SASWY -- Chapter 23

2.6K 73 15
                                    

Chapter 23


Nagpaparty party ngayon ang mga tao habang ako naman ay nakaupo lang kasama si Jane, Ellie at Nath. Wala si Claire at Xavier, bakit kaya?

"Elise ayaw mo talagang sumayaw? Sayang naman 'yung pinaghirapan niyo kung hindi mo naman maeenjoy," sigaw ni Jane sa akin dahil ang lakas ng tugtog.

"Tinatamad ako at pagod na ako okay? Kumanta na nga ako kanina e. Okay na 'yon."

"Bahala ka nga diyan, tara Ellie samahan mo ako sumayaw do'n sa gitna. Ikaw Sean? Hindi ka din sasayaw?" Umiling lang si Nath at umalis na 'yung dalawa. Kami na lang ni nath ang naiwan.

"Bakit ayaw mong sumayaw?" Napalingon ako kay Nath nang magtanong siya.

"Hindi ko talaga trip sumayaw. Ngayon nga lang ako umattend ng victory party dahil ako na din ang nag-organize sayang naman kung 'di lang din ako aattend," sagot ko sa kanya.

"Pareho pala tayo." Biglang nagring 'yung cellphone ko kaya iniwan ko muna do'n si Nath at lumabas para sagutin ang phone ko.

"Hello Claire?"

"Elise," sabi niya na para bang umiiyak.

"Teka umiiyak ka ba Claire? Nasaan ka? Ano 'yung emergency na sinabi mo kay Sir?" sunud-sunod kong tanong kay Claire.

"Nandito ako sa likod ng building ng school." Pinatay ko agad 'yung phone ko at pumunta sa likod ng building ng school. Nakita ko si Claire, naka-upo sa lapag at umiiyak.

"Claire! Anong nangyari?" Niyakap ko agad siya pagkalapit ko sa kanya.

"Elise. May itatanong ako sa 'yo, mahal mo pa ba si Xavier?" Nagulat ako sa tanong niya. Bakit naman gano'n ang tanong ni Claire sa akin?

"Hindi na," plain kong sagot. "Bakit ba ganyan ang tanong mo sa akin? May nangyari ba sa inyo ni Xavier?" Iyak pa rin siya nang iyak.

"Break na kami, kani-kanina lang."

"Ha?! Bakit naman?" Hindi ako makapaniwala, parang kahapon lang sweet pa sila.

"Elise, may aaminin ako sa 'yo pero please wag kang magagalit sa akin please." Ano naman kaya 'yon?

"Hindi ko masasabi 'yan Claire. Pero i-trtry kong intindihin ka."

"Naaalala mo pa ba no'ng nagbreak kayo ni Xavier?" Biglang bumalik sa 'kin lahat ng alaala dahil sa tanong ni Claire, pati sakit bumalik. Matagal ko nang kinalimutan 'yon pero bakit kailangan pang ipaalala ni Claire?

Excited ako noon dahil pinayagan ako ni papa na gumala. Hindi niya alam na makikipagkta ako sa boyfriend ko at hindi sa barkada ko.

Hindi kami legal ni Xavier, kasi strict si papa kaya hindi ko alam kung paano ko aamin na may boyfriend na ako, kaya minabuti ko na lang muna na itago. Ilang beses na din akong bumwelo pero inuunahan pa rin ako matinding kaba.

Hirap na hirap ako noon sa pagtatago, minsan nga ay nagdududa na sila papa. Kaya naman minsan wala talaga akong time para kay Xavier. Si Claire lang ang nakaka-alam no'n siya lang ang nalalapitan ko kapag nahihirapan na ako sa sitwasyon namin ni Xavier, pero kahit mahirap hindi ako sumuko. Palagi kong sinasabi sa sarili ko na "kaya mo 'yan Elise, dadating din ang panahon na magkakaroon ka ng lakas ng loob para umamin at matatapos na ang lahat ng paghihirap mo."

Switched & Stuck With Him [PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon