Part 17

712 53 2
                                    

HAPON na nang maalala ni Ella na buksan ang cellphone niya. Halos mag-unahan ang mga messages sa pagpasok sa Inbox niya. At hindi pa man niya nagagawang basahin iyon ay may pumasok nang tawag sa kanya. It was Jaypee.

"Hello?" may kabang sagot niya.

"What happened?" puno ng pag-aalalang tanong nito. "Naririto na rin ako sa Manila, Ella. I tried to take the next flight para sundan ka, ang kaso ay hindi ako nakasingit. Nagpunta pa ako sa Kalibo para makasakay but I also waited for a few hours. Are you all right? Pinakaba mo ako nang husto. Kanina pa ako tawag nang tawag sa iyo pero unattended ang CP mo."

"Ngayon ko lang naalalang buksan ang CP ko," wika niya. "Nandito lang ako sa bahay. I'm... okay."

"Pupuntahan kita."

"No!" pabiglang sabi niya. She breathed upang mapakalma ang sarili. Hindi pa siya handa na makaharap si Jaypee. "I need some time alone, Jaypee. Puwede bang hayaan mo muna akong mag-isa?" pakiusap niya.

"But why?" Puno ng pagtataka ang boses nito.

"I'll... explain later. Tatawagan na lang kita kapag ready na ako."

There was a pause. "Sigurado kang okay ka lang?"

"Oo."

"I'll call you again. Don't turn your unit off."

"Oo," sabi uli niya. "Bye."

Nang maputol ang linya ay napuno ng lungkot ang dibdib niya. Hindi niya alam kung ano ang itatawag niya sa nararamdaman niya ngayon kay Jaypee. Ayaw niyang isiping naaawa siya dito subalit tiyak na rin naman niya sa sarili na kapos na sa pag-ibig ang damdaming iyon.

She wished Jessilyn was here. Kung nasa tabi niya ang kaibigan ay hindi siya marahil mahihirapan nang ganito. Tiyak na tutulungan siya nito upang malinawan ang isip niya sa pinakamabuting gawin.

Next to Jessilyn ay si Jaypee ang itinuturing niyang kaibigan. Pero masasabi ba niya kay Jaypee ang problema niya kung ito ang mismong sangkot?

Think, Ella, aniya sa sarili. You know you can do it.



"NAGBIBIRO ka ba?" gulat na gulat na tanong ni Jaypee kay Ella.

Isang malungkot na iling ang itinugon niya. Hindi na siya nagpalipas ng mahabang panahon upang pahirapan ang mismong sarili. Nang gabi ring iyon ay tinawagan niya si Jaypee upang magkita sila.

Gusto ni Jaypee na puntahan na lamang siya. But she would probably have a nervous breakdown kapag pumayag siya. It wasn't a neutral ground, para sa kanya. Bukod doon ay baka hindi niya magawang makipag-usap nang maayos kay Jaypee sapagkat malingon lamang siya sa pinto ng kuwarto niya ay pumapasok na sa utak niya si Jay at ang naganap doon. Pero kailangan nga ba nawala sa isip niya ang binata buhat nang magkaroon ng kaugnayan ang buhay nila?

Ngayon ay magkaharap sila ni Jaypee sa isang twenty-four hour restaurant. Kakaunti lang naman ang mga diners sapagkat medyo malalim na ang gabi. It was an ideal place dahil hindi niya alam kung gaano sila katagal mag-uusap.

Hindi niya halos nagalaw ang pagkain niya gayong halos walang laman ang kanyang tiyan. Pinanood lamang niya si Jaypee habang kumakain. Sa isip niya ay pinag-aaralan niya kung paano dito sasabihin ang nasa loob niya.

Honesty is the best policy, she told herself subalit isang bahagi ng utak niya ang nagdidikta na hindi niya kailangang sabihin lahat.

"What's the matter with you, Ella?"

Nag-ipon muna siya ng lakas ng loob bago sinagot iyon. Tila may nakabara sa lalamunan niya nang lumunok siya.

"I... can't marry you, Jaypee." Parang hindi siya humihinga nang bigkasin ang mga salitang iyon.

There was a long uncomfortable silence. Nang sa wari ay matimo nang husto sa utak ni Jaypee ang sinabi niya ay napuno ng pagkamangha ang anyo nito. Napailing-iling ito na tila hindi makapaniwala. At pagkatapos na makumpirma sa kanya ang narinig ay napuno na naman ng katahimikan ang kanilang pagitan.

Mula sa bag niya ay walang kibong kinuha niya ang singsing na bigay nito. She was having mixed emotions habang ibinababa iyon sa mesa. Ni wala pang dalawang linggo buhat nang ibigay iyon sa kanya ni Jaypee. At ang saya-saya pa nilang pareho noon.

Pinakikiramdaman niya ang sarili kung panghihinayang ang nasa dibdib niya sa mga sandaling iyon. Ngunit tila mas matimbang ang lungkot. At kahalo niyon ay ang pag-iisip kung mananatili pa ang friendship nila ni Jaypee pagkatapos ng pag-atras niya sa kasal nila.

"Baka pre-wedding jitters lang iyan, Ella." Mahina ngunit kabado din ang tinig ni Jaypee. Malungkot ang anyo nito na nakatutok lang sa singsing na nasa mesa. Tila hindi nito gustong hipuin man lang iyon.

"Nakapag-isip na ako, Jaypee. I won't tell you kung hindi ako sigurado."

"Maybe you need more time to think," hindi pa rin nawawalan ng pag-asang wika nito.

Umiling siya. "I'm sorry." May naglandas na luha sa pisngi niya na mabilis niyang pinahid. She swallowed painfully bago nakuhang magsalita uli. "Can we still be friends?"

He smiled ngunit nakalarawan sa buong mukha ang pait. "Gaano ba kadaling makipagkaibigan na lang sa babaeng pinangarap kong iharap sa dambana? We're best of friends, Ella. Maybe even lovers though we had our limitations. I want to ask why the sudden change of heart, my dear. Pero hindi ko gagawin. I can see it in your eyes. The love you had for me is no longer there."

Napaiyak na siya nang tuluyan. She wished wala sila sa loob ng restaurant na iyon upang hindi mag-alalang makatawag ng pansin. Gusto niyang lapitan ito at yakapin. Gusto niyang umiyak sa mga balikat nito. Bakit kailangang mangyari sa relasyon nila ni Jaypee ang ganito?

She was hurting. At para iyon kay Jaypee dahil dama niya sa mga salita nito kung gaano niya ito nasaktan. And she admired him for being unselfish. Mas ginusto pa nito na tanggapin na lamang ang lahat kaysa ipagpilitan ang bagay na makakapabor lang sa sarili nito. Kung maaari lang ay babawiin niya ang mga sinabi ngunit siya naman ang masasaktan kapag ginawa niya iyon.

"Keep that ring, Ella." May paggaralgal ang tinig nito. "Nang bilhin ko iyan, walang ibang nasa isip ko kundi ikaw."

"Pero---"

"It would be much easier for me kung hindi mo isosoli sa akin iyan."

Dinampot niya ang singsing. At nang tingnan niya si Jaypee, nakita niyang namumula ang mga mata nitong nangingislap din sa luha.

--- itutuloy ---

Maraming salamat sa pagbabasa.

Facebook Page : JasmineEsperanzaAuthor

Booklat | Dreame : Jasmine Esperanza

Instagram | Twitter | Tumblr : jasmineeauthor

My Shopee Shop : MicaMixOnlineDeals

Places & Souvenirs - BORACAY 4 - Passion And DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon