SASWY -- Chapter 16

3.2K 100 33
                                    

Chapter 16


(Claire's Point of View)


"Nakatingin ka na naman sa ex mo." Ang ganda ng pambungad ni Nath sa araw ko e 'no? Ano bang masama? Kung alam mo lang Nath.

"Ouch, I was snob. Sorry na." Kinalabit niya ako para pansinin ko siya, may pagka-makulit din pala 'tong si Nath?

"Kasi naman wala kang pakialam kung nakatingin ako sa ex ko."

"Okay fine, sorry na nga e. Ang akin lang bakit ka kasi palaging nakatingin sa kanila e 'di ba may boyfriend ka na? Tsaka katabi mo lang naman ako." OMG! Tama ba ako ng rinig? I knew it! May gusto talaga 'tong si Nath kay Elise.

"Ano 'yung binulong mo?" pagmamaang-maangan ko. Hahaha! Mukha naman siyang nagulat dahil narinig kong may binubulong siya kanina hahaha.

"Meron ba? Nako Elise! Gawa ka ng gawa ng kwento d'yan a! I-wattpad mo na 'yan! Tsk. Dyan ka na nga, titingan mo 'yang best friend mo at ex mo hanggang sa matunaw." Umalis na siya at pumunta sa iba niyang tropa. Natawa na lang akong mag-isa dito, nagdeny pa, narinig ko na nga!

Tinigilan ko na ang pagtitig sa ex ko 'kuno' dahil may nakakahalata na pala. Alam ng lahat ng may boyfriend na ako at alam kong mahal ni Elise si Jed. Kailangan kong magbehave. Baka magka-issue pa.

"Elise!" tawag ni Jane kay Eli- sa 'kin.

"Anong sinisigaw sigaw mo diyan Jane? At bakit may dala kang rose? Bigay ng boyfriend mo at hindi mo na maiwan sa bahay niyo gano'n?"

"Hoy! OA ka naman! Pinabibigay 'to sayo ni Jed. Naabutan niya kasi ako sa labas paki-bigay daw sa 'yo. Sorry daw kasi hindi ka niya nahatid sa school dahil nalate daw siya ng gising," pagpapaliwanag niya.

"A. Okay." Tatlong linggo na pala simula no'ng sinagot ni Elise si Jed at dahil sa nasa lahi na nila ang pagiging sweet, araw-araw akong este si Elise na hatid sundo sa bahay. Isang araw lang siya pumalya at may kapalit na agad. Mukhang nagbago na nga ang loko.

"Anong okay? E kung kinukuha mo kaya 'to?" 'Di na ako saumagot at kinuha na lang 'yung rose.

*****

"Tara na Ellie! Nagugutom na 'ko." Kakabreak lang at hinihila ko na palabas ng room si Ellie, nagugutom na kasi talaga ako.

"Teka lang naman Elise, nag-aayos pa ako ng gamit o! Andyan naman si Nath, mauna na kaya kayo?" Hindi ko pinansin si Ellie at lumapit ako kay Nath.

"Anong ulam ko ngayon?" tanong ko sa kanya. Araw-araw niya akong binabaunan three weeks na rin. Hindi ko alam kung ano ang trip niya pero palagi naman akong busog dahil masarap 'yung mga binabaon niya para sa akin, I mean sa amin ni Ellie.

Kung ako talaga si Elise iisipin ko na ang bait ni Nath pero dahil ako nga si Claire malamang alam ko ang hidden agenda ng Nath na 'to, Dinadamay pa si Ellie para hindi halata.

"Ampalaya." Seryoso? Bibili na lang ako sa canteen ng pagkain kung gano'n. Ayoko talaga ng ampalaya.

"Biro lang, menudo 'yung niluto ng lola ko ngayon." Kung ako talaga si Elise maniniwala akong lola nga niya ang nagmagandang loob na pabaunan kami at lola niya pa ang nagluluto. Pero alam ko namang si Nath ang nagluluto dahil minsan pumapasok siya ng amoy ulam.

"Wow! Talaga? Favorite ko 'yan! Mas lalo tuloy akong nagutom."

Nung natapos na mag-ayos ng gamit si ellie lumabas na kami ng room at dumeretso na ng canteen. May table na naman kami 'yung table nila Xavier. Anim kaming palaging sabay kumain.

*****

(Elise's Point of View)

"Anak! Si jane nasa baba, may lakad daw kayo? Saan kayo pupunta?" tanong ni tita pagpasok niya ng kwarto ko.

"Diyan lang po kami sa tabi-tabi ma, magbobonding. Sige po alis na 'ko" Iniwan ko na si tita sa kwarto. Bumaba na ako at nakita sila Elise at Jane. Wala na kaming sinayang na oras, pumunta na kami agad sa address na nakuha ni Jane sa iba niyang kaibigan. Sana matulungan na kami, kung sino man si Nenita Perez.

Nasa harap na kami ng bahay ni Aling Nenita kaso mukhang walang tao dahil kanina pa kami katok ng katok.

"May balak ba kayong sirain ang pinto ng bahay ko? Sino ba kayo at anong kailangan niyo sa akin? Hindi kayo taga-rito tama ba ako?" tuloy tuloy na sabi nung babaeng sa tingin ko ay nasa 50+ na ang edad.

"Kayo po ba si Nenita Perez?" tanong ni Claire.

"Oo ako nga. Hindi niyo pa sinasagot yung tanong ko. Ano ang kailangan niyo?" pagsusungit niya.

"Nabalitaan po kasi namin na may alam po kayo tungkol sa nagkakapalit na kaluluwa. Hihingi po sana kami ng tulong sa inyo." sabi ni Claire.

"Pumasok muna tayo."

"Sino ang nagkapalit ng kaluluwa?" tanong niya sa amin nang maka-upo kami sa silya.

"Kami po." Sabay naming sabi ni Claire.

"Kailan pa?"

"Nung june pa po," sagot ko.

"Matagal na rin pala. Akin na ang mga palad niyo." Hindi kami nagdalawang isip ni Claire, inilahad namin 'yung palad namin. Hinawakan niya 'yung palad namin tapos maya-maya ay binitawan na niya.

"Hindi ko kayo matutulungan."

"Pero alam ko kung sino ang makakapagpabalik sa inyo."

"Sino po?" sabay sabay naming tanong.

"Hindi ko kilala." Parang nalaglag kami sa mga upuan namin pagkasabi niya no'n. Ang gulo ni Aling Nenita, in fairnes.

"Nasumpa kayo, at kung sino ang sumumpa sa inyo siya lang ang makakapag-pabalik sa inyo sa dati."

"Pero hindi po namin alam kung sino ang sumumpa sa amin," sabi ko.

"Pwes kailangan niyong alamin. Hanggang dito lang ang maitutulong makakaalis na kayo." Umalis na kami sa bahay. Hindi man nasolusyonan 'to kaagad at least may progress na kahit papano. Sino kaya ang sumumpa sa amin?

*****

6: 13 na ng gabi at nandito na kami sa campsite. Ngayon din ang monthsary namin ni Jed. Sabi niya, pupunta daw siya ngayong gabi dito kaya hinihintay ko siya. Wala pa naman kaming activity. Bukas pa magsisimula ang activity namin, ngayon ay kailangan daw muna naming magpahinga.

Naglakad lakad lang ako mag-isa at sa 'di kalayuan nakita ko na ang mahal ko. May kausap siya phone kaya nakatayo lang siya.

Dahan dahan akong lumapit sa likod niya gusto ko kasi siyang gulatin.

"Nandito ako sa campsite nila Elise ngayon dahil first monthsary na namin." Sino kaya 'yung kausap niya? Bakit kailangan pa niyang sabihin na monthsary namin? Kinilig tuloy ako.

"Oo kaya nga ako nandito para 'don, hindi ko na 'to pwedeng ipagpabukas syempre." Ang alin naman? 'Yon ba 'yung surpresa niya sa 'kin?

"Oo, mamaya tatapusin ko na 'tong kalokohang 'to."

%+1


Switched & Stuck With Him [PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon