Part 16

708 45 3
                                    

LULAN si Ella ng Caticlan-Manila flight ng Cebu Pacific. Maaga pa ay nilisan na niya ang Boracay. Parang hindi niya kayang iwan doon si Jaypee habang mahimbing itong natutulog subalit desidido na siyang gawin iyon.

She wanted to save herself from explaining kaya sa halip na ayain niya ito na tapusin nang maaga ang kanilang bakasyon ay nagpasya siyang iwan na lamang ito. Nag-iwan siya ng maikling sulat kay Jaypee upang hindi naman ito mag-alala sa kanya. Saka na lamang siya magpapaliwanag kapag nagkita sila sa Maynila.

She glanced at her watch. Malamang ay ngayon pa lamang nagising si Jaypee. At hanapin man siya nito ay hindi na ito makakahabol pa sa kanya. Anumang sandali ay lilipad na ang eroplano.

Sa tingin nga niya ay iilan lang talaga silang mga pasahero. Ang katabi nga niyang upuan ay bakante. Mid-week at napag-alaman niyang ang ganoong oras ng flight pauwi sa Maynila ay karaniwan nang kakaunti ang sakay ng eroplano. Kaya naman wala rin halos siyang hirap na makakuha ng ticket.

Isinandig niya ang likod at pumikit.

Hindi niya gustong isipin na ikagagalit nang husto ni Jaypee ang ginawa niyang iyon. Pero sino ba ang matutuwa? Isang malalim na paghinga ang ginawa niya. Ilalagay muna niya sa likod ng isip kung ano ang magiging reaksyon ni Jaypee. She needed some time alone. At kung gagawin man ni Jaypee na sumunod agad sa kanya sa Maynila, siguro ay iiwas muna siyang makipag-usap dito.

Bahala na, aniya sa sarili.

Halos isang oras lang ang biyahe sa eroplano pabalik sa Maynila subalit dala marahil ng puyat nang nagdaang gabi ay napaidlip pa siya. Nang maalimpungatan siya ay malapit na silang lumapag.

Inihanda niya ang di-kalakihang traveling bag na dala niya. Iyon lang naman ang dala niya sapagkat halos hindi nga siya nakapamili ng pasalubong. Ikinabit niya uli ang seatbelt nang ihudyat ang kanilang pagbaba.

Napansin niyang tila nagmamadali ang ibang mga pasahero kaya nagpasya siyang magpahuli na lamang sa paglabas. Patungo na siya sa pintuan nang mapansin ang isa pang pasahero na sa wari ay hindi naman nagmamadali. Daig pa niya ang nakakita ng multo nang makilala ito.

Si Jay.

Tila tinakasan ng anumang ekspresyon ang kanyang mukha. Maging ang pagkagulat ay hindi na yata nakuhang lumarawan sa kanyang anyo. He smiled at her subalit nanatili siyang nakatingin lang dito. Nang lumapit ito at kunin ang bag na dala niya ay saka pa lamang siya natauhan.

"Ako na ang magdadala," kaswal na wika nito. Tila natural na rin dito na hawakan siya sa siko at igiya sa pagbaba sa eroplano.

"Ano ang ginagawa mo dito?" tanong niya nang makabawi.

"I decided na tapusin nang maaga ang bakasyon ko. I know, naguguluhan ka sa presensya ko. Pero hindi ko inisip na magdedesisyon ka na bumalik din sa Maynila. I saw you when you boarded the plane. I'm surprised, really. I could change my seat para makatabi ka pero naisip kong hayaan na lang muna kitang mag-isa. Now that you know na naririto rin ako siguro kailangan natin talagang mag-usap," mahabang sabi nito.

"Wala tayong kailangang pag-uusapan," pakli niya.

"I don't think so," pilit nito.

Nasa tapat na sila ng mga nakapilang taxi. Nang huminto sa tapat nila ang isa ay banayad siya nitong itinulak papasok sa loob.

"Ihahatid kita," may diing wika nito.

Parang wala siyang karapatang tumanggi maliban na lamang kung nanaisin niyang makalikha doon ng eksena. Ang bag niya ay hawak pa rin nito. At maging nang umusad ang taxi ay hindi pa rin iniabot sa kanya.

"Hindi ako dapat na pumayag na magpahatid sa iyo," mahinang sabi niya matapos sabihin sa driver kung saan siya dapat ihatid. "Iniwan ko si Jaypee sa Boracay dahil gustong magkaroon ng oras para sa sarili ko. Gusto kong mag-isip. Pero bakit parang sinusundan mo ako?"

Places & Souvenirs - BORACAY 4 - Passion And DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon