Epilogue:

5.1K 98 32
                                    

Epilogue 

~5 Years Later~

"May lakad ka ngayon Sean? Hindi ba tayo pupunta ng airport para sunduin sila Jane?" bungad ni Ellie sa akin pagbukas na pagbukas ko ng gate ng bahay. Oo nga pala ngayon nga pala ang uwi ni Jane at Kyle.

"Hindi na ako sasama kayo na lang. Pupunta ako ng sementeryo e," sagot ko sa kanya.

"A, okay. Mahal na mahal mo talaga siya 'no? Sige mauna na kami. Baka matraffic pa kami e." Tumango lang ako at ngumiti kay Ellie tapos umalis na sila Claire, Xavier, Ellie at Neil. Simula nang maging sila ni Ellie at Neil barkada na rin namin si Neil.

Ako naman pumunta na sa sementeryo. Dumaan muna ako ng flower shop. Unti-unti na namang bumalik sa 'kin ang mga ala-ala noong nakaraang limang taon sa pagtungtong ko sa tapat ng puntod niya.

Nasa ospital ako noon. Kakagaling ko lang sa bahay nila Elise. Naibalita ko na rin kay lola 'yung hindi magandang balita. Kahit sinabi ni lola na okay lang at maging matatag lang ako, alam ko naman na nalulungkot siya kasi hindi natupad 'yung hiling niya na makita si Elise.

Nag-uusap kami ni lola nang biglang may malakas na katok kaming narinig. Binuksan ko kaagad ang pinto at nakita ko si Jane na hingal na hingal.

"Jane ikaw pala. May problema ba? Bakit ang lakas nung katok mo?"

"Kasi ano. Basta buksan mo 'yung TV!" Agad ko namang ginawa 'yung sinabi ni Jane. Nataranta na rin kasi ako sa mga kilos niya.

"Marami nang kamag-anak ng pasahero ang nag-aantay dito sa airport para mag-abang ng balita kung nakaligtas ba ang kamag-anak nilang sakay ng eroplanong bumagsak sa karagatan," sabi ng reporter sa TV. Kinabahan ako bigla sa narinig ko kaya binasa ko sa title ng news kung anong eroplano 'yung bumagsak. 'Eroplanong byaheng America bumagsak sa gitna ng karagatan' 'Yon na ang pinaka-ayaw kong mabasa sa oras na 'yon. Please. Sana wala do'n si Elise.

"Sean. Kanina pa kita kinocontact! Nando'n na sila tito sa airport nag-aabang ng balita," sabi ni Jane. Hindi ako makapagsalita sa sobrang kaba ko.

"Apo. Sige na, pumunta ka muna sa airport. Ayos lang ako." Napatingin ako kay lola. Kaya ko bang iwan si lola? hapon na, Baka abutin kami ng gabi doon.

"Lola. Saglit lang po ako ha? May cellphone ka naman po 'di ba? Tatawagan mo ako kapag may problema ha?" Nilapitan ko ang lola ko tapos hinalikan siya sa noo at umalis na kami kaagad.

Hindi ko alam kung paano na kami nakarating ng ligtas sa airport e, halos sigawan na namin 'yung driver ng taxi na bilisan niyang magmaneho. Nadatnan kong umiiyak si tita sa sobrang pag-aalala.

"Wala pa rin bang balita?" tanong ko kay Jane.

"Wala pa daw ehh." Naiinis na ako noon sa tagal. Alas-siyete na, sabi ko pa naman kay lola saglit lang ako. Apat na oras na akong nandoon nang wala man lang nangyayari. Mas nada-dagdagan lang 'yung kaba ko.

"Tito. Sigurado po ba kayong pasahero si Elise ng eroplano 'yon? Baka naman po iba 'yon."

"Hindi ako sigurado Nath, pero hindi kasi hindi macontact si Elise."

"Papa, tumatawag na si Elise!" sigaw ni tita at dahil doon nakahinga na kaming lahat. Nakalimutan palang buksan ni Elise 'yung phone niya kaya naman hindi siya macontact. Nagpaalam na ako kaagad pagkarinig ng magandang balita. Nagpasalamat ako sa Panginoon dahil hindi napahamak si Elise.

Switched & Stuck With Him [PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon