Random Scene

2.4K 63 3
                                    

NAGISING si Jay nang alas singko ng hapon. Mahaba rin ang naging tulog niya buhat nang mag-check in sa hotel. Alas onse pa lang ng umaga ay nasa Boracay na siya. Ora mismong nakumpirma ni Sally ang availability ng kuwarto niya---and that was exactly 6:05 am ay naghanda na siya sa pagpunta sa isla.

He had a light lunch at pagkuwa ay nahiga. Pinili niyang buksan ang mga bintana kaysa mag-aircon. Marahil, ang preskong hangin ang nagpaantok sa kanya at nahimbing pa siya. He made some stretching bago kumilos upang maligo.

He was naked nang lumabas ng banyo. At ilang sandali pa niyang tiningnan ang mga dalang damit bago nakapili ng isusuot. Shorts at t-shirt in all-white. Matapos matiyak na nasa bulsa niya ang wallet ay lumabas na siya.

Iniwan niya ang susi ng hotel room at tuluy-tuloy nang lumabas. Ngunit napatda siya nang tumawag sa pansin niya ang babaeng nag-iisa na nakaupo sa isa sa mga table na nasa garden restaurant.

Alam niya may kasama ito. Base na rin sa hindi pa naliligpit na pinagkainan ng mga ito. Subalit hindi iyon ang talagang tumawag ng pansin niya. Kung hindi ang mismong anyo nito.

The woman was beautiful. The sight of her had virtually taken his breath away.

Parang may puwersang humatak kay Jay upang doon bumaling ang direksyon ng kanyang mga hakbang. Naupo siya sa isang garden set. Hindi iyon masyadong malayo sa babae subalit hindi naman siya nito napapansin sa pagmamasid niya dito.

Besides, tila wala naman sa paligid ang atensyon ng babae. Nakatingin ito sa kawalan na tila kaylalim ng iniisip.

Tumutok ang mga mata niya sa mukha nito. Hindi na masyadong mainit sa paligid. Bukod sa mga payong na nakatulos sa bawat mesa ay may mga puno pa na nasa paligid. Nagre-reflect sa mukha nito ang bahagya na lang na sinag ng araw at nagbabantang dilim. Her face was somewhat illuminated by the dim lights that suddenly switched on. Tila isang aparisyon ang babae sa dapithapon.

Hindi niya alam kung gaano siya katagal na nakamasid sa babae. Hanggang sa kumalat na ang dilim at tuluyan nang lumiwanag ang paligid sa pamamagitan ng iba't ibang bombilya.

Mayamaya pa ay tumindig na ang babae. Buhat sa garden restaurant ay mayroong entrance patungo sa hotel. Doon ito nagpunta. At papunta roon ay napadaan muna ito sa kanya.

Isang paghinga ang ginawa niya. It was difficult for him to say what it was about her that dazzled him.

The woman was alluring the way she stood and the way she held herself. She was elegant. And sexy.

At tila tumimo sa bawat pandama niya ang bangong nalanghap niya sa sandaling pagdaan nito. The herbal perfume was sharp yet sweet. It was intoxicating. Humagod pa ang tingin niya sa kabuuan nito. She was slim and shapely. Tila kaysarap damhin ang buong katawan nito. Ang pares ng mga binting nakikita niya ay hindi maaaring ignorahin. It seemed perfectly shaped. And if happened that the woman was wearing a flimsy gown instead of that summer dress, iisipin niyang isang engkantada ang nakita niya.

Why, he could have stared at her all night.

And would have, kaya lamang ay nakita niyang may isang lalaki na sumalubong dito at magkahawak-kamay na tumunog sa information counter. At nang tumalikod doon ay magkayakap pa sa bewang na humakbang ang mga ito.

Nang alisin ni Jay ang mga mata sa pares na iyon, hindi niya maipaliwanag kung bakit labis na kahungkagan ang naramdaman niya.

Tila kaybigat ng mga hakbang niya nang lisanin ang garden.

Naisip niyang mas mabuti marahil na hindi na niya nakita ang babae---maliban na nga lamang sa isang ideyang tumimo sa isip niya. His heart was craving more than just sex. And he realized now that he wanted to find love. At nawa ay matagpuan niya ang pag-ibig na iyon sa isang babaeng makapupuno sa kakulangan niya sa kanyang sarili.

And suddenly, nabuo na naman sa isip niya ang anyo ng babae. It must be foolish to romanticize that woman. Ni hindi niya ito kilala. At hindi ba't luma na ang kasabihang looks can be deceiving?

Still, seeing her that given him a renewed appreciation to feel with passion and romance.

Binaybay niya ang beach path. At pinilit na matuon doon ang atensyon.

--- --- ---

Maraming salamat sa pagbabasa.

Facebook Page : JasmineEsperanzaAuthor

Booklat | Dreame : Jasmine Esperanza

Instagram | Twitter | Tumblr : jasmineeauthor

My Shopee Shop : MicaMixOnlineDeals

Places & Souvenirs - BORACAY 4 - Passion And DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon