SASWY -- Chapter 17

3.1K 99 17
                                    

Chapter 17


Napatigil ako bigla sa sinabi ni Jed. Anong kalokohan ang sinasabi niya? Maraming pumasok na kaisipan sa utak ko pero ayokong mag-assume dahil alam kong masasaktan lang ako.

Kanina pa ako 'di mapakali sa mga narining ko. Kaya naman minabuti ko nang lapitan si Jed para malaman ko na ang tanong na hindi na maalis sa isipan ko. Kung ano ba ang kalokohang sinasabi niya.

Habang lumalapit ako ulit sa kanya nakita kong pinatay na niya ang phone niya. Mukhang ito na 'yung magandang tyempo para kausapin siya kaya hindi ko na ito pinalagpas. Maglalakad na sana siya pero napahinto siya sa pagtawag ko.

"Sweetheart! Happy monthsary!" Ngumiti siya na halatang peke. Alam ko ang totoo sa hindi lalo na sa ngiti ng isang taong mahal ko. "Kanina ka pa ba d'yan?" dugtong niya.

"Medyo kanina pa ako nandito. Hinintay lang kitang matapos sa pakikipag-usap sa phone mo. Ayoko naman kasing maka-istorbo," sabi ko na parang mas lalo niyang ikinagulat.

"Narinig mo ba 'yung mga pinag-usapan namin?" pautal-utal niyang tanong.

Dahil sa mga kinikilos ni Jed mas lalo akong kinabahan. Sana hindi tama yung mga naiisip ko kanina pa.

"Oo, medyo. Teka hindi ko ba pwedeng marinig yun? Pasensya na hindi ko alam na private pala 'yung pinag-uusapan niyo." Pinilit kong maging mahinhin, kahit sa loob loob ko gusto ko nang magwala dahil gulong gulo na ang utak ko.

"'Wag mo na lang intindihin. Tara maglakad-lakad tayo," sabi niya tapos lumapit siya sa 'kin para akbayan ako. Hindi ko alam kung matutuwa ako sa ginawa niya o hindi dahil hanggang ngayon sobrang kinakabahan pa rin ako.

Naglakad-lakad kami pero malayo layo kami sa headquarters. Hindi kasi kami pwedeng makita ng mga teachers na nandito si Jed dahil siguradong pagagalitan ako dahil bawal ang bisita, in case of emergency lang pwede.

"Jed," tawag ko sa kanya dahilan para huminto kami sa paglalakad at mapatingin siya sa akin. Kinakabahan ako pero ayoko nang mag-isip ng kung anu-ano. Baka hindi ko lang ma-enjoy ang presensya niya ngayon.

"Ano 'yon?" tanong niya na mas lalong nagpabilis ng tibok ng puso ko. Itatanong ko ba talaga sa kanya?

"Pasensya sa itatanong ko. Hindi lang kasi talaga mawala sa isip ko yung sinabi mo sa kausap mo kanina. Ano 'yung kalokohang tatapusin mo ngayon?"

"Patatagalin ko pa sana kaso wala na narinig mo na rin kaya hindi ko na kailangan mag-sayang ng oras." Tinitigan niya ako sa mata. Kung sa ibang sitwasyon baka kiligin pa ako kaso ngayon puno ng takot yung puso ko. Wala akong ibang maramdaman kundi takot lang.

"Ikaw." Pagkasabi niya ng nag-iisang salitang yon. Ang salitang pinaka-ayaw kong sagot sa tanong ko. Ako? Ako ang kalokohang tinutukoy niya. Hindi ko na napigilan ang mga luha ko.

"Bakit? Bakit ako?" tanong ko sa pagitan ng mga hikbi ko.

"Elise look, this is just a prank." Ano?!

"Prank?" Shit! Damn you Jed! pinaglaruan mo lang ako? Damn you! - 'Yan ang mga salitang gusto kong idugtong pero hindi na lumabas sa bibig ko.

"Yes! This is just a prank Elise. Lahat ng pinakita ko sa 'yo lahat 'yon pakitang tao lang. Napagtripan lang namin 'to ng tropa ko, hindi ko na kailangan pang mag-explain, basta 'yung 1 month na panliligaw ko sayo at 1 month na pagiging tayo ay isang malaking kalokohan lamang."

Switched & Stuck With Him [PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon