SASWY -- Chapter 10

3.6K 113 29
                                    

Chapter 10


6:09pm na at palabas pa lang kami ng school nag-over time kasi kami para sa project pero 'yung iba umuwi na. Nasa school pa ako dahil nag-ayos pa ako ng locker ko, si Claire kasi mukhang 'di naman inaayos. Pagkatapos kong mag-ayos ng gamit ay umalis na din ako kaagad dahil ayoko na muling maabutan ng dilim.

"Hi."

"Ay kalabaw na may bangs!" sigaw ko dahil sa gulat. Sino ba 'tong nanggugulat? Tumalikod ako para tingnan kung sino 'yon at nakita ko si Jed.

"Nasaan? Ngayon ko lang nalaman na may bangs pala ang kalabaw?" Tawa siya ng tawa nang sinasabi niya 'yon.

"Che! Bakit ka ba nandito? Nanggugulat ka pa. Kainis!"

"Bakit masama bang hintayin ka? Dapat nga aalis na ako e kasi mukhang wala ng tao sa loob pero lucky me at nandyan ka pa pala." Bakit naman niya ako inintay?

"Lucky me ka diyan. Ano ka pancit canton?"

"Joke 'yon?" tanong niya sa 'kin.

"Whatever, bakit mo naman ako hinintay?"

"Wala naman namiss kita e."

"Hay nako adik ka din e no?"

"Oo adik sayo," banat niya. What the hell! Anong meron sa lalaking 'to ngayon? Parang may sapi e. Isa pa siyang weirdo e.

"Ano ka ba Jed. Umuwi ka na nga," sabi tapos naglakad na ako pauwi. Napansin ko namang sumusunod siya.

"Bakit mo ako sinusundan?"

"Ano ka ba naman Elise. Kaya nga kita inintay lumabas ng school niyo para ihatid ka tapos pauuwiin mo lang ako agad?"

"Bakit mo naman ako ihahatid?"

"Wala lang, gusto ko lang."

"Bahala ka nga!"

Sinamahan lang niya ako sa paglalakad, in short hinatid nga niya ako. Ano kayang pumasok sa utak nito at gusto akong ihatid?

"Jed, nandito na tayo sa tapat ng bahay ko. Makaka-uwi ka na salamat sa paghatid," sabi ko ng nakangiti.

"Elise." Papasok na sana ako pero bigla siyang nagsalita kaya naman napatigil ako.

"Bakit?"

"Pwede ba akong manligaw?" Ano kamo?!

"Ha?" 'yan lamang ang nasagot ko sa sobrang pagkabigla.

"Alam ko masyadong mabilis. Hindi pa nga natin masyadong kilala ang isa't-isa e, kasi kahapon pa lang tayo nagkakilala. Mali, kahapon mo pa lang ako nakilala, nakakahiya man pero habang magkasama tayo kahapon sa paglalakad nagustuhan na kita."

"'Yun nga-" hindi niya ako pinatapos sa sasabihin ko.

"Pwede pa naman nating kilalanin ang isa't isa habang nanliligaw na ako 'di ba? Sana payagan mo akong manligaw Elise. I'll wait for you tomorrow at hihintayin ko din ang sagot mo. I'll give you time to think about it."

Hindi na ako nakasagot kasi tumalikod na siya paalis.

Tama naman siya, pwede pa naman naming kilalanin ang isa't-isa habang nanliligaw siya.

Tsaka, baka siya na ang makatulong sa akin para tuluyan na akong makapag-move on kay Xavier.

(Claire's Point of View)

Isang school day na naman ang natapos, dismisal na ngayon ang oras na pinakahihintay ng lahat sa school. Naglilipit na ako ng gamit nang bigla akong tawagin ni Nath.

"Pwede ba kitang ayain saglit sa mcdo?" 'Yun o! Mukhang pumoporma 'tong si Nath kay Elise a? Matagal ko na 'yung nasesense pero at positive ang hinala ko.

"Osi-" naputol ang sasabihin ko nang bigla akong hilain ni Elise. Panira naman ng plano 'to, hindi pa nga ako nakaka-oo e.

"Kilala mo ba si Jed?"

"Isa lang naman ang kilala kong Jed. Si Jed hernandez, 'yung pinsan ni Xavier. Bakit mo naman naitanong?"

"Wala lang, nagkakilala kami lately lang."

"O tapos?"

"Hihintayin daw niya ako sa labas ng school after dismisal. Kasi ano, hinihintay niya 'yung sagot ko e." Anong sagot naman 'yon?

"Sagot naman saan? Elise, magiging kayo na ba? 'Di ba kaka-kilala mo pa lang sa kanya? Nako Elise hindi 'yan good idea," sabi ko. Wala akong tiwala kay Jed, chickboy 'yun e.

"Ano ka ba! hindi!"

"E anong sagot naman yung hinihingi niya?"

"Kung pwede ba daw siyang manligaw." Kakakilala pa lang ligaw agad? "Claire, alam ko 'yang iniisip mo. Sabi naman niya pwede pa naming kilalanin ang isa't isa habang nanliligaw siya e."

"So oo ang sagot mo? Magpapaligaw ka?" Tumango naman siya. Seryoso ba siya?

"Okay. I'll meet him." Pumayag na lang ako. Mukha kasing masaya naman si Elise sa pagtango niya kanina e, sana lang hindi siya saktan ni Jed.

"Salamat Claire! Hayaan mo 5:30 na naman, 30 minutes na lang ako na ang kasama ni Jed. Hindi na ikaw," sabi niya.

"Wala 'yon! Kung diyan ka masaya e," sabi ko tapos tumalikod na ako para ayusin yung mga gamit ko.

"Elise? Pwede ka ba?" Oo nga pala! Si Nath ay nag-aya rin. Sayang naman, nagsisimula pa nga lang siyang dumamoves rejected agad.

"Sorry Nath, sa ibang araw na lang. Masakit kasi ulo ko e," pagdadahilan ko.

"Gano'n ba? Sige next time na lang, pagaling ka."

"Sige mauna na ako."

Nilagay ko muna yung mga gamit kong dapat ilagay sa locker tapos pumunta na ako sa gate kung saan nakita kong nag-aabang si Jed na may malapad na ngiti. Wala talaga akong tiwala sa kanya, ano kaya ang hidden agenda nito?

"Elise!" tawag niya sa akin habang patakbong lumalapit.

"O?"

"Napag-isipan mo na ba? Pwede ko na bang malaman ang sagot mo?" atat na tanong niya.

"Okay," tipid kong sagot.

"Okay? Ibig sabihin pwede akong manligaw?" Tumango lang ako, ayoko nang ulitin. Hay nako Jed! Subukan mo lang paglaruan ang best friend ko, humanda ka sa 'kin.

*


Switched & Stuck With Him [PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon