SASWY -- Chapter 12

3.3K 95 24
                                    

Chapter 12


(Claire's Point of View)

Alas-sais na ng gabi ngayong Linggo, ang bilis ng panahon pero ganito pa din kami ni Elise, papalit-palit ng kaluluwa. Naghanap kami kahapon ni Elise ng mga makakatulong sa kalagayan namin kaso wala pa rin kaming nakita.

Nang marinig ko ang doorbell namin ay agad akong tumakbo papunta sa pintuan para buksan ito. Alam ko kasing si Xavier na 'yon, nag-aya kasi akong magmovie marathon.

"Hello my loves," bungad niya sa 'kin.

"Hi, tara na. Niready ko na 'yung DVDs na panunuorin natin."

"Okay pero babati muna ako kay tita. Nasaan ba siya?"

"Wala pa si mama, na sa work pa. 'Wag kang mag-alala nasabi ko naman sa kanya na pupunta ka dito ng ganitong oras at dito ka magdidinner," sabi ko.

"Gano'n ba? O sige, tara na. Ano bang panunuorin natin?"

"Ano bang gusto mo? Romance? Comedy? Action? o Horror?"

"Comedy na lang muna, tapos romance, tapos action then huli 'yung horror." Plinay ko agad 'yung DVD pagkapasok na pagkapasok namin ng kwarto ko at dumapa na kami sa kama.

"Claire sa tingin mo ba seryoso si Jed?" sabi ni Xavier out of nowhere.

"Ewan ko."

"Nag-aalala talaga ako para kay Elise. Kilala naman natin pareho si Jed 'di ba? Chickboy 'yon e, baka lokohin lang niya si Elise." Hindi ko alam kung bakit pero bigla akong nainis. 'Di ba dapat nag-eenjoy kami ngayon at hindi prinoproblema ang ex niya.

"'Di ba pinagsabihan mo na naman siya? Tsaka napayuhan mo na din si Elise na mag-ingat. Bakit ba ang affected mo masyado? Ayaw mo bang makahanap na siya ng bago niyang mamahalin? Ang damot mo Xavier!"

"Hindi naman sa gano'n, ayoko lang na masaktan siya ulit. Claire, aminin man natin o hindi, alam natin pareho na nasaktan natin si Elise. Gusto ko lang naman na wala nang susunod do'n. Kahit papaano naman minahal ko 'yung tao at Claire, best friend mo pa rin si Elise, hindi ka ba nag-aalala?"

"Nag-aalala din naman ako Xavier. Ang akin lang, hanggat nakikita ko naman siyang masaya okay ako do'n. Ayoko namang ipagdamot 'yung kasiyahan niya. Parte ng buhay ang sakit Xavier, at hindi na 'yon maiiwasan."

"Okay fine."

"Inaantok na ako, boring pala 'yung napili kong palabas. Sige uwi ka na."

"Sige bye," paalam niya tapos umalis na siya. Nakakasama ng loob, hindi man lang nag-sorry. Nakaka-inis! Nandito siya para magbonding kami hindi para alalahanin yung ex niya.

Niligpit ko na lang 'yung mga kalat sa kwarto at nahiga na sa kama ko para matulog. Nakaka-inis talaga! Akala ko magiging special 'tong araw na 'to, hindi pala.

(Elise's Point of View)

Dahil sunday at kakabalik ko pa lang sa katawan ko, hindi pa tuloy ako nakakapagsimba. Ayaw naman akong samahan ng mga tao dito dahil hapon na daw at nakakatamad na kaya namana ako na lang ang mag-isang magsisimba.

Lumabas na ako ng bahay at nakita ko naman si Nath, bakit naman siya nandito?

"Anong ginagawa mo dito?"

"Kasi no'ng friday hindi mo ako pinapansin, hindi tuloy ako nakapagsorry sa 'yo. Kaya naisip kong puntahan ka na lang dito. Pumunta ako kahapon pero wala ka naman dahil kasama mo daw na nag-gala si Claire." Hindi ko muna siya sinagot at nag-isip muna ako kung ano ba ang naging kasalanan niya sa 'kin. Aha! Nagsagutan nga pala kami no'ng isang gabi. Si Claire talaga, bakit naman hindi niya pinansin? Loko talaga 'yon, masakyan nga. Mamaya ko na lang tatanggapin yung sorry niya.

Hindi ko siya pinansin at naglakad na papunta sa simbahan. Malapit lang naman 'yon kasi nandito lang 'yon sa loob ng village namin.

"Elise! Hindi mo na naman ba ako papansinin?" Hindi ko pa rin siya pinansin pero sumusunod siya sa 'kin. Okay din pala 'to, may kasama akong magsimba. Napangiti na lang ako sa mga naiisip kong kalokohan.

Nasa loob na kami ng simbahan, kakasimula pa lang ng misa. Naghanap ako ng mauupuan at tumabi naman sa 'kin si Nath.

Nagsesermon na si Father kaso hindi ko maintindihan. Ang kulit kasi ng katabi ko, kalabit nang kalabit pero hindi ko pa rin siya pinansin.

Natapos nang magsermon si Father at ama namin na. Pinuwesto ko na ang mga kamay ko, dahil hindi ko naman kilala 'yung isa kong katabi di ko siya hinawakan, 'yung isa naman ay hindi ko bati.

Nagulat ako nang biglang may malambot na kamay ang humawak sa kaliwang kamay ko. Sa hindi ko malamang dahilan ay natutuwa ako pero pinigilan ko ang pagngiti at hindi pa rin siya pinansin. Natapos na ang pagkanta at sinabi na ni Father ang key words na "magbigay kayo ng kapayapaan sa isa't isa" kaya napuno ng "peace be with you" ang simbahan.

"Peace be with you," sabi ko sa tao sa harap ko, sa likod ko, pati sa tao sa kanan ko pero ang tao sa kaliwa ko ay dinedma ko lang. Pero sadyang mautak si Nath, hinalikan niya ako sa pisngi kaya naman napalingon ako sa kaniya, nakita ko naman siyang naka-peace sign. Tatalakan ko pa sana siya pero nagsalita na siya kaya hindi ko na sinabayan.

"Thank you po Lord dahil pinansin na ako ni Elise," sabi niya habang nakatingin sa sculpture ng Panginoon. Unti-unti naman niyang binaba ang tingin niya at napunta sa 'kin "Elise, I'm sorry. Alam ko na mali ako, hindi na ako ulit mangingialam. Susuportahan na lang kita sa kahit anong desisyon mo, bilang kaibigan mo."

"Oo na oo na. Hindi ko naman din matitiis 'yung masungit kong kaibigan e," sabi ko na dahilan ng pag-ngiti niya.

"Wow, ang sweet niyo naman." Napalingon ako sa nagsalita.

"Ellie? Nandito ka din?" Tumango lang siya tapos nag-excuse at umalis na. Ano naman kaya ang nangyari do'n? Bakit parang ang sungit? Weird.

pq&+1>O


Switched & Stuck With Him [PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon