saka hindi ko na kailangan ngayon iyan. I have been there at malamang ay matagalan pa bago maulit. Though special sa amin ni Drigo ang lugar na iyon, we are considering other places to visit."
Napangiti siya. Alam niyang sa Boracay natagpuan ni Maia ang napangasawa nito. And she couldn't help thinking about romance and passion. Parang na-curious siya kung ano ang mayroon sa Boracay. Tatlo na sa Womanly ang biglaang nag-aasawa. At hindi niya alam kung nagkataon lang o baka naman na-engkanto ang mga iyon sa isla.
"So kung ako sa iyo," si Maia uli, "ang iisipin ko na lang ay kung kailan ako magpa-file ng leave at kung sino ang isasama ko. The accommodation is good for two. At naghihintay lang ang agency kung kailan kayo ibu-book." At pagkuwa ay pilya itong ngumiti. "Kung sa palagay mo ay naririto din sa opisina ang taong isasama mo, then hindi ako hahadlang kung approval ng vacation leave ang iniisip mo."
Napangiti na lang din siya. Alam naman sa buong opisina ang relasyon nila ni Jaypee. Numero uno pa nga sa pangungulit ang iba niyang kasamahan kung kailan sila magpapakasal.
"Ma'am, okay lang sa inyo na kami ni Jaypee ang gumamit nito?" naniniyak pa ring wika niya. Hawak na niya ang GC at talagang hindi niya tatanggihan iyon. At marahil ay nababasa ng boss ang nasa isip niya sapagkat nang malaman niyang para sa dalawang tao iyon ay walang iba kung hindi si Jaypee ang nasa isip niyang isama.
"Hindi ba't ganoon nga ang sinabi ko? Samantalahin ninyo na ang pagkakataon, Ella. Remember, naka-schedule kami ni Drigo na umalis on June or July para sa honeymoon namin. Baka medyo matagal din iyon. So, hanggang naririto ako, pagkakataon na ninyo para makapagbakasyon. At saka this is the best time para mag-Boracay. Kapag nag-rainy season, hindi na masyadong masaya doon."
"Ma'am, thank you! Hindi ko na ito tatanggihan."
"Good!" ayon naman ni Maia. "Bahala ka na diyan. Ilapag mo na lang sa mesa ko ang VL form ninyo at ikaw na rin ang kumontak sa airline."
--- itutuloy ---
Maraming salamat sa pagbabasa.
Facebook Page : JasmineEsperanzaAuthor
Booklat | Dreame : Jasmine Esperanza
Instagram | Twitter | Tumblr : jasmineeauthor
My Shopee Shop : MicaMixOnlineDeals
BINABASA MO ANG
Places & Souvenirs - BORACAY 4 - Passion And Destiny
RomanceHindi niya alam kung gaano siya katagal na nakamasid sa babae. The sight of her had taken his breath away. It was difficult for him to say what it was about her that dazzled him. Why he could have stared at her all night. He was Jay. The woman was b...