SASWY -- Chapter 2

8.9K 198 35
                                    

Chapter 2


"Xavier please. Wag mo akong iwan. I love you!" pagmamaka-awa ko kay Xavier.

"Sorry Elise but I don't love you anymore. Sorry." Pagkasabi niya 'non tumakbo na siya paalis. Hinabol ko naman siya pero nadapa ako.

Aray! Ang sakit naman no'ng panaginip ko pati ng pwet ko. Nahulog kasi ako sa kama na dahilan din kung bakit ako nagising. Nakakapagtaka, bakit parang ang taas ng kama ko.

Nagkusot ako ng mata at napagtanto kong wala ako sa kwarto ko kundi nasa kwarto ako ni Claire. Alam kong kwarto 'to ni Claire dahil nakitulog ako dito dati. Bakit ako nandito?

Pumunta muna ako ng CR at nagulat ako sa nakita ko sa salamin.

"Aaahhh!" sigaw ko nang makitang kamukha ko si Claire. Tumingin ako ulit sa salamin at hindi ko lang pala kamukha si Claire. Ako ba si Claire?

Naalimpungatan ako mula sa pagkakatulala nang may kumatok. Si Inday pala, kasambahay nila Claire. Tinanong niya kung ayos lang ako dahil nakarinig siya ng sigaw.

"Oo, wala 'to sige makaka-alis ka na salamat," sagot ko naman sa kanya.

"Okay po mam," sabi niya tapos lumabas na din ng kwarto ni Claire.

Nagsimula na akong mataranta. Punong-puno na ng katanungan ang utak ko. Anong gagawin ko? Paano to nangyari? Paano si Claire? Paano yung katawan ko? Sobrang nakakagulat talaga ang mga pangyayari kaya naman naisipan kong tawagan si Claire kailangan niyang malaman 'to.

Hinanap ko yung cellphone ko pero ibang cellphone ang nakita ko at cellphone 'yon ni Claire. Naisip kong tawagan ang cellphone ko baka kasi na kay Claire 'yon. Binuksan ko na ang cellphone ni Claire kaso lang may password at hindi ko alam kung ano 'yon. Hinulaan ko na lang dahil gusto ko na talagang tawagan si Claire. Walang kahirap-hirap ko namang nabuksan ito dahil nahulaan ko agad ang password, birthday ni Xavier.

Tatawag na sana ako nang biglang may kumatok.

"Sino yan?" tanong ko.

"Si Elise." Paano namang mangyayari na ang taong kumakatok ay si Elise? Samantalang nandito ako ngayon sa katawan ni Claire. Teka, baka si Claire ang kumakatok nagmadali akong pumunta sa pintuan at binuksan 'to. Pareho namang nanlaki ang mga mata namin sa nakita.

"Oh My Gosh," bungad na sabi ni Claire na nasa katawan ko.

"Ikaw ba yan Claire?" 'yon na lamang ang nasabi ko sa kanya at tumango lang siya bilang pagsagot. Sa oras na iyon mukhang alam ko na ang nangyari. Nagkapalit kami ng katawan? Paano naman nangyari 'yon? Namaligno ba kami? Iyan na lang ang natirang katanungan sa isipan ko.

"Halika nga, ako to si Elise. Hindi ako malignong sumapi sa katawan mo," sabi ko sa kanya tapos hinila ko siya papasok ng kwarto niya.

"Elise, paano nangyari 'to? Bakit? Ano ang nagyayari?" sunod-sunod niyang tanong sa 'kin.

"Teka lang naman Claire. Isa-isa lang ang tanong okay? Hindi ko rin alam. Nagulat nga ako nung magising ako dito sa kwarto mo at pagharap ko sa salamin mukha mo na 'tong nakakabit sa akin. Kaya pwede? 'Wag mo akong tanungin?" Medyo pasigaw kong sabi dahil sa sobrang pagkataranta sa mga nangyayari sa 'min.

"E, paano na tayo niyan Elise? Mabubuhay ba tayo ng ganito?" tanong niya ulit.

"Oo naman! Humihinga naman tayo no! Tsaka hindi naman natin kailangan magtago kasi hindi naman nila alam na nagkapalit tayo. Mukhang no choice na tayo." Totoo naman ang sinabi ko. Mabubuhay naman talaga kami, hindi nga lang normal. May naisip na rin akong panandaliang solusyon sa problema namin.

Switched & Stuck With Him [PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon