"JAY!" tuwang tawag sa kanya ni Genevie nang matanawan siya agad nito habang papasok pa lamang sa Boracay Island Hotel. "I missed you," eksaheradong wika nito.
"Where were you last night?" he asked teasingly. He was glad na makita ang babae subalit milya-milya ang diprensya niyon kung ikukumpara sa kaligayahan niya sa buong araw na ito sapagkat kasama niya si Ella.
"Nagkulong ako sa kuwarto ko. Na-trace ni Mama kung nasaan ako. Sinermunan ako sa telepono. I lost my spirit kaya hindi na lang kita pinuntahan."
It was a blessing in disguise, he thought. "I'll be having a dinner with some new friends. You may join us," imbita niya ito.
"I would love to. Kaya lang ay paalis na ako ngayon. I'm going to Iloilo. Nandoon ang grandmother ko. Kailangan ko ng kakampi, eh." At tumawa ito. "Mag-iiwan lang sana ako ng message dito sa front desk. Luckily, naririto ka naman. So, what now? See you na lang when I see you?"
"Yeah. It's a small world, anyway."
"You bet!" She kissed him on his cheek bago tuluyang tumalikod.
KITANG-KITA iyon ni Ella habang patungo sila ni Jaypee sa labi. Mahirap ignorahin ang kagyat na sakit na pumuno sa dibdib niya sa nasaksihan. At gusto niyang magalit sa sarili. Kung tutuusin ay hindi naman siya dapat makaramdam ng ganoon.
Pormal na pormal ang anyo niya nang magkaharap sila.
"I saw that," nanunuksong bati ni Jaypee dito. "Bakit nagmamadali yata? Hindi ba mas magandang foursome tayo?"
"She's Genevie," wika ni Jay. "Pauwi na siya ngayon. Nagpaalam lang," maikling paliwanag nito. "Come on. Doon tayo sa Friday's."
Mula sa hotel ay nag-pedicab sila sa kahabaan ng beach path. Nilakad na lamang nila ang distansya patungo sa Friday's. Mukhang nagpareserba na si Jay ng mesa para sa kanila. Maganda ang lugar na napuwestuhan nila.
Sa obserbasyon ni Ella, tila maging sa pagkain ay magkasundo rin ang dalawang lalaki. Hinayaan na lamang niyang si Jaypee ang mag-order ng para sa kanya. Tumanggi siya nang ioorder sana siya nito ng wine.
The dinner was superb. Busog na busog siya nang matapos kumain. She ordered hot tea upang mawala ang labis na busog niya.
Nag-alok si Jay na mag-bar hopping sila. At nang hindi tumanggi si Jaypee ay hindi na siya nagtaka. She made a mental note na sitahin si Jaypee mamayang pagbalik nila sa hotel. She wished na kinokonsulta man lang sana siya nito bago ito pumayag. But then she knew he boyfriend for so many years. Alam niyang ang mga ganitong bagay ang talagang hilig nito.
Lumipat sila sa Summer Place. Mayroon doon tumutugtog na live band. Nang magsimulang tumindig ang mga party creature sa dance floor, para na ring nangati ang mga paa ni Jaypee.
"It's about time na matagtag nang husto ang kinain natin," wika nito. "Let's dance!"
Magkabilang-kamay na hinila nito silang dalawa ni Jay. Saglit siyang tumingin kay Jay. Game naman ito. Nang sandaling tumuntong ang mga paa nito sa gitna ay para nang kinuryente at nagsimulang umindak. Jay was a good dancer, she observed. Hindi magaslaw. Tama lang. Siniko siya ni Jaypee at parang noon lang niya naalalang kailangan din niyang sumayaw.
They danced to the tune for some lively minutes. Mayamaya ay siya rin ang unang nakadama ng pagod. Nag-aya na siyang maupo uli.
Umorder ng drinks si Jay. Ipinangako niya sa sariling hindi na siya titikim ng kahit na anong may alcohol kaya mango juice lang ang sa kanya. Jaypee asked for a beer bago nagpaalam upang tumungo sa comfort room.
Muli ay nakadama siya ng pagkailang nang mapagsolo sila ni Jay sa mesa. Sa isang pagsulyap niya dito ay natuklasan niyang nakatitig ito sa kanya. Mabilis siyang nag-iwas ng tingin.
BINABASA MO ANG
Places & Souvenirs - BORACAY 4 - Passion And Destiny
RomanceHindi niya alam kung gaano siya katagal na nakamasid sa babae. The sight of her had taken his breath away. It was difficult for him to say what it was about her that dazzled him. Why he could have stared at her all night. He was Jay. The woman was b...