SASWY -- Chapter 25

2.7K 76 12
                                    

Chapter 25


"Anong sinabi niyo?" Seryoso ba sila do'n? Baka naman nabingi lang ako. Si Xavier? Parang imposible naman dahil kakabreak lang nila ni Claire at lalo namang imposibleng si Nath ay may gusto, este mahal ako, parang malabo naman 'ata 'yon.

"Elise mahal kita, hindi naman nawala 'yon e, niloko lang naman tayo ni Claire e." Napataas ako ng isang kilay sa sinabi ni Xavier. Talaga lang ha? Siya pa nga ang nagsabing mas mahal niya si Claire. Hindi ko siya pinansin at tumingin kay Nath.

"A, e, mahal kita kasi 'di ba magkaibigan tayo? 'Yon lang, best friend mo ako 'di ba?" Sabi na e, hindi seryoso si Nath, nadala lang siguro siya.

"Nath, ano kasi masakit talaga 'yung paa ko, pwede bang ikaw na lang ang sumama sa akin hanggang sa bahay? Xavier umuwi ka na." Para hindi na sila mag-away ako na lang ang pumili. Si Nath ang pinili ko dahil naiilang ako kay Xavier, at least kay Nath mas komportable ako.

"Okay. Pare alagaan mo si Elise." Ang bigat sa loob ko na umalis si Xavier parang gusto ko siyang bumalik. Teka, bakit naman? Umiling na lang ako at humarap kay Nath na naka-squat.

"Alam kong hindi okay 'yang paa mo kaya sakay na sa likod ko, kapag pumalag ka bubuhatin kita ng patiwarik." Walang angal-angal agad akong sumampa sa likod ni Nath, ayoko ko ngang mabuhat patiwarik. Isa pa, masakit naman talaga 'yung paa ko.

Nagsimula na siyang maglakad habang ako naman ay nakayakap sa leeg niya. Ang bilis na naman ng tibok ng puso ko. Bakit ba 'to ganito kapag kasama ko si Nath? At pati na rin 'pag kasama ko si Xavier.

"Bakit ako 'yung pinili mo kaysa kay Xavier?" tanong sa 'kin ni Nath habang tinatahak namin ang daan pauwi.

"Naiilang kasi ako sa kanya at mas komportable ako sa 'yo."

"Talaga?" Ako lang ba nag-iisip nito? O talagang masaya siya sa narinig niyang sagot.

"Oo, kasi best friend kita 'di ba?"

"A." Tahimik na naman kaming naglakad este siyang naglakad kaya nag-isip ako ng pwedeng pag-usapan. Ang awkward kasi ng tahimik.

"Mabigat ba ako? Sabihin mo lang ha? Kakayanin ko na lang maglakad." Ano bang topic 'to? 'Pag umo-o 'to pahiya na ako, tae.

"Oo mabigat." Shit. Kainin na sana ako ng lupa! "'Yung bag mo. Ikaw ang gaan mo lang, kumakain ka ba ng tama? Mukhang hindi ka naman payat pero ang gaan mo naman." Talaga? Magaan lang ako?

"Oo naman kumakain ako ng tama. Minsan nga lang wala talaga akong gana." Sino ba naman ang gaganahan sa mga nangyari?

"Dahil ba 'yan sa mga nangyari?"

"Medyo." Alam ng nila Nath 'yung mga nangyari, si Claire mismo ang nagsabi. Nagalit sila sa kanya isang araw lang naman 'yon, kinabukasan okay na sila pero mapapansin mo na iba na 'yung atmosphere.

"Hay nako Elise, 'wag mo na lang muna isipin 'yung mga nangyari, para naman makakain ka ng tama. Okay?"

"Opo."

"Elise."

"Bakit?"

"Anong naramdaman mo nuo'ng umamin si Xavier sa 'yo kanina?" Ano nga ba? Nagulat ako at medyo nainis sa pag-amin niya pero sa kabila no'n nakaramdam ako ng tuwa. Hindi ko nga lang alam kung bakit.

"Nagulat tsaka-" Hindi niya ako pinatapos.

"tsaka natuwa?" Paano niya nalaman?

"Oo, medyo. Hindi ko nga alam kung bakit e." Hindi siya sumagot. Natahimik na naman siya ulit. Bakit kaya? May nasabi ba akong mali?

"Mahal mo pa 'ata siya, kaya gano'n ang naramdaman mo." Natahimik ako sa sinabi ni Nath. Mahal ko pa si Xavier? Hindi pwede, hindi ko naman nararamdaman na mahal ko pa siya.

"Ano bang sinasabi mo dyan Nath? Hindi ko na siya mahal."

"Elise, kung hindi nga bakit malaki ang epekto sa 'yo ng mga ginawa ni Claire? Kung hindi mo na nga talaga mahal si Xavier bakit kailangan masira pa 'yung pagkakaibigan niyo ni Claire. Hindi ba pwedeng palagpasin mo na lang 'yon kasi hindi mo na nga mahal si Xavier 'di ba? At isa pa, hindi ka makakaramdam ng tuwa sa sinabi niya kanina kung hindi mo siya mahal."

Hindi na lang ako sumagot kasi sa totoo lang napaisip ako sa lahat ng sinabi niya. Hindi ko rin alam kung mahal ko pa ba si Xavier o hindi na, pero matagal na naman akong nakamove on do'n, minahal ko na nga 'yung gago niyang pinsan e.

"Nandito na tayo."Napadilat ako nang magsalita si Nath. Naka-idlip pala ako sa balikat niya, nakakahiya!

"Sige pwede mo na akong ibaba."

"Hindi na. Ipapasok na kita sa loob." Nagdoorbell na siya at lumabas naman kaagad si papa. Bakit si papa pa? Baka kung anong isipin niya.

"Tito nadapa po kasi si Elise no'ng pauwi na kami galing sa paggawa ng research paper, kaya po hinatid ko na siya, okay lang po ba na ihatid ko na siya sa kwarto niya? Nahihirapan pa po kasi siya maglakad." Tumango lang si papa, habang ako ay speechless dahil hindi nagalit si papa at kinikilig? Hindi pala, joke lang. Bakit naman ako kikiligin?

Binaba niya ako sa kama ko tapos lumabas na, wala man lang "goodbye"? Hindi nagtagal, bumalik siya. Ano pang kailangan niya? Teka,dinampian ito ng yelo.

"Sa susunod mag-ingat ka. Tingnan mo, may ibang sugat ka pa." Kumuha siya ng betadine at ginamot 'yung mga gasgas ko pagkatapos ay nilagyan ng band-aid.

"Masakit pa ba 'yung paa mo?" Hindi pa ako nakakasagot ng "hindi na" ay bigla na naman niya itong kinuha at hinilot. Tiningnan ko siya na may halong pagtataka, bakit niya 'to ginagawa?

"Okay na 'yan, binendahan ko na muna, bukas pwede mo nang tanggalin 'yung benda." Tinapos niya 'yung paglalagay ng benda sa paa ko tapos tumingin siya sa akin. Magkatinginan na naman kami at malakas na naman ang tibok ng puso ko.

"Thank you." sabi ko at nginitian siya.

"Sige alis na ako."

"Teka lang, Nath." Napatigil siya at humarap sa akin.

"Bakit?"

"Bakit mo 'yon ginawa?" Bakit ko ba 'to tinanong? Alam ko naman na dahil kaibigan niya ako.

"Elise, nagsinungaling ako kanina. Mahal kita. Hindi lang bilang kaibigan. Natakot lang akong aminin kanina kasi ano bang laban ko kay Xavier? Ex mo yun e, at halata namang mahal mo pa, pero hindi ko na kayang itago e. Matagal na kitang mahal Elise. Hindi ko lang maamin."

"Ha? E, ano Nath kasi..." Hindi ko alam kung anong sasabihin ko, baka kasi masaktan ko siya. Bahala na nga! "Kasi alam mo namang ayaw ko pang magmahal pa 'di ba? Sorry hindi ko masusuklian 'yang pagmamahal mo."

"Yeah I know." Ngumiti lang siya at lumabas na ng kwarto ko.

OMG. Paano ko nasabi 'yon kay Nath? Nakasakit ako ng tao, ang sikip sa dibdib ng sinabi ko sa kanya. Kanina si Xavier tapos si Nath naman. Natuwa ako sa pag-amin ni Xavier at natuwa rin ako sa pag-amin ni Nath. Ang gulo! Pareho ko ba silang gusto?

i


Switched & Stuck With Him [PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon