SASWY -- Chapter 32

2.2K 63 24
                                    

Chapter 32


"Jane! Dala mo 'yung gitara ko?" bungad ko kay Jane pagpasok niya ng classroom namin. Kakantahan ko si Nath, 'yon ang gagawin kong peace offering. Marunong na akong mag-gitara kasi tinuturuan ako ni Nath, gitara 'yung regalo ni Nath sa akin no'ng valentines day. 'Yung ginamit niya habang kumakanta siya ng forevermore. Kaya ko hinahanap kay Jane kasi hiniram niya, nagpaturo rin siya sa kay Kyle.

"Yeap! Ako pa! Siyempre supportado kita! Hinding hindi ko pwedeng kalimutan 'tong gitara mo. Teka, nasaan na si Sean? Bakit parang late 'ata siya ngayon?" Kanina ko pa rin hinahanap si Nath kaso hindi ko siya makita.

"Oo nga e. Tinext ko siya na 'wag na akong sunduin kaya dapat maaga na siyang nandito." Nsaan na kaya 'yon? Natanggap kaya niya 'yung text ko? Baka dumaan pa 'yon sa amin kaya nalate.

"Hay nako! Pano kung late 'yon? Hindi mo magagawa 'yung surprise mo ng maaga." Naisip ko na rin 'yon pero wala naman akong magagawa kung late si Nath, hindi naman pwedeng agcut para lang kantahan ko siya.

"Sana naman hindi siya late. Hindi pa naman siya nalelate so far. No'ng first day lang." Naalala ko tuloy no'ng may mas late pa pala sa akin no'ng first day.

"Sana nga!" medyo high blood na sabi ni jane. Siya pa ngayon ang galit? Affected much?

Nagstart na ang klase pero wala pa rin si Nath. Kaya naman nagsimula na akong mag-alala. Tinext ko siya ng palihim. Mahirap na kapag nahuli ako ng teacher. Mawawalan ako ng cellphone ng wala sa oras.

To: Nath KO

Nath KO! Asan ka na? Bakit ka late? Makakapasok ka ba o hindi? May sakit ka ba ngayon? Bakit hindi ka nagrereply?

Take care, I love you :*

Panglimang text ko na 'ata sa kanya 'yon. Bakit nga ba hindi siya nagrereply? Sana wala namang masamang nangyari sa kanya.

"Mr. Ramos. Sira na 'ata ang relos mo. Better to buy a new one." Napaangat ang ulo ko sa pagsesermon ni ma'am. Si Nath pala nandito na. Bakit kasi siya late? Ayan tuloy pinapahiya siya ni mam.

"Sorry po ma'am nalate po kasi ako ng gising." Umalis na siya sa harap at umupo na sa tabi ko. Tahimik lang siya at hindi ako tiningnan. Nagselos ba talaga siya kahapon? At naniwala ba talaga siya na hindi ko siya mahal? Bakit kasi hindi niya ako pinatapos?

"Nath-" Hindi ko na itinuloy 'yung sasabihin ko kay Nath kasi kinausap niya bigla si Ellie na nasa kabilang side niya.

"Ellie. Pahiram ng lecture." Sabi ko nga I'll keep my mouth shut na lang. Ayaw niya akong kausap.

Nagdiscuss lang si mam tungkol sa pagcocompute ng grades namin. Wala na kaming lesson dahil 1 week na lang graduation na namin. Wala akong naintindihan, paano ba naman kasi? Lutang ako e. Nabobother ako sa hindi pagpansin sa akin ni Nath.

Dismissal na at buong araw akong hindi pinansin ni Nath at ang sakit lang sa puso. Hindi naman ako makatyempo na kausapin siya kasi feeling ko, may something sa aura niya na ayaw niya akong maka-usap. Inipon ko na ang lahat ng lakas ng loob ko para kausapin si Nath dahil ayoko nang patagalin pa 'yung coldness niya sa akin.

"Nath. Ano-" pinutol niya na naman 'yung sasabihin ko.

"Elise, sorry ha? Hindi kita maihahatid ngayon eh. May lakad lang ako. Sige mauna na ako. Nagmamadali kasi ako e," sabi niya tapos parang bula na siyang nawala sa harap ko. Ang sakit sa puso ng ginagawa niyang pag-iwas. Bakit naman siya gano'n sa akin? Kainis naman siya e! Kaya hindi ko na napigilan yung luha ko sa pagtulo.

"Ano naman 'yon? Aba! Lecheng lalaki 'yon a! Hindi ba niya nakikitang ikaw na nga 'tong nakikipag-ayos?" inis na sabi ni Jane at niyakap ako, niyakap ko rin siya.

"Jane, feeling ko tama 'yung hinala ko kung bakit hindi nagpakita sa 'kin kagabi si Nath." Tiningnan ako ni Jane na may halong pagtataka. "Sabi ni mama, pumunta daw si Nath kahapon sa bahay pero pagkaayat niya papunta sa kwarto ko ay bumaba rin 'to kaagad. Sa tingin ko, narinig ni Nath na hindi ang sagot ko sa tanong mo na kung mahal ko ba siya at hindi niya hinintay matapos ang mga dapat kong sasabihin pa. Akala niya siguro hindi ko talaga siya mahal kaya gano'n na lang siya ka-cold. Paano na 'yan Jane? Ano nang gagawin ko?"

"Kung ayaw ka niyang pansinin personally. Try mo sa facebook?" Binulong niya sa akin 'yung plano niya at mukhang maganda. Sana nga lang maging effective.

(Nath's Point of View)

Naglalakad na ako pauwi nang pumasok na naman sa isip ko 'yung sagot ni Elise sa tanong ni Jane. Hindi ba niya talaga ako mahal? Sumasama ang loob ko kapag naiisip ko 'yon at sa tuwing nakikita ko si Elise kaya naman hangga't maaari iniwasan ko siya.

Pero bakit ako ang pinili niya kung hindi niya ako mahal 'di ba? Baka naman nadala lang si Elise ng sama ng loob niya sa akin kaya niya nasabi 'yon kay Jane. Hindi nga kaya? Kung gano'n napakalaki ko palang gago para palakihin pa 'tong tampuhan namin.

Ayoko nang patagalin pa ang tampuhan namin ni Elise kaya naman tumalikod ako at naglakad pabalik. Pupuntahan ko si Elise sa bahay nila, kailangan na naming magkaayos, hindi ko na kayang tiisin siya. Alam ko naman sa sarili ko na tunay 'yung pagmamahal na pinaparamdam sa akin ni Elise.

Nasa loob na ako ng subdivision nina Elise. Sana pag nagkita kami, hindi siya umiiyak. Dami ko kasing alam e, hindi ko pa siya pinansin kanina.

Paliko na ako sa street nila Elise nang biglang magring ang phone ko.

"Hello? Mae Anne, bakit ka po napatawag?" Si Mae Anne yung personal nurse ni lola, medyo mahina na kasi si lola kaya kinuha namin siya ng personal nurse.

"Sir! Ang lola niyo po! Inatake po siya sa puso. Dinadala na po namin siya sa ospital."

"Ano?! Saang ospital dinala si lola? Susunod ako, itext mo sa akin ang ospital." Tumakbo na ako pabalik sa sakayan ng taxi. Nag-taxi na ako dahil matagal kapag jeep.

Elise. Babalikan kita. Kailangan lang muna ako ng lola ko. Sorry Elise.


Switched & Stuck With Him [PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon