SASWY -- Chapter 3

7K 143 22
                                    

Chapter 3


(Claire's Point of View)

Nasa daan na kami ni Eli- I mean Claire papuntang school nagpahatid kami sa driver namin. I mean driver ni Claire, technically driver nga namin. Nakakalito talaga 'to. Ano ba naman kasi 'yung nangyari sa amin? Hindi naman pwedeng habambuhay kami ganito. Paano na lang kami ni Xavier? Paano na 'yung pamilya ko?

"Mam Claire." Tinawag ako ng driver naming kaya napalingon ako sa kanya.

"Ano-" napahinto ako dahil sa pagpisil ni Elise sa kamay ko, tsaka ko naalala siya nga pala si Claire ng mga oras na iyon.

"Ano 'yon?" tanong ni Elise sa driver namin.

"Traffic po kasi e mukhang may banggaan malapit sa school niyo. Okay lang po ba kung dito na kayo bumaba? Malapit na lang naman po 'yung school niyo. Baka po kasi malate kayo," sabi ni kuyang driver.

"Ha? 10 minutes pa naman o! Baka kaya pa yan. Nakakatamad maglakad e," pagrereklamo ko, totoo naman na nakakatamad maglakad 'pag umaga, pero kinontra naman ako ni Elise.

"Ganoon po ba? Sige po, tara na Cl-Elise. Hindi naman malayo 'yung school dito." Wala na akong nagawa siya naman ang amo sa mata ng driver namin.

"Elise naman pwede namang limang minuto pa e." Sa kanya na ako nagreklamo pagbaba naming ng sasakyan.

"Ano ka ba ayan na nga yung school o! Tamad nito, kahit kailan ka talaga e. Tsaka si Claire nga ako ngayon hindi ako si Elise." Nawala sa isip ko siya nga pala si Claire, natawag ko tuloy siyang Elise.

"I know pero pwede ba kapag tayong dalawa lang hayaan mo na mabalik sa atin yung mga tunay nating pangalan. Wala namang may alam 'di ba?" Tama naman ang sinabi ko. Hindi na naman naming kailangan pang umarte sa harap ng isa't isa.

"Okay fine, pero andito na tayo sa school kaya ikaw muna si Elise. Okay?" Nagulat ako dahil tama nga ang sinabi ni kuyang driver, malapit na nga lang ang school dito. Akala ko kasi malayo pa.

"Haaay, do I have a choice?" Iyan na lang ang nasabi ko.

"My loves!" Na-excite ako sa tawag sa akin ni Xavier kaso hindi nga pala ako 'yon. Si Elise pala si my loves sa mga oras na 'yon. Niyakap ni Xavier si Elise at mukha namang nagulat siya sa inakto ni Xavier, hindi ko ata nasabi na yakapan ang batian namin ni Xavier.

"Uhm, Claire bakit kayo magkasama ni Elise?" tanong ni Xavier na may halong pagtataka.

"Bakit bawal ko na bang makasama yung best friend ko ngayon?" Sumabat na ako para naman kahit papaano nakaka-usap ko siya.

"Hindi naman, ang unusual lang kasi." Gano'n na ba katagal naputol ang relasyon namin ng best friend ko?

"Hay nako! Best friend ko pa rin naman si C-Elise kahit anong mangyari noh! Kaya walang unusual at masama dun m-my lov-ves" Alam kong nahihirapan talaga si Elise na makipag-usap kay Xavier, kaya sobrang naaapreciate ko na pumayag siya para sa akin.

"Okay. That's good, tara na. Akin na 'yang bag mo dalhin ko na sa upuan mo." Binigay naman ni Elise 'yung bag niya kay Xavier.

"Xavier wait," tinawag ko siya bago ko pa makalimutan.

"Ano yun Elise?" Sa tono ng boses niya alam kong nagulat siya sa pagtawag ko.

"Pwede ba tayong mag-usap mamayang break? Sa garden na lang," sabi ko.

"Sure." Pagkasagot niya sa akin ay pumunta na sila sa seat nila. Hindi ko maiwasang malungkot dahil dapat kami 'yon at hindi sila.

"Good Morning Elise. Ang aga mo ata ngayon a!" Napatingin ako sa kuma-usap sa 'kin, si Sean pala. Kailangan ko pala siyang pakisamahan kahit ang totoo hindi talaga kami close kasi kaibigan siya ni Elise.

Switched & Stuck With Him [PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon